Waking up after a long sleep refreshes me. ‘Yung tipong masarap ang gising ko kahit na mahaba ang tulog ko and I felt complete. A lot of people says kasi that if they overslept ay sumasakit ang mga ulo nila, and good thing it doesn’t happen to me. Mga ilang araw na rin ngayon na unti-unti na akong nagiging okay. Hindi na mabigat sa dibdib tuwing gumigising ako. I had some green tea para naman hindi na ako magkaroon ng problema mamaya sa photoshoot. Pagkatapos kong maligo ay sumunod nalang din si Chris since kailangan na maaga pa ang punta namin doon at doon nalang din daw kami magbi-breakfast. “You ready?” Napatingin naman ako sa kaniya. He’s always wearing a business suit everyday, pero ngayon pang talaga ako natigilan sa suot niya. I don’t know why I felt like he’s really a fine man

