Chapter 16: Ang pagbisita ng pamilya Lancaster. Biglaan akong napatayo mula sa aking upuan, nakaramdam ako ng pagkahilo, kaya’t napaupo ulit ako. Bigla, pakiramdam ko ay parang sobrang init sa opisina. Nakatingin sa akin ang tatlong lalake at gusto ko na lang maglaho. Bakit sila nandito? "Ano? Ang mga Lancaster?" tanong ko ng hindi makapaniwala, umaasang sasabihin ni Jack na nagkamali siya ng dinig at ang mga pangalang iyon ay bunga lang ng aking imahinasyon, ngunit ang seryoso at hindi nagbibirong mukha niya ay nagsabi sa akin na hindi ako nagkamali ng narinig. "Hindi maaari." Tiningnan ko ang aking flat na tiyan at hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin. Ang mga binti ko ay nanginginig dahil sa nerbiyos at lalong sumikip ang pakiramdam ko. "Prinsess, okay ka lang?" Lumapit si

