Chapter 14: Ang pamilya Lefevbre. "Tumayo ang tatlong lalaki mula sa sopa nang makita ako at hindi nag-atubiling lumapit sa akin at niyakap ako nang may maluwang na ngiti, na masaya ko namang ibinalik." Si Bastián, Hugo, at Vincent, ang tatlo kong pinsan, mga anak ng half-sister ng aking ama, hindi ko sila nakita ng matagal kaya ang mayakap sila sa sandaling ito ang pinakamagandang regalo para sa akin. Lumaki akong kasama sila na parang mga kuya ko, at nasasabik akong makita na sila'y naging mga ganap at responsableng lalaki. "Sari, ang munti kong prinsesa, miss na miss ka na namin." sabi ni Vincent, ang pinakamatanda sa the three musketeers kung tawagin ko noon. Sa kanya unang tumama ang mga mata ko. Ang kanyang dark brown na buhok ay cool ang pagkakagupit, na ang haba sa itaas ay maa

