DUMATING na ang araw na lihim kong pinagdadasal na sana ay hindi matuloy. Everything was set for the SJU annual event. Plantsado na ang programa at isi-serve na ang pagkain. I made sure all were settled and smooth so that there’s no reason for me to come out of my office. Ibinilin ko rin kay Cathy na kung magkaroon ng hindi inaasahang aberya ay i-radyo na lang sa akin gamit ang aming two-way radio. Alas siete ng gabi ang simula ng program subalit alas sais y media pa lang ay may mga nagdadatingan nang guests. Abot-abot ang kabog ng dibdib ko sa bawat paghinto ng mga sasakyan. Para akong pusang hindi maihi dahil sa nerbiyos. Sinikap kong mag-concentrate sa inaaral na audit at profit report ng restaurant para sa buwang ito. I need to distract myself dahil kung hindi ay wala akong ibang gag

