Chapter 5 " Pangalawang panaginip"

1364 Words
Alea Alcantara POV Nang matapos kami kumain ng hapunan ng aking mga kasamahan sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko kahit kinikilabutan sa larawan sa altar ay nagawa ko pa din itong titigan . Nang makuntento na sa pagtitig ay lumakad na ako papasok sa kwarto napansin ko na bukas Ang pintuan Ng katabi kong kwarto kaya naglakad ako papunta Doon at sumilip . Nakita ko ang babaeng nakasuot ng puting dress na hanggang tuhod nakatalikod ito sakin tila may inaayos . Tatawagin ko sana ito kaso bigla akong tinawag ni Georgina. " Alea anong ginagawa mo dyan ? " tanung nito sakin. kaagad nitong hinila pasarado ang pintuan " Ahh wala Nakita ko kasi na bukas . kaya sumilip ako Nakita ko yung babae dyan sa kabilang kwarto tatawagin ko sana para makipagkilala kaso bigla ka namang dumating. " Sabi ko dito Nakita ko na namilog ang mga mata nito sa sinabi ko. " Ano ? Sa susunod wag kang Basta papasok sa kwarto na to naiintindihan mo ba ? " turan nito sakin " Okay pero bakit naman ? " "Dahil mapapagalitan tayo ni Mamita pag nalaman na pumasok ka dito. " Sabi pa niya at nagpaalam na papasok na Siya sa kwarto niya. Ako naman ay dumiretso na sa kwarto ko. Humiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame Ng bahay. Bakit Ang weird Ng mga tao dito. I'm sure may tinatago Ang mga ito. Gusto kong Malaman kung ano yun. Anong tinatago nila sa kabilang kwarto at sinu ba talaga si Amy ? Magandang scoop to pag nagkataon . Nasa isiping iyon ako ng biglang mag ring Ang aking phone bumangon ako sa pagkakahiga at kinuha ang phone ko sa loob Ng sling bag ko. *Mr. Yellow car * " Samuel ? " nasabi ko, bakit kaya tumatawag ito kagaad kung ini- slide Ang green button, baka importante Ang sasabihin nito. " hmm hello ? " aniya ko sa kabilang linya. ( " Hi ! hmm pwede ka ba bukas? " ) tanung nito sakin. Wala naman akong gagawin bukas pero bakit kaya niya tinatanung? OMG baka aayain nya akong makipag date . shocks No way. " Wala naman bakit ? " tanung ko dito ( "Sunduin kita dyan bukas papakilala kita sa mga kaibigan ko.! ") Sabi nito " Ahh...! " kala ko yayayain na nya akong makipag date. haha Pero bakit naman niya ako ipapakilala sa mga kaibigan nya.? ( " So okay lang sayo na sunduin kita ? " ) tanung pa niya " Okay lang naman pero bakit mo Ako ipapakilala ? " takang tanung ko dito . ( " bukas ko sasabihin sayo ! " ) may pabukas bukas pang nalalaman. hayst. om-oo nalang ako dito pero Sabi ko na ako nalang Ang pupunta sa tagpuan ayaw ko din kasi na mawalay sa bebelabs ko. Hindi ako sanay na hindi ako sa bebelabs ko sasakay. Pumayag naman siya Ipinikit ko Ang mata ko upang matulog na pero hindi ako dalawin Ng antok . Nakadinig ako Ng mahinang pag iyak mula sa kabilang kwarto , kaya mabilis akong bumangon . Pinakinggan ko maigi Ang pagtangis nito. Bago ko tinungo Ang pinto at binuksan iyon . bakit siya umiiyak? lumabas ako ng kwarto at tinungo ang kanyang silid nasa pintuan pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang pag iyak nito. kumatok ako Ng dalawang beses pero hindi man lang ito tumugon . Pinihit ko Ang seradura Ng pinto at bukas iyon. Nakita ko ang babaeng naka suot ng off Shoulder white dress na hanggang tuhod. Nakatalikod ito sakin, Lumapit ako dito at hinawakan Ang balikat nito " Okay ka lang ba miss ? " tanung ko dito Tumigil ito sa pag iyak . " Mga hayop Sila kinuha nila ang anak ko papatayin ko silang lahat. hahaha " Sigaw nito sa nakakakilabot na boses kasabay Ng pag tawa at pag iyak nito humarap ito sakin at Nakita ko ang duguang mukha nito Nakangiti ito sakin , Para akong tinuklaw Ng ahas dahil Hindi ko magawang mai- hakbang Ang aking mga paa palayo sa babaeng iyon. " Tulungan mo ako ! Papatayin natin Sila ! " Sabi nito sakin at medyo lumamlam Ang mga mata nito at nagmamakaawa sakin ang mga tingin nito. "h... hindi ayaw ko ! " nanginginig na sambit ko . Biglang tumalim ang tingin nito sakin. " Kung ganoon papatayin din kita ! " Sigaw nito sakin at sinakal ako kasabay Ng pag agos ng mga itim na likido mula sa bibig, ilong at mata niya. Wala akong nagawa kung hindi Ang sumigaw. Napabalikwas ako ng bangon na pawis na pawis halos nanlalagkit na ako sa sobrang pawis. Nadinig ko pa ang yabag Ng paa papasok sa loob Ng kwarto ko at niluwa noon Sina Georgina, Ambeth at Ange. Halata sa mga mata ng mga ito ang takot. " Jusko Alea ano bang nangyare sayo ? Nadinig namin na sumisigaw ka kaya mabilis kaming nagtungo dito kaso sarado Ang pintuan kaya kinuha pa namin Ang susi sa baba. " Usal ni Georgina. " Oh inum ka muna ! " Sabi ni Ambeth at ini-abot sakin Ang isang baso Ng tubig. Kinuha ko iyon ay nilagok ng isahang inum. " Ano okay ka na.? " tanung ni Ange sakin tumango ako dito " Okay na ako wag na kayo mag alala ! " pilit na ngiti Ang binigay ko sa mga ito " Ano ba nangyare sayo ? " Ani Georgina tumingin ako dito nag aalangan ako kung sasabihin ko pa o hindi . Baka kasi hindi na naman maniwala Ang mga ito. kahit nag aalangan ay sinabi ko pa din kung ano ang nangyare. " Napanaginipan ko ulit siya.! " turan ko dito Nakita ko na namilog ang mata ni Georgina. " Sino / Sino ? " sabay na tanung ng dalawa. Oo nga pala Hindi pa nila alam. Iku-kwento ko na sana sa kanila ng hawakan ni Georgina ang kamay ko . " Girls late na tayo.! tayo na sa baba ! " Wika ni Georgina sa mga ito sinimangutan naman nila ito. Umaga na pala hindi ko namalayan. Nang maka labas Ang dalawa ay sinilip ni Georgina kung nakababa na Ang mga ito bago ito pamasok sa kwarto ko at ini-lock iyon. Lumapit siya sakin at hinawakan Ang kamay ko. " Anong napanaginipan mo tungkol sa kanya ? " takang tanung nito sakin. Ikinuwento ko sa kanya ang nangyare kagabi . Kaagad namilog ang mga mata nito " Sa sunod na mapanaginipan mo siya , Sa akin mo sasabihin ha.!" utos nito sakin . " Bakit ka- ano -ano mo ba siya? " takang tanung ko dito. Tumingin ito sakin tila may gustong sabihin pero pinigilan lang Ang sarili. " Basta kapag napanaginipan mo ulit siya sabihin mo sakin. ! " Aniya at lumabas na ng kwarto ko. Ang weird naman Ng taong ito. Tumayo ako at kinuha ang tuwalya ko at dumiretso na sa labas Ng kwarto ko para maligo nadaanan ko pa ang kwarto na nasa panaginip ko. Sinu kaya Ang may ari Ng kwarto na to. ? bat Hindi ko Siya nakikita sa baba.? Weird! ! Dumiretso na ako sa banyo para maligo , oo nga pala Ngayon ako ipapakilala ni Mr. Yellow car sa mga friends nya okay na din siguro na makilala ko Sila at least magiging magaan Ang pananatili ko dito sa lugar na to. Pagpasok ko Ng banyo Nakita ko agad ang panyo ni Samuel. Nang matapos ako maligo kinuha ko ang panyo at dinala sa kwarto ko . Pagpasok ko Ng aking kwarto isang Malamig na hangin Ang yumakap sakin na nagpataas Ng aking balahibo. Shocks ano yun.? Isinawalang bahala ko lang yun marahil sa bukas na bintana. Nagsuot lang ako ng Sky blue na dress na hanggang hita ko. hinayaan ko nalang Ang aking buhok na nakalugay kinuha ko Ang aking laptop at nag tipa Doon. Day 3 Hangout with new friends. Pag katapos ko itype yun ay ibinalik ko sa ilalim Ng aking unan , Nagpabango Ng kunti bago kinuha Ang helmet at susi , Isinukbit ko Ang aking sling bag sa balikat bago lumabas ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD