Chapter 8

1018 Words
Andrè was showing me a thumbs up habang nagrereview ako. I figured out na na-absorb na talaga niya finally that I hated being disturbed while in class kaya never na talaga siyang nag-attempt umepal ulit. Good job, Andrè. Character development is real. Si Jax talaga 'yung seatmate niya sa room. Ako naman, ang eternal katabi ko ay si Kaye Villanueva. I wish talaga na maging close kami ni Kaye, but girl is always reading something! Para siyang girl version ni Jax—walang feelings, puro books. Nang dumating si Atty. Samonte, unti-unti nang nag-rave party sa dibdib ko ang anxiety. Palakasan ng t***k ng puso 101. “You got this,” mouthed Andrè habang si Atty. Samonte ay nilalabas na ang mga index cards na parang mga Death Note ng klase namin. Pakitanggal po ang ilaw, may tatawaging kaluluwa. Pagkakita ko pa lang ng mga index cards, gusto ko nang bumaligtad sa upuan ko. My soul left my body, grabbed its suitcase, and tried to leave the building. “David,” tawag ni Atty. Shit. Hindi ako ‘yun. Thank you, Lord. Hinga. Inhale. Exhale. Ilabas ang rosaryo. Si Jax ang tinawag. At syempre, as expected, binanatan niya ng flawless delivery ang buong Bagong Alyansang Makabayan v. Zamora na parang kinain niya sa almusal. Actually, narinig ko siya kanina na kino-convo si Andrè about that case. Apparently, hindi nagbasa si Andrè. Shocked? Me neither. But here's the twist: sabi ni Andrè, binasa na raw niya—gusto lang daw niya mapagsalita si Jax. Strategic chismoso ang gagi. Dati raw, sobrang random ng tanong niya kay Jax. As in: “Do you think Jollibee will win in a fight against McDo?” Pero dahil hindi siya sinasagot, narealize niya na acad-based questions lang ang may reply. So now, every tanong niya parang mock bar exam. Walang follow-up si Atty. Of course not. Pag si Jax kasi sumagot, may kasama pang bonus commentary, bibliography, at footnotes. Samantalang kay Andrè, kailangan mo ng translator—minsan nagjo-joke pa sa gitna ng legal doctrine. Ilang pangalan pa ang tinawag. Pero kailan ako?! Hiyang-hiya na 'yung isang natitirang index card. Parang sumisigaw: “Ako na lang, please. Tawagin niyo na siya.” Pag-dismiss ng klase, tawang-tawa si Andrè. “It’s your lucky night,” sabi niya habang ginulo ang buhok ko. Umirap ako. “Kainis na kaya! Ako talaga iyong last?!” Halata sa face ko na gusto ko nang suntukin si index card. “Save the best for last?” “Baka save the worst for last.” Pinisil niya ‘yung ilong ko. “Negative Nelly,” he teased. “Wala tayong pasok bukas.” Nanlaki ang mata ko. “Sa Crim?!” Nag-nod siya. “Minsan kasi, magbasa ka rin sa group chat. Hindi ka decoration doon.” Bumalikwas ako para hanapin phone ko. Plot twist: naiwan ko sa unit. Ganito siguro pakiramdam ng maiiwan sa eroplano. “Here,” sabi ni Andrè sabay abot ng phone niya. “Gusto mong basahin?” “Later na lang,” I said. Ayoko naman sumilip sa phone niya. May boundaries tayo, sis. At dahil sinabi niya dati na weird daw sa kanya pag napag-uusapan ang kalandian niya, I’ve made it a mission na hindi maging Maricon the Marites. “Do you drink?” tanong niya. “Depends. Libre ba?” “Since walang pasok bukas, let’s relax,” sabi niya, sabay lingon sa paligid. Karamihan sa classmates namin, halos naglaho na parang Avengers post-Thanos snap. “Jax!” sigaw ni Andrè habang hinihila pa-pabalik ang strap ng bag nito. “Inom tayo!” Kumunot agad ang noo ni Jax. “Uuwi na ako.” “Sige na? KJ!” “Ihahatid mo ba ako?” deadpan ni Jax. “Girlfriend kita?” “Bakit si Maricon kahit saan, hinahatid mo?” BOOM. Nanlaki mata ko. Walangyang Jax, chismoso rin pala! FBI na lang kulang! “Because she cooks my food!” sabay lock ni Andrè sa leeg ni Jax na parang wrestler. “At please lang, stop calling her Maricon. Nakaka-creep. Akala ko may nanay akong teacher sa old Catholic school.” Sa huli, napilit din sumama si Jax. (Good job, Andrè. Peer pressure at its finest.) Habang naglalakad kami, nasa tabi ko si Andrè. “Just so you know, my car's clean.” “May sinabi ba akong marumi?” “Wala naman… pero every time you ride, para kang nadisgrasya sa mental health.” I snapped. “Kasi nga—” “Wait lang. Grabe ka naman. Will I forever be judged dahil lang sa wild boy past ko?” Tumingin ako sa kanya. “Past daw oh.” “Yeah. Busy na ako sa school, wala nang time pumunta sa club. Look at my palm,” sabay lahad ng palad sa mukha ko. Nanlaki mata ko. Bwiset talaga ‘to. May implication ba ‘to?! Kadiri ka talaga! “Ugh!” sabay iwas ng mukha ko habang sinisipa ko siya. Pero natigilan ako nang mapansing andun si Jax—nakatayo, nakasimangot, parang naghihintay ng pagkain sa food court. “Can we have dinner first?” tanong ni Jax. Nagkatinginan kami ni Andrè. Sure, why not. Baka ma-bad trip pa si kuya sandwich boy. We ended up in a nearby resto, walking distance lang from the bar. Tahimik akong kumakain habang si Andrè ay walang preno sa chismis. Pinipilit niyang i-confirm kung crush ba ni Kaye Villanueva si Jax. As in, “Narinig ko may gusto si Kaye sa’yo.” At si Jax, steady lang. Parang lawyer na pinapalusutan sa cross-examination. Dapat mabilis lang kami kakain pero na-extend ng dalawang oras dahil sa chismis overload ni Andrè. “Ikaw magbabayad,” Jax said eventually. “Yes,” I added, “ikaw ang dragger.” “Fine,” sabi ni Andrè habang umo-order ng Jägermeister, Cuervo, at Red Bull. “I’ll pay, pero kahit anong iabot ko, iinumin niyo.” Oh no. Not today, Satan. “Nope,” I said agad. “Why?” suspicious si Andrè. “Wala. Epal ka lang,” I said, sabay tayo para hanapin ang restroom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD