Chapter 10

1523 Words
“Pablo,” tawag ni Andrè habang nakasandal siya sa bar counter. Kahit medyo madami ang tao, nagawa pa rin niyang makuha ang atensyon ni Pablo a.k.a. Mr. Scruffy na mukhang galing sa indie film na pinamagatang “Lasing sa Love, Pero Gwapo.” Lumapit agad si Pablo. Ang intense ng lakad niya, parang runway sa Project Runway: Bartender Edition. “You’re…” Pablo trailed off habang tinitigan ako. Opo, ako nga ‘to—si Maricon, future love of your life. Char. Pero bago ko pa ma-enjoy ang moment ko, lumapit si Andrè at bumulong sa tenga ko, “He doesn’t even remember your name.” Sabay titig kay Pablo na parang gusto siyang suntukin gamit ang sarcasm. Kinurot ko si Andrè sa tagiliran. “Shut up,” bulong ko habang galit na galit ang daliri ko. Walang effect. Talagang abs ang kinurot ko, hindi tagiliran. Parang concrete wall! “Maricon,” sabi ko kay Pablo, sabay ngiti. He looked even better up close. Parang kung si bad boy ay naging tao, tapos may konting seasoning ng funny bartender who breaks hearts for a living. Bigla na lang... “My friend here,” sabi ni Andrè habang dini-dribble ang braso niya sa balikat ko na parang siya si Coach sa NBA. “Wants to know if you’re single.” BOOM. Tumigil ang mundo ko. BAKET GANYAN KA MAG-WINGMAN, ANDRÈ?! Walang intro, walang finesse, walang art. Para kaming tinapon sa first date gamit lang ang isang tanong na walang lubricant of charm. Nakakahiya! Nanlaki ang mata ko. Hindi ko na alam kung uunahin ko ang pagkabigla, kaba, o ang pagbabalak pumatay ng wingman ko sa isang sticky slap. Pero si Pablo? Tumawa. As in legit laugh. Parang may comedy bar na bukas sa likod ko. "Not seeing anyone right now," sagot niya. "Great. I'll leave you two," sabi ni Andrè, tapos iniwan ako—sa ere, sa hangin, sa bar. Literal na lumipad siya palayo. Iniwan akong naka-hold ang baso ko na parang nanalo ako sa raffle pero hindi ko alam kung paano i-claim. “So… you’re single, huh?” tanong ni Pablo, habang ngumiti na parang may sparkle ang ngipin. Naramdaman kong namula ako. Hindi lang sa mukha—lahat. Even my pancreas blushed. Fast forward to the next day, 7:30am. Walang Andrè. Usually, by this time, parang alarm clock siya na may dalang egg sandwich. Pero ngayon? Nada. Deadma si kuya. As in ghosted ako ng neighbor ko. Kaya ako na mismo ang pumunta sa unit niya. "What?" tanong ni Andrè pagkabukas ng pinto. Mukha siyang bagong gising. Yawning like a lion na bagong gising sa Safari. Naka-pajama siya—na halatang sinadyang low-slung para ma-highlight ang V-line from hell. Hindi ko alam kung katawan ba niya ang gusto ko sabunutan o siya mismo. "Breakfast?" tanong ko, trying not to stare sa abs. "Later. Tulog muna ulit ako," sagot niya, at walang kaabog-abog, sinara ang pinto sa mukha ko. RUDE. Parang scene sa telenovela na hindi ko napaghandaan. Pagbalik ko sa unit ko, nilagay ko sa Tupperware ang breakfast. Nilagay sa ref. At dahil wala akong love life, naglinis ako ng buong bahay. Productivity is key to avoid emotional breakdowns. By 2PM, may kumatok. "Grabe ka naman matulog," bungad ko. Fresh na fresh si Andrè. Basa pa buhok, pero antukin pa rin. Parang shampoo model na may jet lag. "Where’s my food?" tanong niya habang dumiretso sa ref like he owns the place. Naglakad siya papunta sa dining table at tahimik na kumain. Tahimik. As in super tahimik. As in baka multo siya tahimik. Andrè? Tahimik? Something is wrong. "What?" tanong niya habang nagsusubo. "Quit staring." "Sungit mo." "Sorry. Inaantok lang ako." Then BOOM! Biglang may smile! Instant mood shift like he’s in a shampoo commercial with mood stabilizers. Napakunot-noo ako. Parang may mali. Parang hindi talaga siya okay. "Umalis ka ba kagabi ulit?" "Yeah." "Bumalik ka sa Pablo’s?" Umiling siya. "Went to a club." "Akala ko changed person ka na?" "Thought so too." "So… did you score?" Tanong ko, kasi wala lang. Curious lang. Gossip girl moment. "You really want to talk about that?" tanong niya habang tinitigan ako. Yung titig na parang nakita niya ‘yung kaluluwa kong curious. "Just want to talk. Tahimik mo kasi," sagot ko habang binuhusan ko siya ng tubig. In fairness, parang barista ako sa emotional espresso bar. Tahimik lang siya. Tapos uminom ng tubig like it’s tequila. Confirmed: May pinagdadaanan si kuya. "I'm okay," he finally said. "Tried to bring someone home, but decided against it halfway." "Bakit?" tanong ko. "Wasn’t in the best mood." "May mood pa pala ‘yun?" sabay tawa ko. Charot. Tumingin siya sa akin. At parang walang warning, bigla niya akong tinanong— "Are you a virgin?" ANO ‘TO, POP QUIZ?! Nalaglag ang kaluluwa ko sa sahig. Sabay sabing “HUH?!” habang halos mabulunan siya sa tubig. Bigla akong nakaramdam ng pamumula sa buong katawan ko. This f*****g asshole! Did he really just have to blurt it out like that?! Sobrang casual ng tanong niya—parang tinanong niya lang ako kung ilang calories ang isang siopao! "f**k—REALLY?!" sigaw ko, sabay tayo. Pakiramdam ko may lumipad na kaluluwa palabas sa katawan ko. Nagmartsa ako papasok ng kwarto ko. I needed to protect my soul. Hindi ko kaya 'to! Yes, comfortable ako kay André, pero HINDI SA GANYANG LEVEL! Virginity ko, dude?! Grabe ka, mas madali pang pag-usapan ang inflation rate kaysa dito! Narinig ko pa siyang kumatok. "Maricon," tawag niya. "Iwanan mo na lang pinagkainan mo, ako na maghuhugas," sigaw ko mula sa loob. Bahala siya sa buhay niya. That door? Deadbolt locked with emotional trauma! "Open the door." "TRY ME." Sinuksok ko agad ang noise-cancelling headphones ko. Mamamatay muna ako bago ko pag-usapan ang V-word na ‘yan kay André! Torture me all you want pero hindi ko talaga—wait, unless may kasama siyang matcha milk tea at croissant... NO. Focus, Maricon. Hindi ka bibigay! Mga one hour akong nag-reflect habang nakapatong sa kama, staring at the ceiling like I was waiting for divine intervention para mawala ang kahihiyan ko. Okay, kalmado na ako. Lalabas na ako. Surely, wala na si squatter boy sa labas. I opened the door… "SERIOUSLY?!" sigaw ko. Doon siya nakaupo sa sahig! With codal and highlighters! Talagang nag-camp-out na siya sa tapat ng pinto ko parang gremlin na hindi pinapasok. "You weren’t answering," he said, ngumising parang walang kasalanan. "Because I don’t wanna talk about—" napahinto ako. UGH. Even saying the word makes me want to melt into the floor. "Your virginity?" tanong niya, oh-so-innocently, sabay—OUCH!—sumigaw siya nang sipain ko siya sa tagiliran. Nasa sahig siya, advantage ko 'to! "Lumayas ka nga! Bakit ka pa nagbabayad ng unit mo kung squatter ka naman dito sa unit ko?!" At habang pinipilit ko siyang itulak palabas, nag-vibrate ang phone ko. Napatingin ako. Unknown number, pero may text. Excited pa naman ako, baka si Pablo! Pero bago ko pa mabasa nang buo... "Seriously? My name in your phone is ‘Andrhoe’?" he asked, peeking sa screen ko. PUTA. Nakalimutan ko palang palitan 'yon. In fairness, deserving naman siya nung time na 'yon. Sinira niya dingding ko! Parang siya 'yung bagyong hindi naka-declare sa PAGASA pero totally devastating. I hid my phone behind my back. "Um, PRIVACY?!" "You know..." he said, looking disappointed AF. "Nothing." Ay s**t. Na-guilty tuloy ako. I mean, I didn’t mean for it to be that offensive. Joke lang 'yon dati, okay? Hindi ko lang napalitan. Hindi kasi kami nagtetext madalas ni André—lagi naman siyang nasa harap ko! "Pinalitan ko na," sabi ko habang tinutulak siya uli ng marahan. "Galit ka?" "You really think that badly of me, huh?" "Huy, grabe. Galit ka nga?" Nagsmile ako pero awkward. Para akong humihingi ng tawad kay Lord habang may kasalanan pa. "Sagutin mo na lang. Sobrang landi ko ba talaga sa paningin mo?" NAKU PO. Bigla akong nashoulder-press ng guilt. As in, feeling ko ako na lang ang natitirang tao sa Earth at ako ang magdadala ng kapayapaan sa buong mundo—ganon kabigat ang moment! Ang itsura niya kasi! Damn puppy eyes with abs! "H-Hindi naman..." mahina kong sagot. "Liar." "Grabe naman, André. I mean, oo, ‘di ba ‘malandi’ ka naman talaga? Pero ganon ka lang talaga. At saka, sabi mo naman, hindi ka naman lumalandi ng may jowa na, so clean and good fun lang, di ba? Who am I to judge?" Pinili kong mabuti ang words ko—parang exam sa ethics. Ayoko siyang maoffend, ‘no! André being moody = buong araw kong sira. "Right..." he mumbled. Siniko ko siya, light lang. "Wag ka na magalit ha? I swear, natatakot ako kapag tahimik ka. Parang end of the world vibes." He looked at me. UGH. Bakit ba ang ganda talaga ng mata ng lalaking ‘to?! "Fine," he finally said. "Thanks! You’re the best!" sabi ko sabay sidehug sa kanya. Tbh, I didn’t even know if we were officially best friends, pero siya lang ang laging kasama ko, so ayan na 'yon. Default setting na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD