"Good job, everyone. Pahinga na kayo. Ako na bahala sa pagkain."
"Nice! Thank you, Sir!"
Mabigat na buntong-hininga agad ang pinakawalan ko nang nakaupo na sa upuan. Ang sakit ng paa ko.
"You okay?" nakataas ang kilay na tanong sa akin ni Lukas. Naghuhubad na sya at mukhang magbibihis na yata para sa after party. Pagod na tumango lang ako.
"Ayos lang. Medyo masakit lang ang paa ko." Tiningnan nya ako bago bumaba ang kanyang nakakunot na noo sa aking paa.
"Eh pa'no ba naman kasi Mr. Hottie. Sobrang pasikat ginawa mo do'n sa harap ng mga chinita." sabat naman nang nakahubad na si Yuhan. Pairap na bumaling ako sa kaniya.
"Ulol! Anong pasikat?"
"Aba akala mo hindi ko nakita? Diba Mikko nakita mo 'yun?" pandadamay nya pa kay Mikko na busy sa kanyang cellphone.
"Aba malay ko sa nakikita mo, "
"Hoy!"
Natatawang napailing nalang ako.
Katatapos lang ng D-2 concert namin. Medyo napasobra nga yata ang performance ko kanina pero iyon hindi dahil sa sinabi ni Yuhan. I' m just too overwhelmed with the noises and cheers from the crowd. Nakakabuhay ng dugo.
"Magbihis ka na."
Nilapag nya sa harap ko ang isang pares na tee-shirt at sweatpants.
Sinunod ko ang utos ni Lukas at mabilisang nagbihis ng isusuot. I badly want to sleep right away but of course, dinner first.
Hindi na bago sa amin na maging sa basement ay may mga fans pa ring naghihintay. Kaya kahit papano ay kailangan decente pa rin ang pananamit namin pagkalabas ng dressing room. All eyes on us. Cameras flicking and screams illuminating. Napangiti ako nang mabilisang inabot ng bodyguard namin ang mga cards na inabot ng mga fans. We waved them goodbye before shutting the door.
"They're so hype."
"Crystals are just simply amazing. Hindi na bago 'yan."
Tahimik na sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi ni Bob.
Ako, si Yuhan at si Mikko na nasa kabilang bintana ang nakapwesto sa hulihan. Nasa harap naman namin sina Cullen, Drake at Lukas. Nasa frontseat si Bobby para makipag-usap sa driver.
Napalingon ako sa katabi nang dumapo ang mabigat nitong ulo sa balikat ko. His perfume is invading my nostrils making me scrunch my nose a bit.
"You should change your perfume, bro. Ang tapang." reklamo ko.
"You don't like it?" tanong nya, nakanguso.
"Nope."
"He's sensitive to strong scents, Yuhan." biglang singit ni Lukas sa harapan.
Sa pwesto ko, ang tanging makikita lang ay ang naka side view na mga mukha nina Cullen. Ngunit dahil sadyang matangkad sya, kita ko nang buo ang kanyang ulo at ang paglingon nya nang sabihin iyon. Tumama ang tingin nya sakin bago dumapo sa balikat ko kung nasaan nakahilig si Yuhan.
Tumango ako upang sumang-ayon. Yuhan blink before shrugging his shoulders.
"Mikko likes my perfume though," walang sumagot sa kanya, "Hoy! Di 'ba?" nakita ko ang pag-irap ni Mikko bago pumikit.
"Hmm, I like it." tamad na sagot nito. Dahil sa pagsagot nya ay sya naman ang inaasar at ginugulo ni Yuhan. Napailing nalang ako sa dalawa.
Mabilis lang kaming nakarating sa restaurant na pina-book ni Sir Charles. It's cozy and somewhat private kaya hindi kami masyadong conscious sa paligid.
We were all seated on the long table with heavy meals. Halatang gutom na ang mga kasama ko dahil pagkatapos ng congratulatory message ni Sir Charles ay wala ng pagdadalawang-isip na nilantakan na nila ang pagkaing nakahanda.
Some may think we have restrictions when it comes to food options, but the reality is that management allows us to choose whatever we desire. They trust that we are mature enough to understand which foods are beneficial for our health and which may have negative effects. Though, Bobby tends to check us up every end of the month para alam niya ang health status naming lahat. Mabuti na rin iyon para aware kami sa kung ano at hanggang saan ang kaya ng katawan namin. So far, everyone is in good health and we are currently enjoying the abundance of foods being served on the table, specially tonight.
Ika' nga, kapag masarap ang pagkain, masarap din ang chismisan.
"She texted me last night. I was too tired to even hit the send." napataas ang kilay ko habang umiinom ng tubig nang marinig ang mahinang bulong ni Drake kay Lukas.
Katabi ko si Lukas sa right side at katabi niya naman sa kabila si Drake. Bahagyang nakahilig si Drake sa pwesto namin kaya rinig ko kahit na pabulong ang boses nya.
"And?"
"And hindi nya na ako pinapansin ngayon!"
"She's aware you're an idol, right? And that we were having a concert?"
"Alam nya..."
"If she can't understand that, then stop pursuing her. Sya 'yong tipong papipiliin ka kung sya o ang pagiging idol mo." prankang sagot ni Lukas sa kanya.
Bahagya akong lumapit sa tabi ni Lukas bago pinahinga ang panga sa balikat nito. Now, I could see directly Drake' s ugly face.
"In short, huwag ka munang lumandi, Drake."
Ngumuso lang si Drake bago bumalik sa pagkakaayos ng upo. Si Lukas naman ay bahagyang bumaling sa akin.
"Chismoso," masungit na tugon nya pero kita ko naman ang pagngisi nya sakin.
"Narinig ko lang. Look, ako lang ang walang kausap, par."
Tinulak niya ang noo ko kaya napaayos ulit ako ng upo.
"Keep your mouth shut then, baka malaman ni Bobby."
"Alam na ni Bobby 'yan. Hindi lang nagsasalita."
"Still. Let Drake flirt whomever he wants." Balik na bulong nya sa' kin. Nagkibit-balikat lang ako. Let Drake flirt daw eh may pa 'stop pursuing her' ka nga dyan.
"Hoy! Ano 'yan? Sali nyo ko," napalingon naman sa amin ang mga nakarinig. Pinandilatan ko lang si Yuhan.
"Wala. Wala."
"Wala daw, eh nagbubulongan kayo eh."
"Kumain ka na lang dyan,"
This week is one of those hectic weeks in our schedule. After the concert we will go directly to promotion of brands. May nakaschedule din na fan meeting this Friday, the day that we are also looking forward to. With so much things happening in one week, ang maka-usap at maka-interact ang mga fans lang ang nagiging rason ng pagkawala ng pagod ko.
"Tapos ka na?"
"Hindi pa, alin ba kasi mas maganda, ito? or ito?" taas nya sa dalawang Tee shirt na kanina nya pa pinagpipilian. Napakamot ako sa ulo dahil ilang beses ko na rin siya sinagot dyan. "Mas gusto ko mint green, pero okay din naman ang dark diba?"
"Both are green, shades lang kaibahan, bagay sayo kahit ano dyan." Tamad na akong tumayo sa sofa ng paborito naming boutique. Walang tao dito maliban sa may-ari na kinontak ni Sir Charles para sa pagbisita namin. Wala rin silang pinayagang pumasok na ibang customer dahil nandito kami pero mukhang wala namang balak bumili ang kasama ko.
Pinandilatan nya ako ng mata. Alam ko na anong sasabihin nito.
"Small details matter," maarteng sambit nya.
"Ewan ko sa'yo." Dinilaan nya lang ako bago nakigpagtitigan na naman sa mga damit na nasa harap nya.
Isang araw lang binigay sa amin para mamili at gawin mga gusto naming gawin kaso mauubos yata sa pamimili ng damit dahil si Yuhan ang kasama ko.
Ang alam ko ay may mga pinadalang damit sa amin para susuotin sa photoshoot bukas, may mga bigay din na mga regalo ang mga fans nya sa kanya, iba iba pa ngang mamahaling brand ang nandoon tapos siya dito namimili pa rin at halos mag-iisang oras nang hindi maalis sa posisyon nya.
"I'm here."
Napalingon ako sa pintuan nang biglang may pamilyar na boses akong narinig. Balot na balot sya. Naka black bonnet at dark shades. May scarf sa leeg habang naka sweater jacket at jogger pants sa ibaba. Hindi ko siya makikilala kung hindi maririnig ang boses at kung hindi ko rin sya kilala talaga!
Nanliit ang mata ko nang bumungisngis si Yuhan.
"Alam ko na pala alin ang bibilhin. Diyan ka muna, bro."
Tarantado. Hindi na ako nakapagsalita nang bigla siyang naglaho kasama ang may-ari papunta sa counter.
"Gab,"
Dahan-dahan akong napabaling ulit sa harapan.
"Celeste.."
She's the lead dancer of one of the hottest girl groups right now. Serpentine. She's hot. A model-like height and she's known for having the power to turn rags into fashion. Maganda ang tindig kaya maganda tingnan sa kahit na anong damit. Even though she's wearing ragged clothes right now, I can sense confidence and it's attractive. I appreciate it. I appreciate her beauty. But…
"Yuhan told me na free kayo today. You didn't reply sa chats and DM's ko, I figured baka busy ka lang."
But, I'm not interested.
"Today pumunta na ako kung nasaan ka to not beat around the bush, let's date. " I can see how confident she is at kung paano sya kasigurado na papayag ako. Because, yes, as she should.
Damn. She's really confident and I like it. But, again, I don't know but I'm not interested.
Ilang buwan na rin siyang nagpaparamdam at ilang mga fansites na rin ang nag eedit saming dalawa as a ship. I can see all the support and love from their fans to ours. Her group mates were all supportive also na minsan they are intuiting something is going on between me and Celeste in their recent interviews. Maybe the solid evidence they are waiting for is a real video and photo of me and Celeste going out for a date. Wala akong imik at wala ring nilabas na statement ang management namin kaya mas hindi klaro sa lahat kung totoo ba ang kami or hindi. I don't want to sound rude, but I should tell her at least of what I think I can only offer.
"Yeah, sorry about the no replies, busy lang." Ngumiti ako sa kanya. She smiled too and nodded. "And ofcourse, we can have a friendly date, Celeste. " Walang kurap na dugtong ko.
Halakhak ni Yuhan ang umalingawngaw sa buong sasakyan pauwi sa condo. He can't believe what I said earlier kay Celeste. I'm not proud, but I didn't regret it either. Ayaw kong magpalito nang tao lalo na at sigurado ako kung ano ang nararamdaman ko. Maybe, I did play long dahil sa hindi pagreply sa kanya noong mga nakaraan but I thought she already grasp the idea that I am not interested. I guess, word with action is better.
"Friendly date? What the f**k," bumuga ulit sya nang panibagong halakhak na hindi ko nalang pinansin.
" Laugh, sasabihin ko kay Bobby pinahamak mo 'ko para lang makahingi ng number ng babae. " Nanlaki ang mata nya at pilit na tinikom ang mga bibig. Umiling pa sya sa'kin. Kita mo.
"Huwag mong ipagsabi ang nangyari sa araw na'to kung ayaw mong mahuli ka rin. Damay damay na 'to. "
"Sa side naman, good! Ayan, one more.." sinunod ko naman ang gusto nya, "Now, look at the camera. Very Good! Nice!"
Ako ang pangalawang sumalang sa photoshoot habang nasa lobby ang iba at nangdedemonyo na naman ng mga staff. They were laughing so hard that I can even hear them inside. Ano na naman kaya ang pinaggawa nila?
"That's it! Good job, Gabriel. The pictures were great!" papuri sa akin ng pinagkakatiwalaan naming photographer. We were working with him for some time now. Dahilan kung bakit komportable na rin ako sa harap ng camera nya.
"Thank you po,"
"Welcome, welcome." sagot nya habang tinitingnan ang monitor. Nagulat pa ako ng mapansin na nakaupo rin sa tabi nya si Lukas. Seryosong nakatingin din ito sa monitor at mukhang hindi man lang napansin ang paglapit ko.
"Pakitawag si Cullen, he's next." rinig kong utos ni Sir Gaps sa crew nya bago naghanda ulit sa set. Tahimik na lumapit ako sa likod ni Lukas bago tinukod ang dalawang kamay sa balikat nya. He shifted a little before raising his head.
"Ayos lang ba?"
"Hmm, the photos didn't do justice to your features."
"what? You mean I don't look great?"
"You do. Pero hindi kasinggwapo sa nakikita ko ngayon." napataas ang kilay ko sa tinuran nya. Humagalpak naman sya ng tawa sa sariling sinabi bago tumayo at tinapik ako sa balikat.
"Of course, you always look great in every way, Mr. Gabriel. In any damn way." he give me his flirty smirk again. Eh, kung bigwasan kaya kita.
"Wala na. Hindi na ako maniniwala," Tumalikod na ako sa kanya bago ko pa magawa ang nasa isip ko.
"Ano? Tampo ka agad? Joke lang 'yon." sumunod pa talaga ang siraulo.
"Alin do' n ang joke?"
"Kung ano ang ayaw mong marinig, 'yun ang joke."
"Ewan ko sa' yo. Gago ka."
"Language, Rael. Language." I only give him my middle finger. Tumawa lang sya ng malakas dahilan kung bakit napalingon ang mga staff sa loob. Pagkalabas ko ay agad namang sumalubong ang mga maiingay na nilalang na naglalaro ng lie detector.
"Ako na! Ako na!"
"Ayaw ko na. Masisira ang buhok ko sa pagsasabunot mo tuwing tumatawa. Patay ako kay Ate Mitch nito,"
"Drake, ang KJ!"
Nakasimangot na si Yuhan nang iwan na sya nina Mikko sa table kasama ang lie detector. Nang makita akong nakatayo sa may pinto ay agad na umaliwalas ang mukha nya.
"Tapos ka na? Dali tanungin mo 'ko, Rael!"
"Gwapo ba' ko?" mabilis na tanong ko sa kanya. Sumimangot sya at walang ganang bumuntong-hininga.
"Oo. Gwapo ka na."
Agad na gumalaw ang red lights sa lie detector at maya-maya'y naging green na. Napakagat-labi nalang ako sa resulta. Why am I bothered?
"Happy? Ang panget nyo kalaro." Busangot ang mukhang lumabas sya dala ang lie detector. Alam kong makikipaglaro na naman 'yon sa mga staff sa loob. Sana lang hindi sya magiging sagabal doon.
Lumapit ako sa mahabang lamesa na pinaglagyan ng mga pagkain. May bawas na ang bawat box doon. Mukhang nilantakan na nila ang snacks namin.
I wasted my time there waiting for them to finish. I was about to get bored nang pumasok na sila isa-isa sa kwarto.
"It's done?"
"Nasa loob pa si Lukas. Pinauna nya na kami may lakad pa kami. Hindi ka sasama?" sagot ni Bobby. Diretso nyang nilagok ang sobrang soda sa lamesa. " Sa mall lang kami may bibilhing damit."
"Hindi na. Wala syang kasama sa loob?"
"Nando'n ang staff," ani Cullen.
"Hintayin ko na sya, mauna na kayo."
"Oh? Aalis na kami. Diretso na kayo sa condo pagkatapos?" tanong ni Bobby.
"Yup! Ingat kayo."
May binilin pa ang mga staff sa kanila bago pinaalis at mukhang may mga bodyguards din na pinasama sa mall. Narinig kong tugon ni Mikko na pwedeng sa labas lang ang mga bodyguards since mabilisan lang ang gagawin nila and they are ready with their own disguise. Hindi ko alam kung ano ang napagkasunduan dahil umalis na sila. Pagkaalis nila ay pumasok naman ako sa studio. It's almost done.
"Nice! The photos are great, Lukas. You nailed this concept."
I leaned on the wall while waiting for him to notice me. Ang laki ng ngiti ng gago habang pinupuri. He know too well that he nailed this concept. He just needs someone to feed his ego.
"Thank you, Gaps."
Marami pang sinasabi si Gaps sa kanya at tuwang tuwa naman sya sa lahat. Napairap nalang ako sa kawalan. Hindi mapagkakaila na totoo naman ang lahat nang sinasabi ni Gaps sa kanya.
The man had a face that seemed perfectly crafted, with prominent cheekbones, a well-formed forehead, thick and well-groomed eyebrows, heavy-lidded eyelashes, and almond-shaped eyes. When we first met nine years ago, his features were soft and angelic, but over time, they became more defined and emphasized his overall appearance. His nose was particularly noteworthy, the kind that people would pay for, and his lips were well-formed, thick, and pouty.
"You know your angles, but I would say you don't have bad angles either. Nakita ko ang candid photo na pinost.." nahuli nya ang tingin ko habang patuloy sa sinasabi si Gaps. Sa wakas ay napansin nya rin ang presensya ko sa gilid. He raised his eyebrow before saying his goodbyes to Mr. Gaps. Making his way to me, nakaplastera na naman ang ngisi sa kanyang mukha.
"Akala ko sumama ka sa kanila."
"I didn't,"
"Com'n, are you still sulking?"
"Who's sulking?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. He looks amused for some reason. Pinipigilan nya lang ang sariling ngumisi dahil alam nyang malakas talaga ako mambatok kapag nasagad.
"You look great earlier. I was just starstruck kaya hindi ko na iniisip ang pinagsasabi ko. But it's true though...the pictures were great but seeing you this close, you look ethereal.. ." may idudugtong pa sana sya pero mukhang pinipigilan nya na ang sarili.
Pursing his lips with pure amusement in his eyes, he grabbed me by my shoulder, ushering me to walk outside." Now, let's go. Let's eat something tasty."