"Babe," I whispered, throat went dry instantly. I swallowed hard as I stared at Gab's perplexed face. Marahas ang pagkalampag ng aking dibdib habang lumilipas ang ilang segundong pagha-hari ng katahimikan sa pagitan naming tatlo. "Gab, iho, nariyan ka pala," binasag ni Mama na kaka-pasok lang sa sala ang nakakabinging katahimikan. Tila nakahinga ako nang maluwag sa pagdating ni Mama, dahil hindi ko alam kung ano'ng klaseng pagpa-paliwanag ang ibibigay ko kay Gab. Lumipat ang tingin ni Gab kay Mama at kaagad na gumuhit sa kan'yang labi ang isang ngiti. "Good evening po, Tita." Nagmano siya kay Mama pagkatapos. "Ang sabi ni Alessia ay may pasok ka, gusto sana kitang papuntahin dito nang makasabay ka sa hapunan namin," ani Mama at napa-sulyap sa akin. "Opo, maaga rin po kaming d-in-ismi

