Lumipas ang ilang araw pagkatapos ng pangyayaring iyon at hindi na muling nagtagpo ang landas namin ni Jude. And I guess it was a good thing. Although part of me felt guilty of what I said to him. I was too harsh sa mga huling sinabi ko, and I shouldn't have said those words to him lalo na't death anniversary ng Mama niya sa araw na iyon. Gusto ko mang sabihin sa mga kaibigan ko ang nangyari ay mas pinili kong manahimik na lamang at ibaon sa limot ang lahat ng nangyari na sangkot si Jude. Baka magkaroon pa ng gulo at lumaki pa, at ayaw kong mangyari iyon. "Alessia, huy! Nakikinig ka ba?" Althea snapped her fingers in front of me. Tila nahila ako pabalik sa totoong mundo sa ginawa ng kaibigan ko. "Ha? Ah, yeah," nag-aalinlangan ko pang wika. "Kanina ka pa tulala. Hindi mo nga gina-g

