Semestral break came. Next week pa namin napagplanuhang magpa-enroll for second semester, kaya nama'y ginugol ko ang sarili ko sa pag-a-advance study. Minsan naman nagyayaya ang mga kaibigan kong gumala, mostly si Althea. Pambawi raw sa mga araw na halos malunod na siya kaka-aral. Kagaya na lang ngayon. Nasa isang birthday party kami na sa isang exclusive beach house ginanap. I heard pagmamay-ari ng pamilya ng isa sa mga ka-fling ni Althea ang beach house na 'to, and it was his birthday. Nakakahiya nga kasi outsider lang naman ako tapos narito ako, nakiki-birthday. Wala nga akong gift man lang! But he didn't mind it at all. Sa yaman ba naman ng pamilya ng lalaking 'yon ay ewan ko na lang kung may isang bagay pa ba siyang hindi niya mabibili. I met him earlier, pinakilala ni Althea. And

