CHAPTER 33

2583 Words

NAPAPAILING na lang ako sa tuwing mahahagip ng tingin ko ang nagdududang itsura ni Linette. Simula nang mag-resume ang klase hanggang ngayong uwian ay hindi siya sumusuko sa pangungulit sa akin tungkol sa pinag-usapan namin ni Terrence. Mabuti na lang at naisip ni Terrence na itabi muna sa kaniyang locker ang bouquet. Kung nagkataon ay pati mga tsismosa kong kaklase ay hindi ako lulubuyan sa pagtatanong. “Ikaw, Nami,” siko sa akin ni Linette habang naglalakad kami papunta sa parking ng school, “tatahi-tahimik ka r'yan. Nanliligaw na sa'yo si Terrence, no? Naku! Subukan mo lang maglihim sa akin.” Napayuko ako at umiling. Talagang hindi niya kayang tiisin ang pangangati ng kuryosidad niya. “Tsismosa ka talaga.” Napaigtad ako nang biglang sundutin ng magaling na babae ang tagiliran ko. “An

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD