Alea Alcantara POV
Kasalukuyan kong binabagtas Ngayon ang daanan papunta sa plaza madaming tao Ngayon sa paligid , yung Ilan ay abala sa pagluluto Ng kani- kanilang handa yung iba ay naglalakad at nakikipag kwentuhan.
Kaya din ako nag Jacket ay dahil Alas unse gaganapin Ang racing. Masakit masyado sa balat Ang sikat Ng araw kaya nagsuot nalang ako Ng jacket, sa hapon naman ang parada . May mga naka gown din kinukuha nga ako na mag susuot din ng gown pero ayaw ko , Hindi ako interisado sa mga ganyan kaya dito nalang sa racing ako sumali. Sabi nga nila sayang daw kasi maganda daw ako at bagay daw sakin ang mag Reyna ., tinawanan ko nalang sila
Sa parada din gagamitin yung mga ginawa namin sa plaza nung nakaraan.
Nang makarating ako sa plaza ay Agad kong natanaw ang ibang rider na kasali sa gaganaping racing . Inihinto ko ito sa tabi ng dilaw na kotse na nakaparada sa gilid ng daanan, bumaba ako sa aking motor para hanapin Sina Samuel at Ang mga kaibigan nito na ngayon ay kaibigan ko na din. Hinubad ko Ang helmet at ipinatong yun sa upuan Ng big bike ko . Kinuha ko ang susi at naglakad papunta sa loob ng plaza .
Habang naglalakad ay nakatuon ang paningin ko sa mga rider na Ngayon ay abala sa pag kalikot sa kanilang motor. Hindi ko na iyon kailangan pang gawin tiwala ako sa motor ko at lalong lalo na sa sarili ko.
Hindi ko namalayan na hindi na pala ako naglalakad at nakatingin lang sa mga rider na katulad ko , Nagulat pa ako Ng may kumalabit sakin.
Nang lingunin ko ito si Jeff pala. ano kayang kailangan Ng isang to.
kunot nuong tinitigan ko ito
" Bakit ? " tanung ko
" Kailan nyo balak pumunta nyo sa lupain namin ?" tanung nito sakin , sus yun lang ba ang itatanung nito sakin ? pakiramdam ko ay pinagmamalakihan ako nito. Oo kayo na Ang may lupain. Tsk.
Inirapan ko ito at itinuon ang tingin sa mga riders.
" Wala.! Wala akong balak pumunta sa lupain mo.! " idiniin ko talaga Ang salitang lupain mo. Hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon nito.
" tsk bakit natatakot ka kay Alfie? " Nang- aasar na tanung nito Banda sa may taenga ko at naamoy ko pa ang hininga nito , kilabot Ang dala nun sa buo kong sistema.
" Hindi no ! ayaw ko lang talagang pumunta ! " wika ko. Oo natatakot talaga ako Kay Alfie baka kasi bigla itong magwala habang nakasakay ako. Jusko baka mabalian pa ako Ng Wala sa Oras .
Nakita ko pa itong umismid.
" Okay then I will make sure na ako ang mananalo sa racing na to.! See you around Princess." aniya at naglakad na palayo.
Tsk mayabang ka talaga Jeff papakilala ko sayo kung sino ang totoong nag mamay-ari Ng korona.
Maglalakad na sana ako papasok sa plaza ng matanaw ko si Samuel na may kausap na babae si Trix ito. Tila nag aaway Ang dalawa, Gusto ko sanang lapitan si Samuel pero baka maka istorbo lang ako . Nagulat ako ng sunggaban ni Trix Ng halik si Samuel, Nakita ko na nagulat din si Samuel at napatingin sa gawi ko , nagtama ang mga mata namin habang magkalapat Ang mga labi nila, kakaibang kirot Ang naramdaman ko ,hindi ko maipaliwanag , parang tinutusok Ng karayom Ang dibdib ko. Agad na tinulak ni Samuel si Trix palayo sa kanya .
May sinabi ito dito pero hindi ko alam kung ano . Nag iwas ako Ng tingin dito, Parang hindi ko Kakayanin ang nararamdaman kong kirot sa dibdib ko. Hindi ko inaasahan ang Nakita ko , kusang naglakad ang mga paa ko papunta sa aking motor , kailangan kong magpahangin naninikip ang dibdib ko. Bakit ba ganito Ang nararamdaman ko sa lalaking yun ! Ginugulo nya ang isip ko. Nakakainis.!
Nang malapit na ako sa motor ko ay isang Kamay ang humawak sa braso ko nang lingunin ko ito ay nakita ko na naman ang mga ngiti nitong nakakatunaw . Ilang araw ko nang nakakasama ang taong to , kaya kahit papaano ay nakilala ko na din ito .
Mabilis niya akong hinila papalapit sa kanya at niyakap. Milyon milyong bultahe ng kuryente Ang dumaloy sa buo kong sistema dahil sa ginawa niya , tila namumula Ang mukha ko at nag iinit, nadidinig ko pa ang malakas na t***k ng puso nito.
" t..teka bakit.,? " kinakabahang Turan ko
" Babe ! kanina pa kitang hinihintay ! " turan nito habang yakap pa din ako. Teka ano bang sinasabi nito ? anong babe ?
Napadako Ang tingin ko sa bandang likuran ni Samuel, Nakita ko si Trix doon na matalim Ang tingin sakin. Naiintindihan ko na Ang ginawa ni Samuel, Nakita ko na umalis na si Trix kaya kumawala na ako sa pag kakayap ni Samuel, ayaw pa niya akong bitawan kaya sinabi ko na naka alis na si Trix. Saka lang ito bumitaw sa pagkakayakap sakin.
" sorry! " turan nito Ngumiti ako dito
" Okay lang ano ka ba , Friends na tayo kaya kapag need mo ng help andito lang ako." ani ko dito gustong tutulan ng puso ko ang mga sinabi ko , Hindi friends ang nararamdaman ko para sayo kundi Love. Pero utak ko naman Ang gusto tumutol sa sinigaw ng puso ko , Baka confuse lang ako dahil sa kabutihan nito sakin, hindi ko pa siya ganoong kakilala , baka masamang tao pala ito at nagpapanggap lang na mabuti, Baka sa Oras ng kahinaan ko at Oras ng kagipitan ay bigla nalang niya akong bitawan o iwan , hindi... hindi pwede , ayaw kong masaktan .
Ngumiti Ng mapait si Samuel sa sinabi ko. Niyaya niya akong kumain muna , Sabi ko ay kumain na ako bago ako umalis Ng bahay .
" Sama ka sakin mamaya sa bahay nagluto kami ng kunting makakain . " yaya ko dito gusto ko ipatikim sa kanya ang niluto ko.
" Sure ! " aniya
Malapit na mag alas unse kaya sumakay na ako sa motor ko para humelera sa kumpulan Ng mga riders .
" Good luck ! " aniya at ngumiti sakin lumabas tuloy ang dimple nito.
" Salamat ! " turan ko at isinuot na Ang helmet, inayos ko ang jacket na suot ko, Ang jacket na bigay ni Samuel, Naalala ko pa kung paano to napunta sakin. Napangiti ako sa isiping iyon , buti nalang at naka- helmet ako at hindi niya nakikita .
Nakita ko na natuon din ang tingin nito sa jacket na suot ko kaya napangiti lalo ito. Binuhay ko na ang makina ng motor ko bago tumingin ako dito.
" Mananalo ako para sayo." turan ko at pinaandar na ang motor ko papunta sa helera ng mga rider ,
May nagsalitang MC sa may stage Ng plaza. Mukhang mag uumpisa na.
" Good day everyone, Ngayon Ang Araw Ng Fiesta kaya Barangay San Pascual Sitio Bahura, Happy fiesta sa ating lahat.! " Sigaw Ng MC Naghiyawan naman Ang mga tao sa paligid.
Napansin ko na naandoon din sina Ambeth, Ange , Georgina at Mamita, oo nga pala manunuod Ng daw pala Sila Ng laban ko.
" Ngayon ay may pa- contest si Mayor Del Valle , para sa lahat Ng rider. Maraming salamat Mayor para sa araw na ito. ngayon ay uumpisahan na natin ang karera, Mga Mahal kong Riders Are you Ready.... " Sigaw nito at sabay sabay na sumagot Ang lahat.
" kung ganun umpisahan na natin In 3,..... 2...… 1.... go." Sigaw nito kasabay ng putok ng baril.
Kanya kanyang patakbo Ng motor Ang mga Riders
Nakita ko pa na nag che-cheer Sina Ambeth sakin kaya nag thumbs up ako sa mga ito bago pinaharurot Ang motor.