Alea Alcantara POV
Maaga akong nagising dahil sa pag dalaw na naman ni Amy sa panaginip ko halos palagi nya akong dinadalaw sa panaginip hindi ko alam kung paano ito tutulungan.
Bumangon na ako kahit alas 4 pa lang . Sumilip ako sa bintana para makalanghap Ng hangin . Bakit Ang liwanag ng paligid kahit madilim pa ang langit.?
Ahh oo nga pala Araw ng fiesta ngayon, Bumaba ako ng hagdan na hindi sinusulyapan Ang altar.
Naabutan ko silang lahat sa may lamesa at abala sa paggagayat at pagluluto.
" Oh Alea gising ka na pala ! halika at tulungan mo kami . " ani ni Mamita
Ngumiti ako sa mga ito at lumapit sa lamesa.
" Anong iluluto nyo ? " tanung ko
" kalderetang baboy, Maja , at Shanghai " sagot ni Ange
Wow ang sarap naman paborito ko yun lahat.
Umupo ako sa tabi ni Georgina, nagbabalot ito ng Shanghai si Ange ay naggagayat ng sibuyas at bawang si Ambeth naman ay Naggagayat ng carrots at patatas, at bell pepper para sa kalderetang baboy habang si Mamita naman ay nagluluto Ng Maja .
" Bakit hindi mo sinabi sakin na maghahanda pala kayo para sa fiesta di sana namili ako ! " Sabi ko Kay Georgina
" hay nako no need bisita ka dito at saka si Mamita Ang bumili Ng lahat ng to. Taon taon naghahanda sya naka gawian na " Wika nito habang nakatuon ang paningin sa binabalot na Shanghai
Tumango naman ako dito kahit hindi nito nakikita.
" Alea masanay ka na samin , dito kasi pamilya ang turingan namin sa isat isa, at dahil naandito ka pamilya ka na din namin kaya wag kang mahihiya sa akin ha. " turan ni Mamita habang naghahalo ng Maja , Nakangiti silang lahat sakin kaya ganun din ako.
" salamat po.! "
" Balita ko kasali ka sa racing na gaganapin mamaya.! " tanung ni Ambeth
Tumango ako dito habang naglalagay Ng giniling sa rapper.
" Talaga !! Wow ang astig mo naman.! " tumingin ako dito nakikita ko ang kinang sa mga mata nito .
" haha Hindi naman.!" aniko dito.
" panunuodin kita mamaya promise.! " aniya na parang naeexcite.
" Oo nga kami din manunuod.! " Ani Ange
ngumiti ako sa mga ito , nakakatuwa lang kasi Hindi nila ako itinuring na iba sa kanila.
Natapos namin Ang pagbabalot ganun din sila sa paggagayat .
Tumayo si Georgina para iluto Ang Shanghai, Natapos na ni Mamita ang Maja kaya magluto na ito Ng kaldereta. Nag insist ako na ako na ang magluluto Ng kalderetang baboy .
" Marunong ka? " tanung ni Mamita
tumango ako dito natuto akong magluto Kay mommy dahil paborito niya ito . Kaya naging paborito ko na din ito.
Hinugasan ko na Ang Karne , pati ang mga sahog nito.
May Nakita akong papaya sa loob Ng rep ni Mamita kakalahati na iyon , binalatan ko iyon at kinayod . Nagtataka sila kung anong gagawin ko sa papaya.
Sabi ko gagamitin ko iyon pampalambot Ng karne. Nakita ko pa na nagulat Ang mukha ni Mamita at Georgina,
Nagtanung ako kung bakit pero hindi naman sila sumagot kung bakit.
Nang matapos kong kayudin ang papaya ay inihalo ko iyon sa Karne na parang nagma- marinate si-net aside ko muna iyon .
Nagpainit na din ako Ng kawali ,nung mainit na ay inilagay ko na ang mantika at nag-gisa ng bawang at sibuyas , Hindi ko na pinirito ang karne at Ang gulay . mas malasa kasi ang Karne kapag Hindi pinipirito.
Inilagay ko na din Ang ginayat na carrots at patatas hinalo ko iyon Ng hinalo hanggang sa nakuntento na ako,..,. na hindi na sya babalik sa buhay ko. chariz.
Pagkatapos ay hinugasan ko ang karne para maalis Ang papaya at inilagay ko na din ito sa kawali hinalo ko lang ito hanggang sa magsawa ako ...... sa kanya .
Inilagay ko na Ang tomato sauce yung Filipino style para may tamis sinaid ko iyon at niluglugan pa Ng tubig at inilagay din sa kawali para walang sayang. Dinagdagan ko ng tubig ang kawali para mas mapalambot Ang karne. Hinalo ko iyon at hinayaan na sumulak , nang sumulak na nilagyan ko Ng asin , Magic sarap , paminta, isang kutsarang peanut butter na Nakita ko sa loob Ng rep mas lalong sumasarap ang Kalderetang baboy kapag medyo matamis, Nilagyan ko din ng Reno para lumapot ang sabaw, Hinayaan ko na munang sumulak bago ko inilagay Ang bell pepper. Hinalo ko ito bago tinakpan , hinayaan ko muna siya hanggang sa medyo maiga na ang sabaw . Nang Makita ko na kakaunti na Ang sabaw ay sunod kong cheneck Ang Karne kung malambot na ito , nang Makita kong okay na ay saka ko pinatay Ang apoy at
Sila ang tumikim kung masarap ba ang niluto ko.
kanya kanyang kuha ng kutsara at tumikim sa aking niluto nakatingin ako sa mga ito at hinihintay ang sasabihin nila.
" Ano ? Masarap ba? " tanung ko sa mga ito.
" Wow Ang galing mo pala magluto ang lambot ng Karne tapos matamis tamis tamang tama sa panlasa ! " turan ni Ambeth.
Nakatingin ako kay Mamita at Georgina na biglang napatulala. si Mamita naman ay napaupo sa upuan at sapo Ang kanyang dibdib .
Naguguluhan ako sa inaasal nila ano bang meron sa luto ko.
" Hindi ba masarap.? " tanung ko sa kanilang dalawa.
Umiling si Georgina at biglang naluha
" Ganitong ganito yung luto nya.! pati ang paglalagay ng niyadyad na papaya para lumambot ang karne pati yung paglalagay ng peanut butter " malungkot na tinig ni Mamita hinaplos naman ni Georgina ang likod nito.
Sinu Ang tinutukoy nila si Amy ba?
" Sino Po ? "
" W.. Wala .! papasok lang ako sa kwarto at medyo napagod ako " pagpapaalam ni Mamita hinabol ko nalang ito Ng tingin hanggang makapasok ito sa kwarto nya.
" Ang sarap Ng luto mo pak na pak . " pagbasag Ng katahimikan ni Ange
Malungkot na umupo si Georgina sa upuan .
" Namiss ko na sya ! yung luto mo kasi Alea Ang sarap ganyang ganyan yung lasa Ng luto ni Amy.! " malungkot na tinig nito
" talaga ? " hindi makapaniwalang tanung ko dito.
Tumango ito at tumayo ulit para bumalik sa pinipirito nitong Shanghai.
Habang Ang dalawa naman at nag-ligpit ng mga Kalat at hinugasan ang mga pinaglagyan.
Isinalin ko sa taper ware ang niluto ko at idinais sa Maja na ginawa ni Mamita.
Maliwanag na Ang paligid sa tansya ko ay Alas sais na.
Nagpaalam na ako sa mga ito na babalik sa kwarto ko at maliligo na. Kailangan ko pang maghanda para sa race na gaganapin mamaya.
Pag akyat ko sa hagdan ay Nakita ko Ang larawan ng maamong mukha ni Amy na nasa altar. Tinitigan ko muna ito sandali , tila nahihipnotismo ako sa tuwing napapatingin ako sa altar kakaibang pakiramdam iyon tila may nagtutulak sakin na titigan ito .
Tila may nais siyang iparating sakin lalo na sa mga panaginip ko . Tila hindi pa talaga siya natatahimik siguro may gusto siyang ipagawa sakin. At yun ang aalamin ako.
Nagderitso na ako sa kwarto ko at kinuha ang tuwalya at dumiretso na sa banyo . Napatigil pa ako sandali sa harapan ng kwarto ni Amy , pinihit ko Ang seradura pero naka lock na iyon.
Dumiretso nalang ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ay Bumalik ako sa kwarto at nagbihis Sinuot ko ang bagong bili kong Off shoulder dress na kulay Pink. Maiksi lang iyon na Hindi lalampas sa tuhod ko naka suot naman ako ng itim na short kaya okay lang kahit lipadin yun Ng hangin mamaya.
Kinuha ko Ang phone ko sa tabi Ng unan at Nakita ko Ang missed call at text ni Samuel. Masyado naman itong excited.
Binasa ko Ang message nito
* Good luck para mamaya alam kong mananalo ka. ! Hihintayin kita dito sa plaza . *
Nang mabasa ay pinatay ko na ang phone at kinuha ko Ang helmet at susi ko sa ibabaw Ng lamesa . Akmang lalabas na ako ng may nalimutan ako.
Kinuha ko ang Laptop at nagtipa doon.
*Araw ngayon Ng Fiesta at Masaya Ang lahat ng tao dito sa Barangay San Pascual Sitio Bahura! *
pagkatapos ko magtipa ay ibinalik ko Ang laptop sa ibabaw Ng lamesa . Kinuha ko Ang jacket ni Samuel at isinuot iyon bago lumabas ng kwarto.
Nakasalubong ko pa si Ange at Ambeth na papasok sa kwarto nila. Wala daw kasi Sila ngayong trabaho sa parlor dahil fiesta kaya makakapanood daw sila ng laban ko mamaya. Nagpaalam na ako sa mga ito at lumabas na ng Bahay . Hindi ko na tinitigan pa ang altar dahil parang hinihigop nito ang buo kong kaluluwa . hay nakakakilabot.!
Sumakay ako sa aking big bike at isinuot Ang helmet , kakapagasulina ko palang nito kahapon dahil nga kasali ako sa race mahirap nang maubusan Ng gasulina habang nakikipag karera. Pinaandar ko iyon patungo sa plaza. Dahil Ang alam ko Doon mag uumpisa ang lahat Ng rider.