Chapter Six

1991 Words
Lumipas ang Tanghali, ang bilis lang ng mga oras parang kabayong mabilis tumakbo. hindi pa rin matapos tapos ang trabaho ko sa paglilinis ko dahil sa may mga bumibili paminsan minsan dito sa munti naming tindahan. busy naman sa paghaharden si papa at si mama naman ay pumunta sa kumare niya, sa kapitbahay namin at paniguradong kaya matagal umuwi dahil na traffic na naman yun ng chikahan nila, si Kuya naman ay busy sa pagpapakain ng mga aso namin, mga anim lang naman ang aso namin. habang ako naman ay nag aayos dito sa loob ng tindahan namin, himala nga ay hindi ako kinukulit ni Jeremiah ngayon.buti na yon. "tao poooo ?". sabi ng maliit na bata tsansa ko ay nasa six years old ang bata. anak ng kapitbahay namin. cute na cute ang batang to kaso mukhang namana din ang kakulitan sa nanay niya, kawawa nga eh kasi hiwalay ang nanay at tatay niya sa kanyang edad pa lang ay hindi na nagsasama ng maayos ang kanyang magulang. bumisita din tong bata samin paminsan minsan. " ano yun chin?" Chinalyn Gulam ang pangalan niya. ewan at ayaw ng nanay na Cruz ang dalhin ng bata, eh Cruz naman talaga dapat. Cruz ang apilyedo ng tatay ni Chinalyn. Chin ang tawag namin dito o kaya Chin-chin. "ate pabili ng cendey". ngumiti ako sa munting bata at binigay sa kanya ang candy galing sa garapon. " libre na yan chin-chin" nakita ko ang munting ngiti ng bata and that melted my heart. gustong gusto ko talagang may youngest sibling kaso ayaw ni mama na sundan kami ni Kuya dahil na rin sa nagmamahal na ang mga paninda ngayon. (sana all nagmamahal :D) "wooow tenkyu po ate mat" bit-bit niya ang maliit na candy habang tuwang tuwa siyang umalis. nakita ko sa may dolo ang kanyang mama na may bit-bit na walis at nakita kong pinapalo palo ang bata. binigay ko nalang ang candy kanina sa bata dahil alam kong walang pera yun. "sabing huwag kang mangutang ! walang wala na nga tayo magiging pabigat ka pang bata ka !" sigaw ng nanay sa bata. wala ni-isa ang nag react sa eksina. kawawa ang bata, wala naman siyang kasalanan, bata yan eh. ganyan sila kung magdemand. gusto ko sanang sigawan na huwag niyang paluin ang kaisa-isang anak niya nang agad dumating si Marko sa harapan ng tindahan namin at nakisali din sa panonood. "ireklamo kaya natin yan sa DSWD ? kawawa ang bata" sabay tingin sakin. "Hi" sabay ngiti sa harapan ko na bumabagay sa porma niya ngayon. aminin ko man o hindi ay mas lalong nag uumapaw ang kagwapohan niya, hindi naman siya matso pero matindi pa rin ang dating niya. bilang babae ay talagang nakakapanghina ng mga tuhod sa ngiti niya, nakakalunod. sinamangutan ko siya at hindi pinansin pa, ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko ng biglang may nagsisigaw na naman sa may dulo. "hoy tigilan mo nga yan! ang sarap mong ireklamo sa DSWD alam mo yun ha? kaya hindi tayo nagtagal bilang mag-asawa dahil yan sa pananakit mo sa anak natin, hindi naman yan nakakatulong sa bata bilang disiplina ?! halos ang mga kapitbahay natin ay mahal na mahal nila ang anak natin. Ang hirap sayo puro ka palo, kapag hindi ka tumigil ? irereklamo kita ng tuluyan!" nakita namin dito ang pagkuha ng ama ni chin sa kanya pero bago yun nagpatuloy sa paglalakad ay nag iwan ito ng salita niya sa dating may bahay niya. "hindi mo na masasaktan pa si Chinalyn dahil ako mismo ang makakalaban mo Donalyn!" at naglakad na ng tuluyan ang lalaki. habang humagolhul naman ang babae habang tinatanaw ang mag-ama niya paalis. nagsisimula na naman ang mga bulong-bulungan sa kabi-kabilang sulok dito sa lugar namin. 'naku! kung ako ang asawa niyan? kawawa yan dahil matagal ko nang nilayasan yan' 'baka nagkakaganyan yan dahil sa gustong bumalik sa kanya si Edmondo ?' 'siguro nga ano?' 'eh pano yan ? may kinalulukuhan ding iba si Edmondo' 'naku kaya pala, kawawa naman ang anak nila kung hindi magkaka ayos ang mag-asawang yan' at iilang lang din yan sa mga narinig ko. chismosa din eh. maya maya din ay bumalik sa kanya-kanyang bahay at sa ginagawa. "nasa'n sila mama mo ?".si Marko habang seryosong nakatingin sakin. yung tingin na yan ay parang barbecue stick, ang straight lang. hindi ko parin siya tinignan. bastos na kung bastos basta ayoko sa kanya. kumukulo kasi ang dugo ko sa kanya. ewan kung bakit at hindi ko maintindihan na halos sasabog na'ko sa galit. kinontrol ko ang sarili ko para hindi ako magalit sa kanya. " Kuyaaaaa? may bisita kaaaaa". sabi ko nalang at si Kuya nalang ang bahala sa lalaking to. "i like it the way you hate me" sabi ni Marko habang unti-unting gumuhit sa labi niya ang ngiting ayokong makita dahil ayokong lumambot na naman ang puso ko. mas lalo lang akong sumimangot sa kanya at hindi parin siya pinansin. "oh ? bro ? halika pasok ka dito sa loob" tumango naman si Marko kay Kuya at umikot sa bahay para pumasok, parang baliw. lalakad lang ay nakangiti parin ang mokong. "kanina ka pa ba bro?" "ah kadadating ko lang" hindi ko makita ang ginagawa nilang magkaibigan dahil nakatalikod ako't nasa loob parin ng tindahan. kadadating daw? sinungaling, nakiki chismis yan eh. "tika mag lunch ka muna?, ikaw lang ba ang nandito? wala kang kasama ?" "ooh ako lang bro, okay lang hindi pa naman ako gutom" "ano nga palang sadya mo bro? ano yung sinasabi mong may sasabihin ka daw ni mamang ? " "ah ooh bro" Shit. sabi na eh. narinig ko ang usapan nilang dalawa dahil malapit lang din ang tindahan sa sala namin. "para saan yun bro?" "ah... ano.. sa katunayan niyan ay gusto ko sanang ... iinvite kayo dahil may kaunting salo-salo sa bahay mamayang gabi, pwede ka din ba niyan bro?" a-ano? "sure, okay sakin total day off ko naman bukas" "sige cool, san sila aunte bro?" aba.. aunte ? close sila mama ? close ? feeling close ang mokong. "nasa harden busy sa mga halaman nila" "nga pala pinapasabi ni boss manager na huwag mong dalasan ang absent mo sa trabaho ,galit na galit siya dahil sa absentees mo, buti nalang malakas ka kay boss manager" "ooh nga eh pero hindi na'ko aabsent ulit, mag fifile na'ko ng leave kung sakali man" sabay nagtawanan ang dalawa. mga baliw " 'no bayan bro" "miss na siguro ko ni boss manager eh" hindi na ko nakinig sa kanila at nagpahinga dito sa loob ng tindahan. may tataposin pako sa loob ng bahay namin. matagal talaga ako matapos sa pag lilinis at pag aayos lang. "oh iho? napadalaw ka?" nang marinig ko ang tinig ni mama ay agad akong nagtungo sa sala para kausapin siya. "ma? kayo na po ang bahala sa tindahan at maglilinis pa ko sa itaas" "oh siya sige at para makapag pananghalian na rin tayo" umakyat na ko sa loob para ipagpatuloy ang naudlot kong paglilinis kanina. " nandito po ako para maimibitahan kayo sa maliit naming salo-salo sa bahay, birthday po kasi ng nakakatanda kong kapatid" "hindi ba nakakahiya sa mga magulang mo iho?" "hindi naman po kayo bago sa kanila, magkakilala po kayo nila mama kaya welcome na welcome po kayo aunte" "naku ! osige iho mga anong oras ?" "mga 6 pm po" "wala ba kayong lakad niyan aunte ?" "ay naku wala iho" "kung huwag niyong mamasamain, pwede ho kayong mag stay sa bahay ng isang gabi don ,malayo po kasi eh" "naku walang maiiwan dito sa bahay iho kung aalis kaming lahat pero di bali at babalik agad kami, mabibisita ko din ang kumare ko" narinig ko ang mga tawanan nila sa labas at mga biruan nila mama. "kung nasa tamang edad lang ang anak ko ay matagal ko na kayong ipinagkasundo sayo iho" a-ano ? NO WAY !! yan ? magiging asawa ko? ha ! no waaaay! narinig ko ang tawa nilang lahat pero ... "kung pwede nga po" at nagtawanan ulit sila. NOOOO WAAAAY ! habang naglilinis ako ay hindi mawala wala ang biruan nila mama sa isipan ko kanina. ano kayang feeling kapag mag nobiyo nga kami niyan ? siguro ... iingatan niya ko? halata namang mabait eh pero baka katulad lang din siya ni Nathan. Speaking of Nathan, kumusta na kaya siya ? okay lang siguro yun. paniguradong masayang masaya silang dalawa ng mabuti't traydor kong kaibigan. at total sabado ngayon, mahaba haba ang oras ko para magsulat ng story. napangisi ako sa naisip ko. kailangan ko lang tapusin ang paglilinis ko dito. Lumipas ang mga oras at natapos na rin ako sa paglilinis sa itaas at sa tatlong kwarto dito. mukhang mamaya pa ko makakapag sulat. " bruha ! baba kana daw sabi ni mama para makakain na tayo" sinamaan ko ng tingin si Kuya dahil sa sinabi niya ,maka bruha ah? akala mo hindi kami magkapatid ? aba >:( "opo Kuya ... onggoy!". " aba't hoy pangit !". nagsisigaw na si kuya kaya tumakbo nako palabas ng bahay at nagtago sa may likod, may gripo din kasing inilagay dito para magsilbing bath area namin. naghilamos na ko at naghugas ng kamay. dadaan nalang ako sa sala at paniguradong nasa kusina na sila kuya, baka mababatukan na naman ako non. matapos kong maglinis sa sarili ay agad akong dumaan sa sala para hindi ako maabutan ng lokong yun. "at nandito ka lang pala ! " pagtingin ko sa may hagdan ay nakita ko ang nakangisi kong kuya, yung ngiti niya ay nakakakilabot. "ah..eh.. kuya magbibihis lang po ako.." "huwag na bruha ka naman eh" sabay hila sa kamay ko. akala ko nga galit yan eh. "k-ku-kuya naman" mas lalong hinigpitan ni kuya ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nagresulta ng pamumula. "a-ang sakit k-kuya naman" agad naman din niyang binitawan ang kamay ko matapos makita niyang namumula na. ang manhid talaga ! nagmamadali akong nagbihis sa itaas at simpling loose shirt at loose short lang ang soot ko at pumunta na sa kusina nakita kong tapos na sila sa pagkain at mukhang ako lang ang huling kakain ngayon. habang tahimik lang ako sa pagkain ay agad din naman akong natapos. naglilipit na ako ngayong may biglang umagaw sa kamay ko't muntik ng mahulog ang babasaging baso. "ano ba't---" akala ko si kuya na naman at aawayin ako pero mali ako si Marko... he compress the ice box sa kamay ko, habang ako namay halos mawalan ng hininga sa sobrang lapit namin ngayong busy siya sa pag conpress. ngayon ko lang siya nakita ng ganito kalapit. ngayon ko lang din napansin ang matangos niyang ilong, sakto lang ang kapal ng eyebrows niya at.. bumaba ang tingin ko sa mga labi niya.. kisseable lips. Damn it ! bakit parang magnet na ang pakiramdam ko ngayon ? parang nahihinoptismo ako sa kanya pero... "anong ginagawa mo?" tinignan niya ako ngayong 5 inches lang ang layo ng mukha namin >_ fudge ! nanlaki ang mga mata ko habang tinignan siya sa mga mata niya ng diretso. fudge bakit hindi ako makakilos ng maayos na parang mauubusan na ako ngayon ng hininga. seryoso lang siyang tumingin sakin at inilapit niya ang mukha niya sakin fudge.. eto na ba yon? hahalikan na niya ko? mawawala na ang first kiss ko? >_ pumikit ako at hinintay na dumapo ang labi niya sa labi ko pero mali ako... bigla ko nalang naramdaman ang malambot niyang labi sa forehead ko. para naman akong na istatwa sa ginawa niya. ngumiti siya sakin at saka lumakad papuntang sala. ilang oras akong ganun ang posesyon ay nagpasya akong pumunta sa Cr para maghilamos. fudge ! ano yun ?! napahawak ako sa puso kong ang bilis ng kabog ngayon. hindi ko man lang to naramdaman kay Nathan noong kami pa. anong klasing tao ba si Marko at nagagawa niyang baliwin ang puso ko? narinig ko nalang namay kumakatok sa pintoan ng Cr. "hoy pangit ! bilisan mo diyan at aalis tayo" nagtaka ako sa sinabi ni kuya. saan naman ang lakad namin ? "saan daw tayo kuya?" "basta bilisan mo lang diyan" nakarinig ako ng dalawang pares na sapatos na paalis dito sa kusina. agad naman akong lumabas sa Cr. at nagtungo sa kwarto at agad ding nagbihis, simpling t-shirt lang at fitted jeans ang sout ko, pagka baba ko ay agad akong nagpunta sa may sala , ako lang pala ang hinihintay. naka floral na bistida si mama, long floral dress at simpling polo naman kay papa na bumagay sa kanyang maong. parang teen ager lang eh ? si kuya naman ay short lang at black shirt ang porma niya. ako nga white shirt lang at jeans ang sout ko. nang maging okay na ang lahat ay umalis kami sa bahay, pinagbilin na namin sa kapitbahay ang mga alagang aso namin para matingnan nila. saglit lang daw kami sabi ni mama kaya okay lang. sumakay na kami sa trycle ni Marko tumabi agad si kuya kay Marko , sila mama naman ay sa harapan habang ako ay nasa likod lang . "hoy pangit don ka na sa likod ni Marko" nangunot ang noo ko sa sinabi ni kuya. aangal na sana ako pero sinamaan ako ng tingin ni mama ng lingunin nila ako. wala akong nagawa kundi sumonod at nagpalit ng pwesto ni kuya kaya ako na ngayon ang nasa likod ni Marko. hays napahawak ako sa balikat niya ng di oras dahil malapit akong mahulog ng i.start na niya ang tricycle. naramdaman ko ang ngiti nilang tatlo habang hindi naman makakilos ng maayos si Marko. parang tood. tss ilang oras din ang biyahe namin habang ako ay aliw na aliw sa tanawing nadadaanan namin ewan ko lang sa mga kasama ko. "mama maganda talaga ang probinsiya" proud kong sabi kay mama, proud ako dahil laki akong probinsiya at malayo sa kinalakihan ni Marko. tumingin ako sa side mirror para matanaw ko sana kung anong reaksiyon ni Marko pero mukhang ako pa ang nasorpresa he looks at me at nahuli ko ang kakaiba niyang titig sakin bago niya ibinalik ang tingin sa daan. napaiwas ako ng tingin at napalinga linga dahil sa kakaibang kabang bumubuhay sa buo kong sistima. "nandito na tayo".si marko bumaba na sila mama habang ako naman ay nagpaiwan sa tricycle. lumapit sakin si Marko nang naka kunot ang noo niya, mas lalo lang siyang naging gwapo sa paningin ko. >_" why? don't you like to meet my parents ?" sabi niya at mapanuksong tinignan ako. napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. ano kami ? mag jowa ? aba no way! "mamaya na PO" nakita ko kung pano umasim ang mukha niya. pero ba't ganun... gwapo pa rin siya. ginawa ko yun para mas klarong napaka bata ko pa. "tssk diyan ka na nga !" at iniwan niya ko mag-isa, buti naman ng makahinga ako ng maluwag. nang matanaw ko sila mama ay agad akong naglakad pero dahil sa tanga akong babae ay natapilok agad ako. flat naman ang sapatos na ginamit ko pero talagang tanga ako pagdating sa bukirin. kaya napaupo ako sa may damohan. agad namang tumakbo si Marko sa kinaroroonan ko. nakikita ko ngayon ang concern niya at sa kanyang mga mata ay talagang makikita ang pag-alala niya. hindi ko siya matingnan ng maayus dahil sa katangahan ko at isa pa ayokong maramdaman na nababaliw na naman ang puso ko. akala ko ay tutulungan niya akong makatayo pero bigla niya akong binuhat na siyang ikinagulat ko. tumingin siya sakin na parang inaalam niyang hindi ako mahuhulog sa pagbuhat niya. parang pang bagong kasal ang pagbuhat niya sakin ngayong napupuno na naman ako ng hiya nito. nakakahiya nila mama at mas lalo na sa parents niya. "hold on young lady" parang pinagsisihan ko pang sinabi ko kanina sa kanya na akala mo ay malayo ang agwat naming dalawa. kumapit ako sa likod ng leeg niya para hindi ako mahulog. at ang kisig lang ng mga braso niya para buhatin ako. 40 kilos ang timbang ko at malamang ay mabigat talaga ako. diritso lang siya sa paglalakad habang ako'y parang kandila na parang unti-unting nauubus. narinig ko ang tuksuhan nila mama at sa sa parents ni Marko ng madala niya ako sa may kusina para doon gamutin. aaminin ko na.. makisig talaga ang pangangatawan ni Marko. "masakit pa rin ba?" tanong ni Marko sakin ng mahinahon at kaming dalawa lang dito sa kusina. para namang may kung anong bagay ang humarang sa lalamunan ko't ayaw pang makagawa ng reply sa kanya. kaya tumango nalang ako sa kanya bilang sagot. hinubad niya ang ang sapatos ko. baka nangangamoy ang paa ko, nakakahiya. "stay put hwag kang malikot" he said while hinubad niya ang medyas ko. fudge ! hinaplos haplos ng kamay niya ang kanyang paa ko. nanindig ang balahibo ko sa kamay niyang magaspang na humahaplos sa paa ko, yung kamay niya kasi ay naglakbay sa paa ko. sa tuwing dadapo ang kamay niya ay parang iba ang pakiramdam ko. ewan pero iba eh. tumingin siya sa'kin habang hinahaplos haplos ang paa ko "saan ang masakit ? saang banda dito?" sabi niya sabay masahi at pinakiramdaman ang reaksiyon ko. nang makuha niya ang parting masakit sakin ay agad akong napa aray sa pagmasahi niya. "so-sorry hindi ko sinadya" nakikita ko ang pagsisisi ng mga mata niyang parang ingat na ingat siya habang minamasahi ang paa ko. "it's okay sa-salamat" "hindi naba masakit?" tumango ako sa kanya bilang sagot. hindi na masakit ngayong minasahi na niya. magaling magmasahi eh. isusuot na sana niya ang medyas sa paa ko ng unahan ko siya .. nakakahiya >_ "a-ako na, salamat" hindi naman siya nagpumilit pa at hinayaan ako sa ginagawa ko. may kinuha siya sa may kabinet na maliit malapit sa cr nila. isang maliit na parang cream na nasa loob ng maliit na bilog. "a-ano yan?" "cream para sa nabali mong paa" "hindi naman nabali ,okay naman ako ngayon" "kahit na, let me put this baka mas maging okay na" hindi na ako nangulit pa at hinayaan ang paglagay niya ng cream sa paa ko, kulay light green namay parang dark green na pabilog ang inilagay niya sa paa ko. "how it feels ?" maganda nga sa feeling, sakto lang ang anghang niya. "relieved" ngumiti naman siya sakin at agad hinapit ang biwang ko palapit sa kanya. fudge ! ano na naman ba to Marko?! iba ang naiisip ko ngayon at baka hahalikan niya nga ako pero nagkamali na naman ako. itinayo niya ako gamit ang kamay niya sa biwang ko para tulungan akong tumayo. >_ "th-thanks" hindi ako makatingin ng maayos sa mga mata niya. kanina pa siya .. kanina pa siyang weird at talagang nawewerdohan na 'ko sa kanya. lumakad ako ng paika ika dahil sa paa ko. "let me guide you" kinuha niya ang kamay ko at iniakbay sa leeg niya. tumingin siya sakin ng seryoso perp ako? ayokong tingnan siya at baka kung ano pang mangyari. inilalayan niya ako papuntang sala para makaupo sa may sofa nila habang ako ay parang nauubusan ng hangin. "nasan sila ? " lumingon kami sa kung saan saan dito sa loob pero walang tao. "baka nasa garden lang. wait me here ,let me check them kung nasan sila" "sige" ano bang nangyayari sakin ? bakit pati ako ay nagiging weird din? fudge ! Makalipas ang ilang oras ay napagpasiyahan naming magsalo salo sa mahabang lamesa kasama ang parents ni Marko. 25th kasi ang birthday ng kuya ni Marko. halos magkasing edad lang sila kuya kai sa kuya Marvin ni Marko. gwapo din ang kuya ni marko malalaki ang pangangakatawan at sakto lang ang laki na talagang lalaking lalaki tignan. maagang natapos ang salo salo namin sa birthday ni kuya Marvin. nagtataka nga kami kung bakit kami lang ang bisita nila Marko yun pala ay naghanda na sila kahapon at maraming mga bisita ang dumalo, yun nga ang ipinagtataka ko dahil bakit nag celebrate pa sila ngayon? eh kahapon naman ang birthday ni kuya Marvin ? nagpasiya kaming umuwi na sana kaso biglang umulan ng malakas at gusto na sana ng mama ni Marko na mag stay kami sa kanila pero tumanggi si mama dahil sa walang katao tao sa bahay. hinatid sila mama ni kuya Marvin dahil may maliit na auto sila Marko. pero yun nga lang ay sila mama lang ang kasiya at ipapahatid nalang ako kay Marko. aayaw na sana ako ng hindi tumanggi si mama sa offer ni Marko na siya na ang maghahatid sakin pauwi. seriously? gabing gabi na ? tapos isang lalaki pa ang kasama ko pauwi? fudge ! nauna na sila mama ng ihatid sila ni kuya Marvin at saka naman ipinarada ni Marko ang tricycle. "iha mag iingat kayo ha? sabihin mo sakin kung napano ka sa kamay ni Marko ha? " ngumiti ako't ipinakitang may tiwala naman ako kay Marko para mapanatag ang Ginang, maging ako ay natatakot at baka kung anong pumasok sa utak ni Marko. malaking lalaki si Marko at hindi ko kayang ipagtanggol ko ang sarili ko kung sakali man. sumakay na'ko sa tricycle niya ng tahimik. sinabihan pa si Marko ng kanyang mama na iingatan akong parang babasaging baso. napatawa ako ng mahina sa sinabing yun ng Ginang. ewan pero sobra naman ang kabaitan ng mama ni Marko. i waived as a Goodbye sa kanilang mag-asawa. "pasensiya kana at dito kapa sumakay, baka mabasa ka" "okay lang hindi naman ako mababasa , may proteksiyon naman ang tricycle mo M...Ma.Marko " ngumiti ako sa kanya kahit hindi niya ako nakikita dahil sa nagdadrive siya. malayo pa naman ang uuwian ko at baka nga mabasa kami nito. lalong lumakas ang ulan at biglang namatay ang makina ng tricycle ni Marko. (Author's pov: yung tricycle dito yung may makina.. i mean yung motorcycle ×D hahahaha ang gulo ba? sorry pero trip ko lang ×D anyway, continue) "f*ck bakit ngayon pa nasira ?!" itinabi niya lang ang tricycle sa gilid ng kalsada nang may natanaw kaming maliit na bahay ay agad kaming pumasok sa maliit na bahay. buti nga at walang butas ang bubong yun nga lang ay walang pintoan, walang harang sa harapan namin. lalo lang lumakas ang hangin at giniginaw kaming pareho ni Marko dito. lumingon sakin si Marko at hinubad ang jacket niya at nilagay sa likod ko, manipis lang ang sout ni Marko kaya halatang giniginaw siya. "ti-tik---" "ssssshhh payakap" he hugged me while inayos ang jacket niya sakin. he's cold but parang binigyan niya ako ng init galing sa katawan niya. para akong istatwa sa ginawa niya. "y-yo-you're cold" "hmmm?" "b-baka magkasakit ka niyan Marko" "don't mind me, stay with my arms" hindi ko na mabilang kung may oras pa ba akong dapat huminga. nang humina na ang ulan ay nagpasaklolo kami buti nalang at may iilang mga sasakyan ang dumaan. nakauwi ako ng maayos habang si Marko naman ay nakitulog nalang sa bahay namin, magkatabi sila Kuya at hindi ako makatulog sa mga nangyayari ngayong araw at gabi. hindi naman ako tinanong ni mama ng makauwi kami ni Marko sa bahay. tinawagan ni Marko ang mama niya at sinabing dito siya matutulog. kahit papano ay nawala ang lungkot ko nong paghihiwalay namin ni Nathan. nararamdaman ko ang kirot sa puso ko sa isiping naging mag jowa sila ng matalik kong kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD