CHAPTER 4 PROTECT

1127 Words
Rhyan Olaf POV "Nahihibang ka na ba, Kuya Rhy? Hindi mo dapat ginawa 'yon!" my cousin Accel shouted at me after Heaven Sia entered their mansion. Naiwan naman kaming dalawa dito sa labas ng kanilang gate. Nagmukha na namang matandang amasona ang magaling kong pinsan na ito. "I just did what I think was right," I calmly answered her. "Tama? My God, Kuya! Anong tama doon? It's her f*****g time! You can't break that!"  "Your words." Tiningnan ko ng matalim si Accel pero hindi naman siya nagpatinag sa akin. Ramdam ko ang panggigil sa kanya. "Mali ang ginawa mo, Kuya. Maling-mali." I can feel the frustration in her voice. "She can't die yet. Hindi pa p'wede," mariin kong sagot sa kaniya habang pinipigilan ko ang pagtaas ng aking presyon. "What if Tita Avriah and my Mom found out about it? I'm sure malalagot tayong pareho! Pati ako nadamay sa kalokohan mo!" Halos mapasabunot siya sa kanyang buhok. Hindi naman ako nakasagot pero siguro ay kahit ilang beses o sa kahit ano pang sitwasyon ay gagawin at gagawin ko pa rin ang ginawa kong pagliligtas kanina kay Sia. Mom and Tita Alliyah strictly forbade me from interfering in the destiny of the people around me 'cause it could ruin the balance of this world. Yes, nakikita ko ang tadhana ng mga taong malapit nang mamatay. At kung paano ang paraan ng kanilang pagkasawi. Ngunit kanina noong kami ay nasa loob ng National Book Store, doon ko nakita ang tadhana ni Sia. How she fell under the escalator and f*****g ate it, how her body tore apart like her other comrades on the escalator. Hindi ko kinaya. Hindi ko kaya! f**k! Hindi ko kayang hayaan na lang na mawala siya nang ganoon-ganoon na lang! "You know what the old woman told us was right. Did you know that her destiny will still chase her? What do you want to do? Will you guard her all the time?" "If that's the case, I will," I calmly answered to her even though I was worried for Sia's safety. Ngayon pa lang ako magkakaroon ng pagkakataon na mapalapit sa kaniya. If I had just discovered her destiny as soon as possible, sana ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. I should have made a way to come closer to her. I can see how much she pursues her studies para makatapos and I don't want me to be a distraction for her. So I just had to wait until she graduated and when it was okay na ay doon ko pa lamang sana siya liligawan. Pero hindi ko alam na magiging ganito ang mangyayari sa kaniya. I can only see the death of someone when it is near. Nasobrahan yata ang namana namin ni Accel mula sa aming parents. Her mom Tita Alliyah, and my Mom mommy Avriah are siblings. Both have unique abilities. They also told us that our great-grandmother Amayah also had the ability to see creatures that didn't exist in our world but that they were just around and watching us. Kaya naman kanina pa lang sa loob ng National Book Store ay nakita ko na kaagad ang mangyayari kay Heaven Sia. Noong una ay hindi ako makapaniwala pero ang lahat ng mga nagiging pangitain ko ay nagkakatotoo. At hindi ako makakapayag na kukunin na kaagad siya ng ganoon kabilis. Ni hindi pa nga siya nagiging akin! "Huh! You really are crazy. I never thought you would be so f*****g crazy about a woman," sarkastikong saad ni Accel.  Wow, nagsalita ang magaling. "And what makes you different from me, eh?" I asked her with a grin on my lips and I also glanced at the Tiyanak who was now at her side at nakiki-tsismis lang sa usapan naming magpinsan. "Huwag mo ngang ibinabalik sa akin ang usapan!" inis na sigaw sa akin ni Accel dahil alam na niya kaagad ang tinutukoy ko at mas lalo naman akong napangisi sa kaniya. "Why? Isn't it true? Look at your boyfriend na Tiyanak? Kahit saan ka pumunta, lagi na lang nakabuntot. What is he? A Fly?" "Nananahimik ako dito ah," biglang sumagot ang tiyanak. "Huwag mo ngang dinadamay si Jake!" I could see my cousin was about to burst into flames as she defended her boyfriend na Tiyanak. Mahal na mahal niya 'yan kahit ganyan ang isang 'yan. Isang kaluluwa na childhood friend namin. Lumaki na kami at lahat pero siya? Syempre, ganyan pa rin. Hindi naman 'yan lalaki eh at ang matino kong pinsan ay binoy-friend. Oh, sino ang baliw sa aming dalawa, 'di ba? "See? Sino sa atin ngayon ang hibang? Look at yourself. Magbo-boyfriend ka rin lang, sa isang kaluluwa pa. Tiyanak pa," biro ko sa kaniya. Asar-talo kasi siya eh. Mabuti na lang at sanay na rin sa akin si Jake. "Hindi siya Tiyanak!" Halos maiyak na si Accel. "Tsk. Tsk. Tsk. My dear cousin, there are so many people out there who can be your boyfriend. Bakit sa isang kaluluwa pa? Paano mo naman mahahalikan 'yan? Mag-i-imagine ka na lang? Ni hindi mo nga mahawakan ang etits niyan na gahin-liliit. Tsk. Tsk. Tsk. Mas baliw ka nga sa akin," I told her while I couldn't stop laughing softly and her jaws dropped because of what she heard from me. "Ewan ko sa iyo! Tse! Bahala ka sa buhay mo! Dyan ka na! Isusumbong kita! Kala mo d'yan!" galit na galit niyang sigaw at mabilis na nagmartsa pasakay ng kotse ko. Mabilis ding sumunod sa kaniya ang Tiyanak. "Oi, wala akong sasakyan!" malakas kong sabi habang nakabukas pa ang bintana ng kotse. "Bahala ka! Maglakad ka pauwi! Goodbye!" sigaw niya sa bintana pagkatapos ay pinaharurot ito ng mabilis. Tsk. I just shook my head and looked up at the mansion where I could see her shadow within the curtains of her bedroom window. Kanina ay sinabi ko sa kanyang girlfriend ko na siya bilang kapalit nang pagkakaligtas ko sa kaniya. At masaya naman ako dahil pumayag siya kahit naiisip kong kaya lang siya pumayag ay dahil sa may utang siya sa akin at hindi dahil gusto niya rin ako. I have a reason why i told her that. Kailangan ko siyang i-blackmail para hindi siya umalis sa tabi ko. Para mabantayan ko siya ng mabuti. Para makita ko ang bawat galaw niya. At malalaman ko kung may parating na panganib sa kaniya. She'll be a great responsibility for me but I will willingly accept this hard responsibility because I am now in charge of her life. Her life depends on my hands. At hindi ako p'wedeng malingat na kahit sandali, if I wanted to be with her for a long time. I need to protect her para hindi siya mawala sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD