UMAGA pa lang kinabukasan ay maagang nagising si Pamela. At hindi niya aakalain ma ganoon rin pala ang batang si Bea. Pagbaba niya sa hagdan ay nakahanda na ito na tila inaabangan siya na magising. At kahit kakagising pa lang niya ay hinila na kaagad siya nito sa isa sa mga upuan na naroroon sa library. Excited ito magpaturo kaya hindi na rin pinigilan ni Pamela ang bata kahit hindi pa siya nakakapag-almusal. She was happy at the same time, natutuwa siyang nakikita niya rin ang kasiyahan sa mata ng batang si Bea. Tila noon lang nabigyan atensiyon. Nasa isang maliit na mesa sila at tinuturuan niyang maguhit ang bata. Tahimik niyang tinitingnan ang pagguhit nito sa isang malinis na puting oslo. Nang lumapit ang yaya ni Bea sa kanya na si Tessa. “Ma’am, mag-almusal na po muna kayo. Ako na

