“PAMELA, wait!” she heard but she didn’t bother to look back. Mabilis ang ginagawa niyang paghakbang pabalik sa silid. Bagman niya pa maipihit ang door knob ay nahawakan na siya ni ng lalaking si Emir sa braso. Pinaharap siya nito. Pagkatapos ay mabining hinawakan ang mga palad niya. Bagaman kaagad rin niya iyon pinalis. Nabigla man si Emir sa ginawa ni Pamela ay naiintindihan niya. “Gustong-gusto kitang sampalin, Emir!” aniya sa nangangalit na tinig. “Sampalin mo ‘ko kung gusto mo. Pero ang lahat ng mga narinig mong sinabi ko sa harap ni Vivienne ay totoo. Mahal kita, Pamela. Mahal na ma-“ natigil ito sa sasabihin nang naiiritang tinakpan ni Pamela ang tenga niya. “Please, stop this! Tumigil ka na Emir! Mas pinapalala mo lang yung sitwasyon. Bumalik ka na sa pamilya mo. At huwag na huw

