Nathan's POV
Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hang over dahil kagabi. Nandito ako ngayon sa condo ko. Ang daming missed call sakin ni culas. Ano pa ba gusto niya pag-usapan, closure ba gusto niga. Sana kung gusto niya ng matinong closure hindi muna sana siya nag hanap ng iba bago makipag hiwalay sa akin para hindi sobrang sakit para sa akin.
Nakaupo ako ngayon sa harap ng bintana habang tinatanaw ang madilim na kalangitan na nagbabadya ng ulan. Bigla tumunog ang phone dahil may nag text. Tinignan ko kung sino, si culas lang pala.
[Puntahan kita ngayon] text sa akin ni culas. Pumasok ako ngayon sa kwarto para ayusin ang mga gamit niya pati mga binigay niya sa akin. Maraming ala-ala na dapat kalimutan na. Pipilitin ko mag mukhang malakas at maayos sa harap niya ayoko mag mukhang talo sa aming dalawa.
Nakalipas ang ilang oras bigla may nag doorbell. Nasa kahon na lahat ng gamit at mga binigay niya sa akin. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang mukha niya. Mukhang himdi ko gusto makita. Kita sa mukha niya na parang nag aalala siya kahit halatang peke.
"Eto na ang lahat ng gamit mo" sabay abot ng kahon sa kaniya na naglalaman ng mga gamit niya. Pero tignan niya lang ito. Nilapag ko nalang ito sa harap niya.
"Para saan ito?" tanong niya. Bobo naman nito hindi ba halata kung para saan to.
"Culas may utak ka wag ka mag tanong na parang hindi mo alam" Naiinis kong sagot sakaniya pero nanatili pa din kalmado ang mukha niya.
"Hindi ko maintindihan" sagot niya. Nakakaawa siya pilit pa rin niya na kunwari hindi ko alam pero nag mumukhang tanga lang siya.
"Alam mo para kang tanga. Alam ko na kaya wag ka mag pretend na hindi alam ang nangyayari dito" sinara kona ang pinto at umupo. Kahit masakit pipilitin ko pero hindi madali tatlong taon ko siya kasama pero bukas wala na. Nasanay ako na nandiyan siya pero ngayon wala na.
Tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ko pero unknown number. Tumunog ulit dahil may nag text ulit.
[Ako to si caloy yung kagabi] text niya. Oo nga pala nag palitan kami ng number. Umaga na kami nag hiwalay kanina madami din siyang na kwento at ganun din ako. Siguro friends na kami kung tatawagin. Mahilig siya mag biro kahit alam mong may problema siyang pinag dadaanan.
[Oy, ikaw pala Musta] reply ko sakniya. Mabait siya sobra gusto niya pa nga ako ilibre ng coffee kanina para daw matangal yung hilo namin.
[Coffee?] tanong niya sa akin sa text. Napangiti ako. Pumayag naman ako napag usapan namin na mga 8:00 niya ako susunduin sa condo binigay ko na din Address ko. Kailangan ko alawin sarili ko para mawala at makalimutan ang sakit ma dulot ng nakaraan na pag ibig.
7:00 naligo na ako at nag ayos ng sarili dahil mabagal at matagal ako maligo. Hindi ako makapili ng damit dahil hindi pa ako nakakapag laba. Pagkatapos ko mag bihis ay nag sapatos na ako dahil malapit na daw siya kaya bumaba na din ako sa desk area para hintayin siya sa labas para hindi na siya maghintay ng matagal.
Dumating na din siya pero ibang kotse ang gamit niya ngayon hindi katulad ng kagabi, kaya hindi ko na mukhaan. Naka polo shirt siya ngayon at naka tokong samantala ako ay naka over size na t-shirt at buggy na pantaloon. Kita sa mata niya madami siya iniyak dahil namamaga ito.
"Ang ganda ng car mo ngayon ah" biro ko sakaniya at natawa lang siya. Nag seat belt na ako dahil sa harap ako nakaupo ngayon.
"Ang porma din natin ngayon ah" pabiro niyang sabi sa akin. Nagsimula na siya paandarin ang kotse niya at nag lagay ng music.
"Hindi ah naligo lang ako" natawa nalang siya at tumingin na sa kalsada. Pupunta daw kami sa favourite niyang coffee shop. Doon daw siya pumupunta kapag malungkot siya baka daw magustuhan ko. Kwentuhan lang kami sa loob ng car hanggang dumating na kami sa coffee shop.
Ang pangalan ng coffee shop 'The Spasmenor Cafe' pumasok na kami at umupo sa tabi ng bintana sakto pag kaupo namin bigla bumuhos ang ulan na kanina pa nag babadya. Umupo kami sa good for two. Maganda ang place very calm and puro qoute yung nakadikit sa mga wall.
"Wag mo pilitin mapatawad dahil kusa itong ginagawa" binasa ko sa qoute na nakadikit. Pero ang pagpapatawad ay para sa taong deserve ito.
"Hoy,natulala kana" napatingin agad ako kay caloy na habang hawak ang menu. Nginitian ko lang siya at pumili na din ako ng coffee astka ng cake.
"Ang ganda pala talaga dito" sabi ko kay caloy. Tignan niya ang buong lugar at ngumiti sa akin.
"Dito ako lagi kasi yung condo ko malapit lang dito. Mula nung nag bukas to dito na ako lagi nakatamabay" sabi niya sa akin. Halata sa ngiti niya na may magandang nangyari sa kaniya dito sa tagal niya tumatambay dito.
"Astka pala yung name ng store halata na pang broken talaga" napansin ko na trinaslate lang yung salitang 'broken' sa greek kaya halata na pang broken HAHAHA bagay sa aming dalawa.
"Angas ah alam mo pala" pabiro niyang sabi. Dumating din agad ang order namin at nag kwentuhan lang kami about kung saan saan. Hangang inabot na kami ng closing ng store. Sobrang lakas ng ulan ngayon kaya maaga nag sara ang shop ngayon.
"Gusto mo sa condo ko na lang muna ikaw matulog?" napatingin ako sa kaniya. Parang nalakahiya kasi libre niya na nga ako ng coffee pati tulugan sakniya pa din.
"Wag na nakakahiya, sasakay nalang ako" sabi ko sakniya. Inakbayan niya ako at tumawa siya. Napatingin ako sa kaniya at sobrang nahihiya na ako.
"Alam ko nahihiya ka, wag ka mag alala hindi naman tayo mag katabi matutulog" hinatak niya na ako papasok ng kotse niya at wala na ako magawa. Ngumiti nalang din ako dahil kahit papaano may kadamay ako sa mga oras na ito.
***
N/A
THANKYOU FOR READING
ONGOING