Alea Alcantara POV
" Ang galing mo Alea wow Fan mo na ko ! " Sigaw ni Ambeth matapos ang karera .
Nakita ko pa si Jeff na masama Ang tingin sakin pero nginitian ko nalang ito .
" Kaya nga girl " segunda ni Ange
Lumapit si Samuel samin at bumati.
" Congrats! " aniya
Ngumiti ako dito Nakita ko na kasunod na nito Ang mga kaibigan niya bumati Ang mga ito sakin , nagpasalamat naman ako sa mga ito.
Matapos i- announced ang panalo at maibigay ang premyo sa mga kalahok ay
Niyaya ni Mamita sina Samuel at ang mga kaibigan nito na kumain sa Bahay , nagustuhan naman Ng mga ito. Si Jeff lang ang hindi sumama, Masama pa din ata Ang loob. kanya kanyang punta sa sasakyan nila , si Samuel naman ay sa kotse niya para maisabay na sina Mamita.
Nang marating namin ang parlor ay Agad na pinapasok ni Mamita Ang mga ito at pinakain.
" Hmm Ang sarap naman Po ng kalderetang baboy nyo aleng Esme " pag puri ni Edna nag second emotion naman Ang lahat natawa nalang ako at pinagpatuloy Ang pagkain.
" talaga ? Si Alea Ang nagluto nyan ." pag mamalaki ni Mamita , Napatingin naman silang lahat sakin ngumiti lang ako sa mga ito.
" Totoo Ikaw ang nagluto nito ? " tanung ni Samuel sakin, Tumango ako dito, bago sumubo Ng kanin
" Wow , Grabe ang sarap ang lambot ng Karne mapapadami Ang kain ko nito" Turan niya
Natawa nalang ako dito.
" Okay lang kahit damihan mo Ang kain. " Ani Mamita
Nang matapos kami sa pag kain ay nabusog talaga ako. At sigurado akong ganun din sila. Nag imis na muna ako Ng pinagka- inan namin habang Sila ay nakatambay sa parlor at nagkukwentuhan.
Abala ako sa paghuhugas Ng Plano Ng may kumalabit sakin. alam kong si Georgina yun kahit hindi ko ito lingunin dahil sya ang nagbabalik ng mga Tira kanina sa ref.
" Bakit ? " tanung ko habang naka tingin pa din sa mga plato, Hindi ito umimik kaya nilingon ko na ito.
Bumungad sakin si Georgina na Ngayon pa lang pumasok sa kusina. Kaya nagtaka ako kung sinu Ang kumalabit sakin inilibot ko pa ang paningin ko pero Wala talagang ibang tao dito.
" Georgina pumasok ka ba kanina dito ? "
nagtatakang tanung ko dito.
" Oo naglagay ako ng ulam sa ref bakit.? " aniya Sabi na at Siya yun. hay kala ko pa naman si Amy na naman.
Ibinalik ko ang tingin sa Plato .
" Hmm Georgina bakit mo ako kinalabit kanina may sasabihin kaba? " tanung ko dito nadidinig ko na nagpapatas ito ng mga tirang ulam sa loob Ng ref, tapos bigla iyong tumigil Ng magtanung ako.
" h.. hindi kita kinalabit ha, Pag kalagay ko Ng Maja sa ref ay bumalik agad ako sa may lamesa para Kunin ang iba pang ulam . " turan niya napahinto ako sa pag huhugas Ng plato at gulat na tumingin sa kanya.
" S... sigurado ka? " untag ko tumango ito kaya mabilis na nag sitayuan ang mga balahibo ko.
" Ahh sege na tutulungan nalang kitang maghugas para madali tayong matapos naghihintay sa labas Sina Samuel." aniya tumango nalang ako dito.
Nang matapos maghugas ay Agad akong nagtungo sa Parlor at naandoon Sila nagkukwentuhan, lumapit ako sa mga ito
" Hmm bakit pala hindi sumama si Jeff ? " tanung ko Kay Samuel Ng makalapit.
" hindi kasi yun napunta dito." saad niya bago tumingin kay Georgina na bagong dating.
Nagpaalam na ang mga kaibigan ni Samuel na aalis na sila at manunuod Ng parada , Pero si Samuel ay nagpaiwan sasabay na daw sya sakin papunta sa plaza.
Nakita ko si Ange na may bitbit na gown galing ito sa labas.
" Ange para San Yan?" tanung ko dito.
" ahh hindi ko ba nasabi sayo ? Kasali ako sa mga magrereyna , " aniya
Tumango ako dito at sinabi nito na manood ako ng parada kaya umoo ako .
Nang matapos mag ayos si Ange ay talagang napaka Ganda nito.
Nag insist si Samuel na sya na ang maghahatid sa mga ito papunta sa plaza pumayag naman Sila kaysa lakadin nila ehh kalayo pa naman tapos kainit .
Nang makarating kami sa plaza ay agaw pansin ang mga nag gagandahang mga dilag.
Madami Ang mga naka gown yung iba naka puti at may pakpak may mga bata din na kasali .
Napansin ko si Jeff na papalapit samin naka suot ito ng pang henete kasali nga pala ito sa parada pero nasaan yun kabayo nya ?
" Hi princess! " turan nito napaka moody Ng taong to . Kanina lang ay Galit sakin tapos ngayon may pa hi hi princess pang nalalaman. Inirapan ko lang ito , siguro tanggap na niya na hindi niya ako matatalo.
Nagtungo na ito sa may dulo kung nasaan Ang kabayo niya nakapa Ganda naman Ng kabayo na yun. Malago Ang balahibo nito sa mga binti niya kulay puti iyon, yung ibang kabayo ay brown ,black, pero yung puti na yun talaga Ang kakaiba Ang Ganda niyang tingnan Nakita ko si Jeff na nilapitan iyong kabayo na yun. kaya sigurado akong kanya iyon.
Natapos Ang parada at halos pawisan na Ang mga naka gown dahil sa init , Isa din ito sa dahilan kung bakit ayaw ko sumali sa parada nilapitan ko si Ange at ini-abot ang binili kong tubig kanina. kaagad naman niyang ininum iyon . Nauhaw daw sya sa paglalakad tapos Ang init init pa. Natawa nalang ako dito.
Nagpaalam si Samuel sakin na puntahan lang Sina Jeff.
Nang maka alis ito ay umupo muna ako sa isang vacant chair. Kanina pa kasi akong nakatayo ,
inilibot ko Ang aking paningin para hanapin Sina Georgina pero hindi ko Sila Makita madami kasing tao .
"Alea ! " tawag ni Ambeth sa may bandang likuran ko ito galing.
Nang makalapit ito sakin ay hinila ako nito papunta sa isang bahay.
Sabi nito ay naandoon daw sina Georgina at Mamita, dahil nga fiesta- han syempre may kainan , Sabi ko dito na busog pa ako . pero sabi nya pilitin ko daw dahil masarap Ang handa.
Nang makarating kami sa loob ay Nakita ko Sina Georgina at Mamita na kumakain kaya pala Hindi ko Makita ang mga ito sa labas naandito pala kumakain.
Madami nga Ang handa dito sabi ni Ambeth kaibigan daw ito ni Mamita at saka Sabi nya kahit sinu daw dito Ang pumunta ay pwede kumain kahit hindi kakilala ay pinapakain pa din daw nila. Wow Ang galing naman samantalang sa Maynila nako Malabo na papasukin Ang isang tao kapag hindi ito kilala. Minsan nga kakilala na hindi pa pinapapasok.
Nakakatuwa ang mga tao dito.
Iginaya ako nito sa lamesa na may handa grabe Ang dami.
May spaghetti, Sofas , cake , litson baboy , afritada , kaldereta, at shanghai may matamis din , Gaya Ng Fruit salad, puto, leche plan , at Maja.
Grabe Ang yaman naman Ng may Ari Ng bahay na to.
Nang matapos kami kumain ay nagpaalam na kami Gabi na din kasi , Si Ange naman ay tapos na din kaya sabay sabay na kaming umuwe. Hindi ko na Nakita si Samuel kaya nagtext nalang ako dito na uuwe na kami .
Nang makarating sa Bahay ay kaagad akong naligo dahil lagkit na lagkit Ang katawan ko sa init Ng panahon .
nagbihis lang ako Ng pantulog at nagbuting ting Ng kunti sa cp bago ako naka tulog.