chapter 19 " I'm here "

1525 Words
Alea PoV. Alam ko Ang mga tinging iyon ramdam ko Ang katanungan sa isip niya , siguro ngayon ay hinuhusgahan na niya ako ,kahit ako gusto ko ding question-in Ang aking sarili bakit ito kailangan mangyare sakin, Si Samuel Ang isang taong dahilan kung bakit ako ngumiti ulit pero .,. Worth it ba sya para sa pagmamahal ko kung sa ganitong pangyayare sa buhay ko ay huhusgahan na nya ako? Worth it ba syang iyakan ? Worth it ba sya para sa .... para sa mga ngiti ko ? Alam kong hindi ko kayang sagutin lahat iyon lalo na at hindi ko pa siya nakakausap. Alam ko sa sarili ko na may puwang na siya sa puso ko at hindi ko matatanggap kung sakaling ako'y ipagtabuyan niya palayo sa kanya . Ayaw kong kasuklaman niya ako dahil sa mga bagay na hindi ko kontrolado. Mabigat Ang mga paa kong tumungo sa aking silid pagkaakyat pa lang ng hagdan ay nakita ko na ang lawaran niya naiinis akong tumitig dito "Sana masaya ka sa mga nangyayare " at padabog akong nagtungo sa aking kwarto. Nahihiya akong humarap sa mga tao baka isipin nilang nababaliw na ako. Isang text message Ang natanggap ko at iyon ay nagmula Kay Samuel. * Meet me tomorrow morning sa plaza * matapos kong mabasa ay isinubsob ko Ang aking mukha sa unan , " Bakit ? para saan ? para tanungin sa mga bagay na hindi ko naman kayang sagutin " inis na Sigaw ko sa ilalim Ng aking unan . Bumangon ako at humugot Ng malalim na hininga siguro ito na ang tamang panahon para tapusin Ang lahat sa amin ayaw ko ng masyado akong malubog sa kanya baka hindi na ako makaahon. ako lang din Ang mahihirapan sa bandang huli. Ayaw kong masaktan. At ayaw ko din siyang saktan . hindi ko siya deserve, he deserves someone else , a better person than me. Kinabukasan ay Maaga akong nagising hindi dahil binangungot ako kundi dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon dahil sa pagkikita namin ni Samuel, kaya ko ba? kaya ko ba na mawala sya sakin ? "Ahhhhh." Sigaw ko habang kagat ko ang aking baraso upang pigilang makagawa ng ingay dahil sa pagsigaw ko. bahagya pang bumakat doon ang aking ngipin. Naiinis ako sa sarili ko kagabi lang ay handa na akong layuan siya pero bakit ngayon ay parang gusto ko nang umatras. Napaiktad ako Ng tumunog ang aking cp . "Hello" Turan ko ng sagutin ko ang cp ko. ("I'm waiting you here .") aniya " Okay I'll be there " Sabi ko sabay baba Ng cp , Sempleng dress lang ang suot ko hanggang tuhod iyon at kulay asul , kinuha ko din Ang jacket niya at isinuot ko, Pagkatapos ay nagtipa sa aking laptop at pagkatapos ay ibinalik iyon sa ibabaw lamesa , hinagilap naman Ng paningin ko Ang aking helmet at Ang susi Ng makuntento na ay saka ako lumabas ng kwarto at nagmadaling lumabas ng bahay.. " Saan ka pupunta?" tanung ni Ange " Diyan lang sa plaza " tugon ko at tumalima na paalis sakay Ng aking motor. Nang makarating ay Agad kong nakita si Samuel na nakasandal sa kanyang kotse inihinto ko ito sa gilid kung saan malapit sa kanya Nakita kong nakangiti ito sakin , at walang bahid Ng kahit anong pagka dismaya. " hi " bati ko pagkababa ko sa motor ,ipinatong ko sa upuan ang aking helmet at lumakad palapit dito, umayos Siya ng tayo at kaagad akong niyakap, Ramdam ko ang bilis ng pintig Ng aking puso , ayaw nito makisama sa aking isip, Nagrerebelde na ang aking utak pero ayaw sumunod Ng aking katawan sa halip na lumayo ay tinugon ko Ang yakap nito mahigpit ko din itong niyakap. " kamusta ka na ? Okay ka lang ba? " nag aalalang tanung nito sakin Ng humiwalay Siya Ng yakap sakin . Tumango ako dito at ngumiti Ng bahagya, Tila hindi ko kayang sabihin lahat ng prinaktis ko kagabi , Akala ko kasi hinusgahan na niya ako pero nagkamali ako , Oo ramdam ko na gusto niyang magtanung pero pinili niyang tumahimik , Hindi niya ako kinulit tungkol sa usap usapan na kumakalat Ngayon sa baryong ito . Nakakatawang isipin ako dapat Ang kumukuha ng magagandang kwento tungkol sa baryong ito pero Tila ako ang naging magandang kwento para sa kanila. hayst Hinawakan ni Samuel Ang kamay ko at iginaya sa loob Ng kotse niya . " Saan tayo pupunta ? " maang na tanung ko. " Sa mansyon Ng Agirre, Lola Emma wants you to be there . " aniya pinisil pa nito ang kamay ko bago niya pinaandar Ang Sasakyan iniwan ko nalang ang aking motor Doon at mamaya ko nalang babalikan , Hawak ko ang aking helmet kinuha ko iyon bago pumasok sa loob ng kotse. Nang makarating ay bumungad sa Amin si Lola Emma na nakangiti , tila iniintay niya kaming dumating. " Apo ." aniya at lumapit sa akin at niyakap ako. mabuti nalang at wala doon ang mga anak nito . Nakakatakot kasi sila kung tumingin. Nakasunod lamang si Samuel sa amin hanggang makapasok kami sa loob ng bahay. Nakita ko pa na bumaba ng hagdan si Jeff at matalim itong nakatingin sakin, Nilapitan niya si Samuel at nakipag bro shake hands pa, pinaupo ako ni Lola Emma sa mahabang sofa katabi niya , Samantalang si Jeff ay inaya si Samuel sa labas Ewan ko kung saan Sila tutungo pero hindi na ako nagtanung.. Madaming kwento si Lola Emma sakin at nakakatuwa siyang kasama , Pagkatapos naming kumain ay namasyal kami sa garden niya napakalaki nito at Ang daming halaman . Sabi niya na paborito itong lugar ni Amy noon dahil gumagawa ito Ng mga gamot iba't ibang klaseng gamot ang ginagawa niya , Noong una ay tutol Siya sa ginagawang iyon ni Amy dahil baka magkamali siya at mapahamak ang mga gagamit noon. Pero matigas daw ang ulo ni Amy Kung anong gusto iyon dapat aNg masunod, spoiled daw kasi Siya sa kanyang Lolo . Habang nagkukwento ay ramdam ko na nalulungkot ito kaya niyakap ko ito para kahit paano ay mabawasan ang lungkot niya.. Nang matapos magkwentuhan sa garden ay pumasok na kami upang mag meryenda. Nasa kalagitnaan kami Ng pag kain at pagtatawanan Ng pumasok na magkasunod Sina Luciana at Armando nagtiim- bagang tumingin Ang mga ito samin. Alam ko na galit Sila sakin dahil sa nangyare noong birthday ni lola Emma " Look who's here " si Luciana " The con artist" aniya bago lumapit sa amin sumunod naman si Armando dito. " At may gana ka pang magpakita dito pagkatapos Ng lahat " wika niya Hindi ako kumibo sa sinabi nito at nanatiling tahimik habang nakatingin sa platong nasa harapan ko. " Luciana tumigil ka bisita ko siya." Sigaw ni Lola Emma kaya napa tingin ako dito. " Ma . nabilog na talaga niya ang ulo mo " " How there you Armando?" Sigaw nito kasabay Ng paghampas Ng mga palad nito sa lamesa . Nakakatakot palang magalit si Lola Emma " ma. niloloko ka lang ng babaeng Yan, guess what ma! , Alam mo bang Doon sya nakatira sa Bahay ni Aleng Esme , I'm sure na Doon niya nakuha Ang lahat ng info na sinabi niya sa atin noon . " Sabi ni Armando dito habang dinuduro nito ako. Nagtatalo na sila kaya tumayo na ako para magpaalam na aalis na upang hindi na humaba pa ang Sigawan nila. Nakita kong pumasok sa loob si Samuel kasunod si Jeff . " What's happening here ? " tanung ni Jeff " Alam ko yun Armando, I know she's not Amy but I like her so please stop acting like a childish one. " mahinahon na ito ngayon kesa kanina. pakiramdam ko ay takot Ang mga ito na maagawan Ng isang bagay kaya masyadong apektado sa presence ko . " I can't believe you ma" Turan ni Luciana at umalis na sa harap namin ganun din si Armando. Nagpaalam na ako Kay Lola ema na uuwe na dahil maggagabi na din naman at baka abutan din ako Ng Isa pa nitong anak at baka mag away na naman Sila ng dahil sakin. " Sege mag iingat ka apo. " aniya " opo Lola " Sabi ko at humalik sa pisnge nito Sumakay na ako sa kotse ni Samuel, panay Ang tingin nito sakin tila may gustong sabihin pero hindi nito masabi . Humarap ako dito at nag salita. " Ano yun ? " tanung ko dito dahil ayaw pa din niyang alisin Ang tingin sakin . At hindi pa din umaandar Ang Sasakyan niya hinawakan nito ang baba ko at bahagyang pinisil iyon . " Ayos ka lang ba ? " tanung niya sakin Ngumiti ako dito at tumango . " You know what Alea ... I'm not here to judge you I'm here to protect you pero hindi ko magawang protektahan ka dahil Hindi ko maintindihan ang lahat ng nangyayare . pero kung hindi ka pa handang magsabi sakin , Okay lang basta tandaan mo I Am here willing to be your armor. ! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD