"TANGINA... Putang ina.... king ina..." Yaan ang naririnig ng lahat ng istudyanteng nakapalibot kay Zoe habang gigil na gigil niyang binubuksan ang sirang cellphone. Lalapitan na sana siya ni Tyrone ng bigla niyang binato ang kanyang cellphone saka muling sumigaw. "Putaaa!!! Mapapatay talaga kitang lalaki ka!! Sinira mo ang cellphone ko! Andoon lahat ng importante kong-" Napatigil si Zoe ng mapansin niyang may nakatingin sakanya at tama nga siya, hindi lang isa kundi marami. Pagak siyang tumawa saka nanlilisik ang mga matang pinukol niya ng masamang tingin ang mga Ito. "Ano't andito kayo?! Mukhang bang may teleserye?! Hala! Magsi-layas kayo kung ayaw niyong kayong ang mapatay ko dahil sa bwisit na lalaking yun!!" Gigil na sigaw ni Zoe sa mga istudyante at inambahan Ito kaya kumaripas

