The next day, I packed my entire emotional baggage and physical gamit at bumiyahe na papuntang Maynila. Sobrang hiya ko talaga kasi kay Jax pa ako makikitulog. Kay Kaye sana ako pupunta, pero may Inigo Emergency siya sa apartment niya. Baka may away, or baka nag-melt ang candles niya habang may e-numan. “Sure ka bang wala kang girlfriend? Baka biglang may manabunot sa’kin habang nagkakape ako sa kusina mo,” I told Jax habang inaayos ang gamit ko sa sofa. Offered niya sa’kin ‘yung room niya, but of course I refused. Kasi some pride still lives inside me, kahit paubos na. He also offered to lend me money for an apartment. Ako naman si proud, sinabihan ko siya: “Utang ko na nga ‘yung kaluluwa ko sa’yo, gusto mo pati baga?” “Wala na akong balak mag-girlfriend,” sagot niya habang kumukuha

