It was our first official day-ish, but pareho kaming pagod na pagod sa finals debacle kaya walang may ganang lumabas. Kaya heto ako ngayon, naka-upo sa couch habang naka-higa si Andrè sa lap ko na parang freshly bathed na Golden Retriever.
Sinusulit niya talaga yung nangyaring aminan kagabi!
Namamanhid na 'yung binti ko pero ayaw pa rin niyang umalis! Para siyang si Simba na ayaw tumayo sa Pride Rock kahit alam naman nating lahat na wala na si Mufasa.
“Tinatamad akong magluto,” sabi ko habang sinusubukang i-flex ang pinky toe ko para lang maramdaman ulit ang dugo. “Order na lang tayo.”
“Okay,” sagot niya, eyes still closed. ANG RELAX NG LALAKI. Baka akala niya spa ‘to.
“What do you want?” I asked.
“Chinese food?”
I groaned dramatically. “YES. Craving ako ng Xiao long bao,” sabi ko habang hawak na agad ang phone ko. Sinimulan ko nang maghanap ng resto na nagde-deliver sa condo namin. Ang dami kong gustong kainin! Ngayon na finally tapos na ang sem, gusto kong i-date ang sarili ko sa lahat ng pagkain at museum sa Manila.
Biglang napaupo si Andrè.
His hair was a mess. Putik, kahit mukhang bagong gising, mukha pa ring K-pop trainee na nahuli sa dorm ng walang suot na shirt. Tangina naman, kailangan bang ganito siya kagwapo kahit may muta pa siguro ‘to?!
"Let’s just go to Chinatown," he said.
"Are you sure? ‘Di ba pagod ka pa?"
“It’s okay,” sagot niya sabay tayo. “I’ll just take a quick shower. You do your makeup thing. We’ll leave when you’re done.”
And before I could say anything, MAY HALIK SA NOO.
Tangina. Isa pa ‘to. Ang forehead ko, favorite attraction niya.
He was serious pala nung sinabi niyang okay na siya sa holding hands... pero simula kanina, ang dami niya nang beses na hinalikan ang noo ko. Kahit kukuha lang ng tubig, kiss muna.
WORRIED AKO SA LIPS KO, FRIENDS. If and when I let him kiss me, baka sunog ang labi ko sa dami ng halik.
Nag-shower na siya habang ako naman ay nag-makeup ng parang pupunta sa GMA Ball. Helloooo, first official date ‘to. Kailangan ko ipakita sa kanya na hindi lang siya ang maganda sa relasyon na ‘to.
I did my Korean makeup routine—glass skin, gradient lips, mahabang lashes. Sheesh. Pakiramdam ko ako si Jisoo, kung binigyan siya ng 8 hours of sleep at chismosang energy.
By the time I stepped out of the room, I was READY. Yellow sundress, white strappy sandals. Pakiramdam ko may sariling OST ang paglabas ko ng kwarto.
Pero si gago?
Nanonood ng cartoons.
Hindi ako nakita agad kasi nakatitig siya sa screen na parang sinusumpa ni Doraemon ang kaluluwa niya.
Umubo ako ng malakas.
Tumalikod siya. He stared. He smiled.
“Maricon Santiago... bringing her A-game.” he said, eyes raking over me from head to toe.
Bigla akong nainis. BAKIT ANG WALANG HIYA NG TITIG NIYA?
Dati, subtle pa siya. Ngayon, wala na. Parang mall security lang na ini-scan ako kung may dala akong armas. Armas de ganda lang, gago!
“Let’s go,” sabi ko, rolling my eyes.
Papalakad na ako palabas nang inisang YAGO este ANDRÈ ang kamay niya sa akin.
Tinaas ko ang kilay ko. “You said we could hold hands.”
“You’re making this awkward,” he teased.
Instead of replying, he just grabbed my hand—like a smug little bastard—and grinned like he won the lottery.
He raised our hands like he just got engaged. “It’s awkward for you now, but you’ll get used to it,” sabi niya.
PUTANGINA KA.
Then—GET THIS—hinalikan niya ang knuckles ko.
HAYOP. THIS MAN IS DANGEROUS. BAKIT ANG SARAP NG MGA GINAGAWA NIYA SA MGA DEAD CELLS KO?!
We waited for the elevator. And yes, habang hawak niya ang kamay ko, parang proud boyfriend siya na nanalo sa raffle. Napa-tingin ako sa reflection naming dalawa.
Damn. Ang pogi niya. Ang ganda ko.
We look good together. Tangina talaga. Ang galing ng casting ng Diyos.
“Maricon,” he said.
“Hm?”
“What if… we destroy the wall? Like, make our units one big unit?”
PUTANGINA. NASAAN ANG MARTILYO? MAG-G-GHOST AKO NGAYON DIN.
Agad akong tumingin sa kanya. “Alam ko matanda na si Papa, pero sisiguraduhin ko sa ‘yo, bubugbugin ka niya kapag narinig niyang sinabi mo ‘yan.”
Tumawa lang siya.
“Just an idea, Maricon. I mean, I practically live in yours.”
Dumating na ang elevator. Kami lang ang laman. At sa isang weird twist of fate, nagkaka-bad thoughts na naman ako tuwing kami lang dalawa sa isang enclosed space.
Tahimik ako. Meanwhile si gago, naka-focus sa kamay ko, tracing little patterns with his thumb.
TANGINA. TRACING. AKO ANG NA-TRACE SA PUSO MO.
“Saan tayo doon pupunta?” I asked, trying to sound normal kahit gusto ko nang mag-summon ng payong para ‘di niya makita kung gaano ako kinikilig.
He shrugged. “I don’t know. Hindi pa ako nakakapunta doon.”
“BAKA MALIGAW TAYO!” sigaw ko, panic mode. First time ko rin, okay?
He chuckled. “We have the Internet. Or we’ll just walk around and ask.”
“Paano kung ma-holdap tayo?” tanong ko, legit concern. I’ve seen too much news. Manila is scary!
He laughed again. “You really think of the worst, no?”
“Just being cautious.”
“Okay. Kung ma-holdap tayo, RUN and never look back.”
“PUTA! Gusto mong hayaan kitang mamatay?!” sabi ko sabay hampas sa braso niya.
“Patay agad, Maricon? I know self-defense. I can handle myself. Mas kakabahan lang ako if you’re around.”
I frowned. “Kapag na-holdap tayo, ibigay mo lahat. Wag ka lumaban. I need you alive para may taga-timpla ako ng kape.”
“Okay po, Ma’am. May utos ka pa ba?” he mocked, eyes dancing.
“Serious ako,” I said, crossing my arms.
“Why are we talking about getting hold-upped on our first date?” he asked, laughing.
On the way, binilinan ko siya like a nanay sending her only son to war. Na-holdap man kami o hindi, wala siyang lusot.
Pero naisip ko... sanay daw sa self-defense itong si Ladezma, pero never niya akong pinalagan sa mga hampas ko.
Hmm… love na love ako talaga nito. Baka pwede na tong pakasalan next year.
After 200 years of looking for safe parking (dahil gusto kong sure na ‘di kami maagaw ng sindikato), finally nakalakad na rin kami.
I was starting to relax. The place was surprisingly nice.
“Hand,” he said, forehead creased.
“Next time, just grab it. ‘Wag ka na magpaalam.”
“Roger that,” sagot niya sabay smirk.
We walked around. Ang daming authentic Chinese restos na gusto kong pasukin. I couldn’t pick!
“Let’s just try all,” he suggested. “You just want Xiao long bao, right?”
Tangina ka, Ladezma. Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo. ‘Try all’ sounds like a marriage proposal to my delusional heart.
I nodded. “Ikaw, anong gusto mong kainin?”
Andrè wiggled his brows na parang may topak. Para siyang si Eugene ng Ghost Fighter na biglang sinaniban ng landi.
Agad namula ang mukha ko. “Pagkain kasi! Gago ka talaga!”
Tawa na naman si gago! Tanghaling tapat, tirik na tirik ang araw, pero siya? Naghahasik ng lagim na parang full moon! Ang sarap batuhin ng bote ng suka.