Gecelle POV: "Zoe, wala talaga akong maintindihan.. Bakit ba sila susugod?" Napa-lingon ako kay Andiolina na kinukulit si Zoe. Si Zoe naman, blanko lang ang mukhang sumagot. "Dahil alam nilang may susunod sa akin sa trono, gusto nilang tapusin lahat ng galamay at ng natitirang Hazen.. Dahil... Nalalamangan na namin sila sa kapangyarihan... At kapag nagpatuloy yun, ang hazen na ang mamumuno sa lahat.. Walang makakapantay.. Kahit sino man.." Napa-titig ako sa mukha ni Zoe. Tama si ella, ibang Zoe na nga ang nasa harapan ko. Pala-salita na.. Ngumi-ngiti kahit papaano.. Ibang-iba sa Zoe na naka-sanayan namin dati.. "Gecelle? Nakikinig ka ba? Sabi ko.. Paki-kuha ako ng tubig" Pinukulan ko ng masamang tingi

