Samuel POV
Halos hindi ako makatulog dahil sa aking Napanood, napaka bilis ng balita tila isang hangin lang na dumaan at halos lahat ay nakalanghap. Hindi ako makapaniwala totoo ba yung mga sinabi niya.? Hindi talaga ako paniwalain sa mga multo o sa mga sanib sanib na yan, pero hindi ko din alam kung ano ang dahilan ni Alea para gawin niya iyon . Siguro nga Hindi ko pa talaga siya kilala, kailangan ko siyang makausap bukas.
-
kinabukasan ay kaagad akong naligo at nagbihis kailangan kong maka usap si Alea tungkol dito . Hindi ko Siya huhusgahan dahil lang sa Video na to! Alam kong Napanood na din ito nila Jeff at hindi ko alam kung ano ang reaksyon nila dito.
Lumabas ako Ng bahay at nakita ko Sila mama at papa na sasakay sa sasakyan nila Hindi ko alam kung saan patungo Ang mga ito. kadalasan kasi ay si Papa lamang ang umaalis Ng bahay dahil sa trabaho nito.
" 'Ma 'Pa pasaan kayo ?" tawag ko sa mga ito , lumingon sakin si Mama si Papa naman ay pumasok na sa loob ng sasakyan.
" Oh anak gising ka na pala , pupunta kami ng papa mo sa Mga Agirre , kakamustahin namin Sila " aniya siguro ay Napanood na din nila iyong video na kumakalat.
" Anak alam kong Napanood mo na ang video, wag mong mamasamain pero huwag kang makikipagkaibigan sa babaeng iyon , She's out of her mind mukhang may tililing." aniya at iniikot pa ang hintuturo sa kanyang ulo medyo nainis ako sa tinuran ni Mama hindi ganon si Alea I know her sigurado akong may reason kung bakit niya ginawa iyon.
" Don't say that 'ma , you don't know her,! " kunot noong Turan ko dito.
" Bakit ikaw kilala mo siya? " anito sakin , oo nga pala hindi ko pa napapakilala si Alea sa kanila tapos ganito na agad ang tingin nila dito.
" Sumama ka samin , kakamustahin natin ang pamilya ni Trix " Yaya ni Mama sakin tumango nalang ako dito sabi ko ay susunod nalang ako sa kanila.
Gusto ko ding malaman Ang totoo. Bago ko na pupuntahan si Alea .
Sumakay na Ang mga ito sa sasakyan ako naman ay sa aking kotse , sumunod nalang ako sa mga ito patungo sa mansyon Ng mga Agirre.
Nang makarating sa mansyon ay kaagad kaming nagtungo sa loob Ng bahay , Nakita namin Sila na nag uusap sa Sala andoon din Sila Jeff at Trix .
Kaagad bumati Sina mama at papa sa mga ito
"kamusta señora, I heard what happened in your birthday, are you Alright? " tanung ni mama dito Ng makalapit kami sa mga ito nagbeso beso muna sila ako naman ay nakatayo lang sa likod nila habang nakikinig, lumapit naman si Trix sakin at ipinulupot ang mga braso nito sa braso .
" She's Crazy. " turan nito sakin sinamaan ko Siya Ng tingin at inalis Ang kamay nito na nakapulupot sa 'king braso.
" Sabi ko nga dito kay Mama na niloloko lamang siya Ng babaeng iyon, Siguro dahil gusto Ng pera , kaya pati ganung bagay nagagawa niya " Sabi ni tita Luciana na sinang ayunan naman Ng iba niyang kapatid, parang nag panting ang taenga ko sa aking nadinig hindi ganoong klase Ng tao si Alea , hindi niya magagawa ang manloko Ng dahil sa pera. Gusto ko sanang tutulan ang sinabi nito pero hindi ko magawang ibuka Ang bibig ko , ayaw kong magalit ang mga ito sakin lalo na sa magulang ko kaya nanatili nalang akong nakikinig sa kanila
" Sabi ko nga dito kay Samuel na wag syang makikipag kaibigan sa ganung klase Ng tao. " segunda ni mama bago tumingin sakin , walang emosyon akong ngumiti dito , Nanatiling walang imik si Siñora Emma pero ramdam ko Ang bigat ng loob nito .
Bigla nalang itong tumayo at iniwan kaming lahat sa may sala. Nagtungo ito sa may garden nila ,
" hayaan nyo na muna si Mama , kailangan niyang mag isip isip " Sabi ni Tito Armando
nag usap usap muna ang mga ito sa Sala si Papa naman ay nagpaalam na pupunta na siya sa munisipyo kaya kami nalang ni Mama Ang naiwan dito sa Bahay Ng mga Agirre.
" Oo nga pala bala-e kailan kaya balak magpakasal ng dalawang iyan" turo ni Tita Luciana sa amin ni Trix, nakangiti naman si Trix sa narinig sa kanyang ina, kaya kinapitan naman nito ang braso ko , balak ko sanang tanggalin iyon pero nahiya ako sa mga ito, Hindi pa pala alam nito na wala na kami ni Trix halos isang taon na.
" Ha ? nako Luciana hindi mo ba alam na naghiwalay na Ang dalawang iyan, " tanung ni Mama " pero Sabi ko nga dito kay Samuel na gusto kong magkabalikan silang dalawa dahil boto ako dito kay Trix " pahabol pa ni mama
inalis ko ang pagkakahawak sakin ni Trix at nagpaalam sa mga ito na lalabas muna , naiinis ako sa pinag uusapan nila kaya naglakad na ako palabas kahit hindi pa sumasagot si Mama . nadinig ko pang tumawag si Trix sakin pero hindi ko na ito nilingon pa.
Naglakad lang ako dito sa may garden para magpahangin, hindi kasi ako pwedeng umalis dahil walang kasama si Mama pabalik sa bahay.
Habang naglalakad ako ay may nadinig akong naiyak kaya hinanap ko kung sino iyon , nakarating ako sa may pinaka dulo Ng garden kung saan naroon ang mga bulaklak ng sunflower,
"Siñora?" tawag ko nang makalapit ako sa kinaroroonan niya lumingon ito sakin.
" Bakit Po kayo umiiyak?" tanung ko at ini-abot ko ang aking panyo
" Salamat" aniya umupo ako sa tabi nito
" Alam mo Samuel , hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila tungkol Kay Alea, ramdam ko na mabuti siyang tao , " aniya Ng matapos pahidan ang luha
tumango ako dito
" Totoo Po ang sinabi ninyo " Sabi ko dito
tumingin ito sakin na nagtataka
" kilala mo siya ?" aniya tumango ako dito.
" Opo ilang buwan na Po kaming magkakilala kaya alam ko pong hindi siya masamang tao kagaya ng sinasabi nila , mabuting tao si Alea at sigurado Po akong may dahilan Siya kung bakit niya ginawa yun. " paliwanag ko dito ngumiti ito sakin
" Samahan mo ako sa kanya " yaya niya sakin tumango ako dito at iginaya ko siya sa aking sasakyan.
Babalikan ko nalang si Mama dito
Nakarating kami sa bahay na tinutuluyan ni Alea , pinagbuksan ko ito Ng sasakyan at dumiretso kami sa pintuan ng parlor iisa kasi ang pasukan at labasan sa Bahay na ito at dito lang yun sa parlor na ito.
" sigurado ka bang dito siya naka Tira?" tanung nito sakin. tumango ako dito kita ko ang pag aalangan sa mukha nito alam ko namang hindi magkasundo ang dalawa ni Aling esme at ni Señora Emma. Pero kahit ganun ay tumuloy pa din ito sa loob , nadinig ko pa ang pagkalansing ng isang bagay sa itaas ng pinto tanda na may pumasok sa loob,
Kaagad na napatingin ang mga ito sa gawi namin at mababakasan mo Ng pagkagulat.
" Ano pong kailangan ninyo ?" magalang na sabi ni Ange kilala ko na din ito dahil Isa ito sa mga napagtripan Ng aking barkada noong bago pa lang ito dito
" Naandiyan ba si Alea ?" tanung nito dito nagkatinginan pa ang mga ito.
" Ah .. Ano Po kasi... "
" sino yung pumasok?" nakangiting sabi ni aleng Esme sa kanyang mga tauhan galing ito sa loob Ng kusina dahil may dala pa itong baso ,
Nabaling Ang tingin nito samin, at Ang ngiti nito sa labi ay biglang naglaho.
" Anong ginagawa mo dito ? " nanlilisik ang mata nitong nakatingin kay Señora " Umalis na kayo" Sigaw pa nito.
" Hindi Ikaw ang pinunta ko dito. nasaan siya? " tanung ni Señora dito kahit Wala itong tinukoy na pangalan ay alam kong alam niya ang tinutukoy nito.
" Wala Siya dito kaya umalis ka na " Sigaw pa nito hawak siya ni Ange at Ambeth para pigilan siya
" Anong kaguluhan ito ?" Sigaw Ng boses na nanggaling sa may hagdan si Georgina kasunod niya si Alea . Kumalma naman si Aleng Esme Ng Makita ito .
" Ano pong ginagawa ninyo dito ?" magalang na tanung ni Alea Kay Señora , nanatili lang akong nakikinig sa mga ito, kahit gustong gusto kong yakapin si Alea at sabihin na okay lang Ang lahat na hindi ako naniniwala sa lahat Ng Napanood ko , Nakangiti ito samin pero kita ko ang lungkot sa mga mata nito ,
Lumapit si Señora kay Alea at hinaplos Ang pisnge nito napaatras pa Siya sa ginawa Ng matanda.
" T.. teka po ano pong ginagawa ninyo ?" takang tanung nito.
Hinawakan ni Señora Ang kamay nito
" Apo , Apo ko sumama ka na Kay lola dun ka na tumira sa bahay ko " aniya dito , kumunot naman Ang noo ni Alea sa sinabi nito
" Po ? " nasabi niya sa pagkabigla at inilibot ang tingin sa mga tao sa paligid
umiling ito
" Hindi Po ako aalis dito " mahinang wika nito , napangiti ako sa sinabi nito , Isa lang ang ibig sabihin noon hindi pera Ang habol niya sa pamilya ni Señora , kaya niya ginawa iyon pero ano ba talaga ang nangyare sa kanya.
" Alam ko apo na hindi ka sasama sakin. Sinubukan ko lang tanungin ka. Pero pwede ka bang dumalaw sa bahay kahit Minsan lang ? " aniya ngumiti si Alea dito at tumango .
" Okay lang po basta wag lang po akong pag isipan Ng masama Ng mga anak ninyo , nakakatakot Po kasi sila" aniya
" Oo apo ako Ang bahala sayo. " turan nito
Nang matapos mag usap ay nagpaalam na kami sa mga ito . Bago ko na siya kakausapin gusto ko siyang makausap ng kami lamang dalawa. Madami siyang dapat na ipaliwanag sakin.