Pinagtama namin ni Gab ang aming mga baso at tinungga ang laman no'n. Mabilis na nagbago ang timpla ng mukha ko nang gumuhit ang matapang na lasa ng alak sa aking lalamunan at ang init na hatid nito sa aking sistema. Itinapon ko sa harap ang tingin ko kung saan marami pa ring mga tao na nakatayo sa gitna. All of them were obviously wasted, kung mayroon mang hindi pa ay hindi rin halata. People were already doing this sexy dance with the people they were with. May mga nagme-make out na at kulang na lang ay maghubad upang gumawa ng milagro sa gitna ng dagat na mga tao. Napangiwi ako nang naispatan ko si Althea saglit na may kayakap at kahalikang lalaki na hindi ko masiyadong maaninag ang mukha dahil natatakpan din ng mukha niya. "I told you, juice na lang," sinabi ni Gab na kinabalik ng

