CHAPTER 12

2154 Words

KAKAIBANG katahimikan ang inabutan namin ni Terrence nang nakarating kami sa labas ng covered court. Kadalasan kasi ay dinig na hanggang labas ang sigawan ng mga nanonood ng basketball game sa school. Mas higit na nakapagtataka ang katahimikan dahil ABM at STEM ang naglalaban ngayon, ang dalawang pinakapaboritong team ng mga mag-aaral ng San Sebastian National High School. “Tapos na kaya ang laban?” tanong ko kay Terrence habang magkapanabay kaming naglalakad palapit sa entrance door. He looked at his wristwatch and shook his head. “Dinig ko pa ang tunog ng mga sapatos galing sa loob. Pati ang dribble ng bola.” “Bakit parang walang nanonood? Walang nagsisigawan,” komento ko. “Baka napagod na sa kaka-cheer,” natatawang sagot ni Terrence. “Kailan ba naman napagod ang mga estudyante dito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD