The set-up continued. Tuwing umaga, sabay kami ni Andrè Ladezma papasok sa school. After class, sabay din kaming umuuwi—except kapag Friday. Kasi raw may “pinupuntahan” siya. Kung ano ‘yon? I didn’t know. I didn’t ask. At ayoko ring malaman! Diyos ko, last thing I need is to know the GPS location ng mga sexcapades niya.
“What?” I said flatly when Andrè knocked on my door. Buti na lang napalitan na ‘yung wall naming dalawa. Mas sturdy na raw ngayon. Pero honestly? Di ko alam kung blessing ‘yon o curse. Kasi ngayon, wala na akong idea kung may kababalaghan ba sa kabilang unit. Parang laging may existential battle sa utak ko:
“Is he having s*x or not?”
And worst part? Why the hell was I even curious?!
“May tinapay ka?” tanong niya, habang parang gutom na kuting na kumakatok sa Jollibee.
Agad akong napakunot-noo. “What?”
He ran his hand through his fluffy hair, smiling like a boy asking for recess money. “Gutom na ako.”
“Wala ka bang pagkain sa unit mo?” tanong ko habang naka-pamewang. Honestly, kung may points lang ang pangingi ng pagkain sa kapitbahay, millionnaire na siya.
Umiling siya na parang batang nawalan ng Yakult. “Di kasi ako marunong magluto kaya ‘di rin ako nag-grogrocery.”
Napatingin ako sa kanya, halos di makapaniwala. “Paano ka nabubuhay?”
“Lunch with friends. Dinner—”
“Ugh,” I cut him off, rolling my eyes. Dinner daw, e ang ibig niyang sabihin, buffet ng babae. Tsk. Bakit ko ba iniisip ‘yon? No more eavesdropping. No more screaming girls on a weak wall. Periodt.
Since Sunday ngayon at walang pasok bukas (may conference daw si Atty.), I had a strong gut feeling to drag this man to the supermarket. Hindi na puwedeng ako lagi ang supply ng noodles, kape, at itlog. Ano ako, Puregold Express?!
Naka-cargo pants, plain white shirt, at sliders si Andrè. Ako naman, naka-denim shorts, white shirt, at sliders din. Pareho pa talaga kami ng outfit. Napatingin siya sa akin, napangisi.
“We look like a couple,” he said.
I frowned. “Shut up,” sabi ko habang nag-aabang kami ng elevator. “If you really want me as your friend, stop saying shits like that.”
Tumawa siya. “Why? Affected ka?”
I glared. “Feeling mo talaga lahat ng babae may gusto sa ‘yo, no?”
Glass ‘yung harap ng elevator kaya habang humaharap ako sa pinto, kita ko ‘yung itsura niya. At as usual—nakangiti na parang may alam.
He shook his head. “Nope. Di naman. I don’t assume na may gusto sakin unless may move na ginawa.”
“So... puro babae ang nagfi-first move sa ‘yo?”
“Usually,” sagot niya. “Natatakot din kasi akong kumausap. Na-punch na ako dati kasi ‘yung babae pala, may jowa. Hindi naman sinabi!”
Nagulat ako, pero mildly impressed. At least marunong siyang umatras pag taken.
Dumating na ang elevator. Pa-gentleman kuno, pinapasok niya muna ako. Ganyan siya—lagi akong pinagbubuksan ng pinto, sinasalo ‘yung bag ko pag mabigat, inaalok ng tubig pag uhaw ako. Very boyfriend vibes... kung hindi lang siya certified flirt.
“Are you seeing someone now?” tanong ko bigla.
He grinned. “Why? Curious?”
“Ikaw talaga! Feelingero ka, ‘no? ‘Di nga kita type!”
“Why?” tanong niya, kunwari lungkot-lungkutan.
“Una sa lahat—”
“Fine, fine,” he cut me off. “Pero just to defend myself ha, I don’t see anything wrong with having s*x as long as I’m not hurting anyone.”
“WITHOUT hurting anyone?!” Napataas talaga boses ko. “Eh ‘yung isang babae mo, sumisigaw ng ‘Destroy me, Andrè!’ Nasaan doon ang ‘not hurting anyone?!’”
Napakunot-noo siya. “What?”
“‘Yes baby! Harder! Yes! Destroy me, baby!’” panggagaya ko sa narinig ko a few weeks ago habang umiiyak ako sa thesis.
Namula si Andrè. Hindi sa hiya. Hindi sa guilt. Pero sa kakatawa. Nag-iiyak-tawa na siya sa elevator! Akala mo stand-up comedy ang buhay ko!
Nang bumukas ang elevator at may pumasok na tita na may eco-bag, nagpigil siya. Pero bago ko pa siya ma-hambalos, he crouched down and whispered:
“Stop saying things like that in front of me, Maricon. It gives me ideas.”
I. Froze. Like. A. Discounted Ice Cream.
Literal na hindi ako maka-galaw. Parang lahat ng blood cells ko, nag-lag. Ang buong system ko, ni-restart. Nag-blue screen ako sa katawan.
Hanggang sa bumaba kami sa parking, tulala pa rin ako. Parang hindi ako makahinga sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha!
“Let’s go,” bulong niya, sabay hila sa braso ko. Parang wala lang. Gusto ko siyang batuhin ng saging.
Habang nagda-drive siya, he was humming and talking... but my brain? Offline. System error. Rebooting in 3... 2... UGH!
Pagkapatong ng sasakyan niya sa parking ng mall, binuksan ko ang pinto, at...
WHACK!
“Aray!” reklamo niya.
“Stop saying things like that!” sigaw ko.
“Then stop moaning in front of me!”
“Hindi ako nagmo-moan!”
“You did! Four times! We didn’t have s*x, but I already heard you moan, Maricon!”