FIXING A BROKEN HEART

1708 Words
“Sometimes it takes a heartbreak to shake us awake and help us see we are worth so much more than we’re settling for.“ Mandy Hale CHAPTER 3 Nasa bar nun si Jude at kasalukuyang nagpapakalunod sa pag-inom ng alak ng tugtugin ng banda ang awiting Fixing a broken heart. At ramdam niya sa bawat lyrics ng kanta ang sakit ng paghihiwalay nila ni Crystal, ni hindi man lang siya nito nagawang bigyan ng second chance kahit ano pang pagmamakaawa ang gawin niya. Shit! iniinis ba talaga siya ng awiting ito. Damn it! Hindi man lang siya hinayaang makapag explain ni Crystal. Malamig pa sa yelo ang naging pagtrato nito sa kanya. kung umarte ito parang siya lahat ang may kasalanan ng nangyari sa kanila. Shit! s**t! s**t! She love Crystal pero ni hindi man lang siya nito kayang ipaglaban sa dad nito. Kaybilis nitong bumitaw. Ganun lang siya nito kabilis binitawan parang yung mga naging ex bf niya dati na basta na lang niya ibinasura pagkalipas ng ilang buwan. Sabagay maswerte pa rin naman siya kasi taon ang binilang ng naging relasyon nila compare dun sa mga exes nito. " C'mon bro. lasing ka na. " Pigil sa kanya ng bestfriend niyang si Vincent na nanligaw din kay Crystal pero binasted nito. " Huwag mo nga akong pakialaman bro. gusto ko talagang magpakalasing! " tabig niya sa kamay nito! " Jude, bro. ano bang nangyayari sayo? ngayon lang kita nakitang ganyan after your break up sa isang girl ah. Hindi ka naman dating ganyan ah! Ow c'mon Jude! nasaan na ang tikas mo sa chicks! " pang-aasar nito sa kanya na tila ba gusto pang ipamukha sa kanya kung gaano siy kamiserable ngayon. " Bro. iba si Crystal eh! seryoso ako sa kanya! " wika niya sabay laklak na muli ng alak na tila ba yun ang papawi sa sakit na nararamdaman niya. " Eh seryoso ka pala bakit mo tinalo yung pinsan niya. Kung di ka ba naman gago! Kung bakit ba naman kasi ikaw pa ang pinili niya. Iba talaga si Crystal bro. kasi anak siya ni General. Pasalamat ka pa nga at kilala din sa lipunan ang angkan nyu kung hindi baka pinaglalamayan ka na rin ngayon sa ginawa mong panggagago sa anak niya" walang prenong paninisi nito sa kanya. " Kalimutan mo na siya Jude. Kasi imposible ng magkabalikan pa kayo ni Crystal. Hinding hindi na papayag ang ama nung general na magkabalikan pa kayo! Ikaw na rin ang nagsabi na muntikan ka ng patayin diba. C'mon man! make your stand. Panindigan mo nalang si Charity total mukhang patay na patay naman sayo ang babaeng yun. Imagine sinira niya ang pagiging magpinsan at magbest friend nila ni Crystal para sayo! Tsss...tsss...malaking gulo yun bro.! kaya kung ako sayo wag mo nalang ipilit ang sarili mo kay Crystal. move on man!.." patuloy na payo at pagsesermon nito sa kanya na may kasamang paninisi. Hindi na nakipag argue pa si Jude sa kaibigan ng akbayan na siya nito at igiya palabas ng bar. Totoo naman kasi lahat ng pinagsasabi at ipinamukha sa kanya ng kaibigan. Ito na ang nag drive ng kotse niya at naghatid sa kanya sa condo niya. Ganun na lang ang naging pagkasorpresa niya ng madatnan dun ang ate niya na galit na sinalubong siya. " What is happening to you Jude! Ng dahil lang sa babae nagkakaganyan ka na! Ui Jude umayos ka nga! Ikaw ang inaasahan ni dad na pumalit sa trono niya tapos ganyan ka! Kung ayaw na sayo ng babaeng yun eh di let go! " marami pa jan! patuloy na tungayaw nito sa kanya. " Siya nga pala nanood ka na ba ng mga latest issue sa showbiz? kung hindi pa pwes manood ka ngayon baka makatulong yun para matauhan ka! " Naiiling nalang si Vince sa ginagawang panenermon ni Ellaine sa kanyang kaibigan. Ayaw na niyang makisali sa usapan ng mga ito kaya nagpaalam na din siya dito. " Pano Ellaine alis na ako ikaw na ang bahala diyan sa utol mo ha.! Paalam dito ni Vincent. " Sige Vince thank you! maasahan ka talaga! " pagpapasalamat nito sa kanya. " Of course! what our friends for! sige I'll go ahead na! " " Ok take care! ingat sa pagdadrive. " Ng makaalis na si Vincent ay tumayo na rin siya para pumunta na sana sa kwarto niya para matulog ng bigla nalang siya hilahin ng kapatid sa braso dahilan para muli siyang mapaupo sa sofa. " Where do you think you're going ha Jude? "galit na sigaw sa kanya ng ate niya. " Saan pa eh di mautulog na! " asik naman niya sa kapatid. Wala siyang panahon sa panenermon nito. Dadagdag lang ito sa sakit ng ulo niya! " No! you sit there! panoorin mo ang interview sa magaling mong girl friend. " giit nito sa kanya. Dahil sa pamimilit nito sa kanya ay napadako ang atensyon niya sa telebisyon kung saan kasalukuyang guest si Crystal sa isang late night talk show. " Good evening every one! we are so lucky tonight kasi napaunlakan tayo ng isa sa pinakasikat na artista ngayon. No other than Crystal Montenegro and her leading man Allen Concepcion Magandang gabi sa inyong dalawa! " nakangiting bati dito ng host ng show. " Good evening din po Miss K. Nakangiti ding bati ni Crystal na lalo pang nagpaganda dito. She has the most beautiful face in showbiz. Labas ang mapuputi at pantay pantay nitong ngipin at ang malalim nitong dimples sa magkabilang pisngi. " You are really so beautiful Crystal. You're a Goddess! " puri dito ng host. " Sobra naman kayo miss K. Goddess talaga! Thank you po para sa papuri na yan! " Well talaga namang kapuri puri ka Crystal. Not only with your beauty but with your outstanding acting skills. Anyway hindi na ako magpapaligoy ligoy pa! Deretsahang tanong totoo bang break na kayo ng boyfriend mong si Jude Ledesma? " Titig na titig si Jude sa mukha ni Crystal at hindi niya maiwasang manghinayang sa relasyon nila. " Yes. Miss K. " Deretsahang pag-amin nito sa host na nakangiti pa! " Oh ayan mga kaibigan! dito niya unang inamin ang estado ng relasyon niya. and Crystal just confirmed na wala na talaga sila ni Jude Ledesma ang nag-iisang anak na lalake ni Mayor Jojo ledesma. So paano ba yan Allen may pag-asa ka na kay Crystal! " tila kinikilig na komento ng host sabay baling nito sa leading man nitong si Allen. Napa suntok naman si Jude sa hangin habang nanonood. s**t! mura pa nito! " Crystal pwede mo bang i-share sa amin at sa mga fans mo kung ano o sino ang naging dahilan ng break up ninyo ni Jude? " patuloy na pang-iintriga dito ng host. " My God Miss K! were just here to promote our upcoming movie! tila biro nito sa host na nakangiti! Well Miss K. hindi ko na idedetalye kung ano ung naging dahilan ng break up namin pero siguro dumating kami sa point na! we just need to end up our relationship kasi maybe hindi kami ang para sa isat-isa talaga! It's not important naman kung sino ang may kasalanan kasi siguro we are both the one to blame for the break up. Hindi mo naman pwedeng isisi lang sa isa. " " So ibig mo bang sabihin Crystal nasa inyo pareho ang problema!? " " Yes tita K! " " oh! so sad naman! diba ang tagal nyu na! " " Yeah 2 years din ang itinagal ng relationship namin! " " Ang tagal din ha! patuloy na komento dito ng host. Sayang naman! pero ganun naman talaga siguro sa isang relasyon laging may ending kung hindi talaga kayo ang para sa isat-isa. Well dont worry Crystal andyan naman si Allen na sobrang simpatiko! I'm sure sobrang matutuwa ang mga fans ninyo pag kayo ang nagkatuluyan! Well back to you Allen hindi ka ba nahuhulog dito kay Crystal? " pang-iintriga naman nito sa co-actor ni Crystal! Na napangiti din sa tanong ng host! " Kailangan pabang itanong yan Miss K? Sino ba naman poh ang hindi mahuhulog dito kay Crystal eh super ganda na mabait pa! pero syempre dahil may boyfriend na siya kaya kailangan dumistansya din! respeto na din dun sa boy friend niya! " deretsahang sagot naman ng ka love team nitong si Allen. Na ikinainis lalo ni Jude. Kung kaharap lang siguro niya ito nabigwasan na siguro niya ito ng suntok dahil sa matinding selos na nararamdaman niya. " Wow! alam mo napaka honest ng sagot mo Allen I like you na talaga! maarteng komento dito ng host. Pero ngayon na alam mo ng single na ulit si Crystal may plano ka na bang ligawan siya? " Muling tanong ng host na nang-iintriga sa kanila. " Depende po yun syempre kay Crystal kung ready na ba siya na magpaligaw. " " Well may point ka. Back to you Crystal ready ka naba na magpaligaw? " " Well Miss K. I think sa ngayon hindi pa! focus po muna ako sa Career! ipapahinga ko po muna siguro ang puso ko! " nakangiti pa ring sagot nito na hindi man lang kakikitaan ng kalungkutan. " Oh ayan Allen narinig mo! hindi pa raw siya ready sa ngayon kaya stand by ka lang muna! " Oh sige na magpromote na kayo ng upcoming movie nyu I'm sure blockbuster hit nanaman yan! matapos magpromote ng dalawa ng kanilang pelikula ay pinatay na ng ate niya ang TV at siya muli ang pinagbalingan. " See brother hindi ikaw ang priority ni Crystal kundi ang career niya! kaya tigil tigilan mo na yang kaka emo mo sa kanya! Forget her! magfocus ka din sa career mo para naman hindi ka ma menus ng ama niya! believe me bro pag may power ka na kaya mo ng labanan ang ama niya kaya pumayag ka na sa gusto ni dad na tumakbo kang mayor sa susunod na eleksyon. Kalimutan mo na si Crystal. " Hindi pinansin ni Jude ang sinabi ng kapatid! sa totoo lang kanina pa siya nagpupuyos sa selos at galit. siguro kung wala lang dun ang ate niya kanina pa siya nakapagwala at nakapaghagis ng mga gamit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD