DICLAIMER: I would like to remind you guys that this is the new version of When He Falls. You can read the old version just go to my profile. Please don't put your comment if you see anything na mali or errors. Magulo din ang old version kasi ginawa ko iyon way back on college at hindi ko pa iyon na-e-edit hanggang ngayon. I posted here because some readers still wants to read it. Pero kung hindi ka fan ng errors at typos better leave the old one. Thank you!
When I got off in the car I walked in the house immediately. Ayaw ko munang makipag-usap sa kahit na sino even mom. Dad is not yet home kaya wala akong maririnig na sermon mamaya sakanya.
Kanina sa sasakyan pinipilit akong kinakausap ni mommy para sa dadaluhang party. Hindi ako nagsalita sa buong byahe namin. Galit ako sa ginawa niya kay Javier. I can't believe that she can say those words nang harap-harapan pa. I am very aware of their judgement about Javier pero sumosobra na lalo na si mommy.
Nakadalawang hakbang na ako sa hagdanan nang marinig ko ang pagtawag ni Mommy sa akin. I sighed and face her. Pagod na ako sa nangyari kanina pero sana makarinig man lamang ako kay mommy ng kaonting sorry sa ginawa niya.
"Marga! Marga! Is this how you will act to me? Dahil sa lalaking 'yon nagiging ganyan na ang ugali mo?" umiling na lang ako. I guess she's not sorry about what she did. I want to answer her but I don't want to make this long. "Ginagawa namin ito to protect you sana maintindihan mo kami!" dagdag pa ni mommy.
"Protecting me? From who? Javier? He's a good-" hindi ako pinatapos ni mommy. She's irritated now kaya padabog siyang umupo sa sofa.
"You don't know him! Nagbabalat kayo ang isang 'yon! Pinapaikot ka niya para mapaniwalang mabait siya!" umiling ako sa mga sinabi niya. I can't believe her! Ito ba ang naibibigay ng pera at karangyaang buhay para mag-isip ng masama sa isang tao?
"Paano magagawa ni Javier 'yon mommy? I can't understand your point mom! Hindi ko alam kung para saan itong ginagawa niyo. You're not protecting me mom dahil inilalayo mo ako sa mga taong malapit sa akin. I let you control my decisions in life pero kapag si Javier na kaisa-isang tunay kong kaibigan, baka hindi ko kaya pagbigyan." Tinalikuran ko si mommy pagkasabi ko ng mga 'yan.
I made another step, she grabbed my left arm and pull me back in front of her then she slap me hard. Napapikit ako dahil sa sakit ng sampal niya. Gusto kong umiyak but I won't let mom see me I am weak. This is the first time. Ang unang pagkakataong sinaktan ako ni mommy, physically.
Dahan-dahan akong tumingin kay mommy. I saw her angry expression. Walang bakas doon ng awa sa kanyang mga mata. Like her eyes is telling that I deserve her slap and feel the pain!
"Hindi ko talaga maintindihan Mom! You're being unreasonable! Lahat ginawa ko para mapasaya kayo at para sa kumpanya!" I said without even blinking my eyes because if I did I would cry a river. Mahina ako pagdating sakanila at mas mahina ako ngayon dahil si mommy na mahal na mahal ko ay kaya akong saktan.
Kahit isang kaibigan lang ang ibigay nila sa akin dahil lahat naman ng gusto nila sinusunod ko. Lahat ng desisyon sana na ako ang gagawa ay sila ang humahawak. I let them control my life dahil iyon ang gusto nila at palagi nilang sinasabing nakakabuti sa akin lalo na sa kumpanya.
Lahat ng mga tanyag sa mundo ng business ay ipinapakilala sa akin lalo na kapag may dadaluhang party. Kailangan andun ako palagi dahil ako ang tagapagmana ng kumpanya. Palagi ding sila ang nagseset ng dinner date sa mga anak ng mga pwedeng maging investor ng company namin o anak ng mga magiging business partner nila.
When there's a big project proposal that the government announce to the public sinigurado na ni daddy ang gagawin niya iyon ay ang makipagkaibigan sa mga ito lalo na kay Senator Trinidad na daddy ni Tyron. That's when they decided the two of us na magdate dahil nanliligaw na rin dati si Tryon. Pumayag ako because it's a big project that will help our company in the coming years. But, they want something more 'yon ay sagutin ko si Tyron. Kahit labag sa loob ko sinagot ko si Tyron and the rest is history.
"Because that's how you do it to help us in our company! And this is how we protect you from those people!" mataas ang tono ng pagkakasabi ni mommy at nanginginig na rin ang mga kamay niya.
"Mom! Can't you see? Kung masamang tao si Javier noon pa man sinaktan na niya ako!" pagpupumilit ko pa baka sakaling maliwanagan siya at makita ni mommy na mali ang ginawa niya. I want her to see my point here because she's being unreasonable on this issue.
"No! Kilala ko ang mga taong ganyan and besides he's the son of- I mean kinukuha niya ang simpatya at loob mo!" tinalikuran ko si mommy. I tried but I failed. I am tired and I just to be alone. I run upstairs even though I wear my stilettos. Hindi ko na kayang pigilan ang mga luhang bumabagsak galing sa mata ko. I frustrated wiped away my tear.
"Margareth! Hindi pa tayo tapos! Margareth!" rinig ko pang sigaw ni mommy sa baba pero wala na akong pakialam pa. Pagod na ako sa araw na ito. Pabagsak akong humiga sa kama. Hindi pa rin tumitigil ang pagtulo ng luha ko. What if Javier will leave me this time? Tinakpan ko ng unan ang mukha ko. All I see is mom being unreasonable and Javier walking away from me.
I calm myself to think properly pero walang pumapasok sa utak ko dahil sa lahat nangyayari. Bakit parang takot na takot silang mapalapit ako kay Javier? Mabait siyang tao dahil kahit minsan hindi niya ako sinaktan! He treated me like his sister. Helps me a lot in my subject at higit sa lahat hindi niya ako tinuring na iba.
I want to refresh my mind from all of this kaya nagtungo ako sa banyo. I prepared my bath tub. Gusto ko munang magpahinga sa lahat. I want a little time for myself. I want this to end!
Inilubog ko ang sarili ko sa medyo mainit na tubig. Tanging ulo ko na lang ang nakaahon. Ipinikit ko ang mata ko at dinama ang tahimik na palagid ng banyo. This is what I want. Freedom and peace! Freedom to make yourself at peace.
Pinikit ko ang mata ko at hinayaang tangayin ng katahimikan ang bawat problemang iniisip ko ngayon. I got all the things that I want. Nakakapag-aral ako sa isang prehistiyosong unibersidad, may sariling condo, may kotse at higit sa lahat may magandang kinabukasan ang naghihinatay pero lahat ng iyon ay balewala sa akin. Hindi ko kayang tanggapin. I can't be happy because there are people out there who is striving to make a living, to survive from this cruel world tapos ako nandito lang, may kinabukasan na kaagad. I want to make my own name and provide something from my own hard work like what Javier did.
Gusto kong sa sarili kong sikap galing ang lahat ng bagay na gusto ko. Ayaw kong umasa sa magulang ko. Siguro ito ang natutunan ko sa pagiging kaibigan ko kay Javier, ang mag-isip para sa sariling kinabukasan ng walang inaasahan sa iba. Javier taught me something that I can use for my own future.
Paulit-ulit ang mahihinang katok mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Tinignan ko ang orasan. Eight thirty na pala ng gabi. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dito sa bath tub. I immediately got out from the tub at nakatapis na lumabas.
Hindi pa rin tumitigil ang pagkatok ng pinto ko. Siguro ang katulong iyon.
"Wait!" sigaw ko bago ako pumasok sa walk-in closet para makapagpalit ng bagong damit.
"Ma'am pinapatawag na po kayo ni Sir Hades para kumain!" ang katulong namin. Nakauwi na si daddy at siguradong sermon ang aabutin ko sakanya.
"I will be there. Magpapalit lang ako!" sambit ko. Namili ako ng komportableng susuotin para na rin sa pagtulog ko.
Tinignan ko ang cellphone ko kung may mensahe bang galing kay Javier pero wala. Puro mga emails at messages lang sa mga unknown number. Binuksan ako ang messenger para magtipa ng mensahe para kay Javier pero binura ko din. Huminga ako ng malalim saka ibinaba muli ang cellphone. Kakausapin ko na lang siya bukas sa campus.
Pagkatapos ko magbihis, bumaba na ako saka dumiretso sa dining. Nanliit kaagad ang tingin ko sa lalaking nakaupo katabi ng bakanteng upuan. Abala si mommy na kausapin si Tyron tungkol na naman siguro sa business. Si daddy naman ay may kausap sa cellphone samantala, si Ate Merideth ay tumatango lang kapag may itatanong sakanya si mommy.
Kumulo kaagad ang dugo ko dahil sa nangyayari ngayon. What is he doing here? Who invited this bastard?
Tyron's eyes drifted to me. I gave him a bored and disappointed look but he just gave me a mocking smile. I rolled my eyes to him as I walk towards a vacant sit beside ate Merideth. Natigil si mommy sa pakikipag-usap kay Tyron dahil nasa akin na ang tingin niya.
Bali ang pwesto ni daddy ay nasa dulo sa gitna ng malaking dinning table namin. Nakaupo naman si mommy sa kaliwang bahagi at pinag-gigitnaan nila ni Tyron ang bakanteng upuan. Si ate Merideth naman ay nasa kanang bahagi katapat ni mommy.
"Lumipat ka dito," mom said.
"I'm okay here," i said. Umiling ako and I look at Tyron with disbelief in his eyes. What asshole? Patuya ko siyang tinignan but dad interrupted me.
"Move there, Marga," si daddy na ang nagsalita.
Tumingin ako kay daddy baka nagbibiro lang siya. "Just move there sis," bulong ni ate sa akin. Tumayo ako at walang gana lumipat sa bakanteng upuan kung saan nasa gitna ako ni mommy at Tyron.
I heard him chuckled. Galit ko siyang binalingan ng tingin kaya siya tumigil.
"What?" he mouthed.
"Asshole!" I whispered to him. Medyo lumakas ang tawa niya kaya napatingin sa amin si ate na abala sakanyang cellphone. I don't know why Tyron is here! Ano na naman ang sadya ng gagong 'to dito?! And my questions answered by dad.
"We invited Tyron here because I want him to be your escort si in Thaddeus. engagement party." dad said with finality. I sighed because there's nothing I can do about it kapag si daddy na ang nagdecide.
Sa dami kasi ng lalaking inireto nila sa akin noon eto pang si Tyron ang pinili nila!
"Bakit hindi na lang si Marcus Arjente o si Fidel Monteverde? Bakit siya pa?" I said sarcastically while looking at Tyron. He smirked. Aba! Parang natutuwa pa siya sa lagay na ito!
Makita ko talaga ang pagmumukha niya naiinis na ako!
"Bakit hindi ako?" Patuyang sambit ni Tyron! And he has a guts to ask me that! Bakit hindi siya? Because you're an asshole! I want to tell him that to make him shut but mom and is here kaya pinigilan ko na lang ang sarili ko na sagutin siya sa tanong niya.
Narinig ko ang mumunting tawa ni ate. Masama ko siyang tinignan pero kinindatan lang niya ako. Ate knows about Tyron being an asshole at alam din niyang inis ako sa lalaking 'to tapos sila mom and dad wants him to be my escort! Gusto ko nalang lumubog sa kinauupuan ko ngayon o maglaho bigla at 'di na bumalik pa kaysa makasama pa ang lalaking 'to!
"Bakit hindi? Bakit 'di mo tanungin ang sarili mo dahil for sure it will answer your question." I said sarcastically.
"Marga! Why are you rude to him?!" Si mommy na galit nakatingin sa akin.
"It's okay tita if she doesn't want me to be his escort," si Tyron na may paawa effect pa.
"No, hijo. You will be her escort and that's final." Hindi na ako umimik dahil si dad na ang nagsalita. I am sure his decisions are firm and cannot be broken.
Nagsimula na ulit sila ni mommy mag-usap about sa ipapatayo nilang building para sa mga Del Franco. Our family have been friends with Del Franco for over a decades kaya lahat ng projects na ipinapatayo ng mga Del Franco ay kay dad ipinapagawa.
Naglapag na ng pagkain ang mga katulong. Wala akong gana kumain dahil sa nangyayari. Kanina sa school ay pinahiya ni mommy si Javier and then, now, eto naman ang kagustuhan nilang maging escort ko si Tyron. They're feeding me to anyone that they gain something from them. I am their daughter pero pakiramdam ko parang hindi ako nag-e-exist. Para lang akong laruan na pinamimigay nila para masiyahan ang ibang tao at para makuha nila ang gusto nila. Kapag nakuha nila saka nila ako babawiin tapos ipamimigay lang din ulit sa iba.
"I'm done." I said. Mom and dad look at me with disbelief. Apat o limang subo lang ata ng pagkain ay nawalan na ako ng gana. Tumayo na ako sa aking upuan. Tinignan lang nila akong umalis sa hapag.
Isa, dalawa, hanggang sa dumami ng dumami ang luhang bumabagsak mula sa mata ko. Bakit ganito? We have the money, we have everything we need but I am not happy. Hindi ako kailan naging masaya sa kung anong meron kami. Ibang-iba ang sinasabi at paniniwala ng mga tao na kapag may pera ka masaya at kuntento ka but they are wrong because I am never be contented with the life I have now. I will never be happy because I am not free.