GABI, hindi pa dumadating ang asawa niyang si Dylan. At palagay ni Pamela ay nasa silid ang kapatid niyang si George. Nais niya itong kausapin. Siguro ay ito ang pagkakataon upang makatakas silang pareho kay Dylan. Tama. She whisped on her mind. Nabigyan siya ng ideya para ituloy nila ang balak nila ni George at hindi na niya hihintayin pa ang kinabukasan para tumakas at mahirapan silang dalawa kung mayroon naman ng pagkakataon ngayon na tumakas. Bakit hindi? Mula sa kama ay kaagad na tumayo si Pamela. Itinali amg roba na suot. Binuksan ang pinto. Sinilip ang paligid kung may tao pa bang gising. At nang malaman niyang wala ay kaagad siyang lumabas ng silid nila ng asawang si Dylan. Binagtas niya ang pasilyo at hindi naman kalayuan ang silid na inukopa ng kapatid na si George. Tatlong ku

