“ABA, saang fashion ka ba pupunta at gayak na gayak ka?” tudyo sa akin ni Margaux nang lumabas ako ng kuwarto at abutan ko siyang nagkakape sa dining area. “Am I overdressed?” Umikot pa ako upang ipakita sa kaniya ang kabuuan ng suot ko. I’m wearing a yellow spaghetti-strapped summer dress na lagpas tuhod ang haba. Tinernuhan ko iyon ng pulang wedged sandals at wide brimmed hat. “Hindi naman. Feeling ko lang masyado kang naghanda ngayon.” She shrugged her shoulders. “Baka nasanay lang ako sa ilang linggo mong pagiging dull and now that you’re glowing, nanibago ako.” I let out a nervous laugh. “Ayaw kong magsisi si Dylan na nakipagbalikan siya sa akin. I wanted to be the most beautiful woman in his eyes.” Margaux chuckled. “Girl, kahit yata basahan ang isuot mo ay ikaw pa rin ang pinak

