Kinabukasan ay nagising ako sa isang maaliwalas na kwarto. Bago ako lumabas ng silid ay nag unat unat muna ako ng aking mga buto.
Nakarating ako sa may sala ay naamoy ko na agad ang mabangong amoy mula sa kusina sinundan ko ito na para bang isang aso na amoy ng amoy.
"Gising ka na pala Ms. Mireille" napatigil ako sa pag amoy ng magsalit si azchier.
Napatingen ako sa kanya shutaaaaaa why so pogi ng ferson napalunok ako ng wala sa oras.
"Umupo ka na at kumain at may pupuntahan pa tayo" ma otoridad na wika ni azchier
Di ko alam kung moody ba tong lalaking to o ano , minsan mabait minsan pacold ang ferson.
Di ko maiwasan na hindi mapatingin sa kanya paano ba naman wala syang pangitaas tanging apron lang ung suot nya para na akong kamatid sa sobrang pula na ng mukha ko
"Umuupo ka o titigan mo lang ako?" Wika nya na para bang nangiinis.
Umupo ako at kinain na yung niluto nya pero unang subo ko pa lang ay napatigil na ako.
"Hindi ba masarap ? Just leave it magtinapay ka na lang" walang emotion nyang wika.
"N-no masarap sya napatigil lang ako bakit ang galing mong magluto" i said.
"Kumain ka na lang"
Kumain ako ng kumain well omelette lang naman sya pero may kakaiba sa omelette nya.
"Kung tapos ka na magayos ka na ng sarili mo dahil may pupuntahan tayo" wika na naman nya. Teka nga bakit ba ako ang parang nagiging sunod sunudan sa kanya ? Sino ang amo dito sya ba o ako? Parang nagkabaliktad na ata.
"Bakit ba parang ikaw ang amo satin dalawa ha azchier?" Wika ko
Napatigil sya sa kanyang ginagawa
"Hindi ba ako ang dapat na nagdedemand kasi ako ang amo dito at ikaw ay binabayaran ni papa para protektahan ako" dagdag ko pa.
Humarap sakin si archier.
"Nasaan ka ba ngayon?" He asked.
"Nasa bahay mo?" sagot ko na di pa sure
"Exactly" he said
"Di mo naman ako obligasyon na patirahin dito" saad ko
"Hindi nga pero paano ko masisigurado na ligtas kung di kita nakikita , paano kita mapapanatiling ligtas kung nandon ka ?" Wika nya at nagpatuloy na sya sa paghuhugas ng pinggan.
"Ligtas ako sa mga lawrence dahil pamilya ko sila" saad ko.
"Wag kang umasta na parang kilala mo talaga ang mga lawrence" wika nya
Hindi na lang ako umimik dahil di din naman ako mananalo kung makikipagtalo pa ako sa kanya, Kaya bumalik na lang ako sa kwarto kung saan ako galing napansin ko na ang plain lang ng buong bahay pero napakstylish malinis din di mo aakalaing lalaki ang nakatira.
Pagkatapos ko maligo ay lumabas na ako ng kwarto at bumungad sakin ang isang pang lalaki na pabango nakakaadik , I can't resist it .
"Stop staring at me na para bang inlove ka tsk" wika ni azchier.
Inlove ?
Sa kanya ?
He even not my type
"In your dreams sungit" I said.
Ngayon ko lang napagtanto na condo pala tong tinitirhan ko
The heck!!!
Saan sya natutulog ?
Sa katabi ko ba ?
Oh my goddd baka may ginawa sya sakin !!!!
"Anong ginawa mo sakin ?" Tanong ko habang nasa aking dibdib ang mga kamay ko.
"Huh? Anong ginawa ko sayo?" Takang tanong nya.
"Pinagsamantalahan mo ko no" nangangatog kong wika.
Tumingin sya sakin at tumawa.
"Wth Ms. Galvante HAHAHAH hindi ko gagawin sayo yun , you're not pretty , nor sexy and you're not my type" natatawang wika nito
"Stop dreaming Ms. Galvante" wika nya ulit at tsaka nag suot ng suit.
"Hoyy sino nag dedream dito" pagmamaang maangan ko.
Narinig ko naman na tumawa ng mahina si azchier. Baliw ba to ?
"Let's go"
"Saan tayo pupunta ?" Saad ko.
"Sa bahay ulit ng mga Lawrence" saad ni azchier.
"What? Noooo ayoko na makaladkad ng wala sa oras no" pag iinarte kong sabi.
"Kailangan mo pa ng proteksyon Ms. Mireille" wika ni azchier.
"Proteksyon pa ? Kaya mo naman akong protektahan diba so bakit kailangan ko pa sila pati ang sabi mo ay hindi mababait ang mga lawrence." wika ko habang nag aayos ng sapatos.
"Hindi nga sila mababait pero dahil isa kang lawrence at hangga't may proteksyon ka ng mga Lawrence hindi ka magagalaw ng mga Zaldivar" wika naman nya habang may hawak na envelop.
"Mas mabuti nga yon diba kapamilya ni mama ang mga zaldivar"
Tumingin sakin si azchier ng nakakatakot.
"Stop assuming na mababait ang mga zaldivar Ms. Mireille ibang iba sila sa iniisip mo , at sila din ang dahilan kung bakit namatay ang nanay mo" wika ni azchier sabay lakad paalis
Napatulala na lang ako sa sinabi azchier , ang mga zaldivar ang may gawa kung bakit namatay si mama ? Pero kadugo nila si mama hindi nila kayang gawin sa kanya un pati Sabi nila namatay sya sa sakit. Ano pa bang kasinungalingan ang hindi ko alam?
Bago kami lumabas sa condo ni alchier ay may nakita akong familiar na bagay na tanging noble family lang sa spain ang meron nito meron din si papa william dahil galing sa noble family ang mga galvante.
"Wait alzier galing ka ding spain?" Tanong ko dito.
" HINDI" simpleng sagot nya.
"Bakit ka may libro ng History of The noble family in spain?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Nabili ko yan sa bookstore" wika nya sabay talikod.
"No hindi basta basta mabibili yan look may seal pa ng hari ng spain" sabi ko sabay lapit sa libro. Pero paglapit ko aya natigilan ako sa nakasulat sa ilalim ng libro.
PRINCE ALCHIER BΓRBON OF SPAIN.
napatingin ako kay alchier at ganun din sya hindi to maaari. Pero bakit ? Bakit sya nandito sa pilipinas ? Bakit sya ang naging body guard ko gayung sya pala ang may kailangan ng proteksyon dahil isa syang prinsipe.
"Alc---"
"Ngayon alam mo na ang sikreto ko pwede bang wag mo ipagsasabi to sa iba" wika nya at naglakad na.
Di pa din ako makapaniwala na isang prinsipe ang aking bodyguard.
Habang nasa biyahe kami ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya mukha naman syang pwede maging prinsipe talaga.
"Stop staring at me Ms. Galvante iisipin kong may pagnanasa ka sakin" wika nito kaya napaiwas ako ng tingen.
"Alchier bakit umalis ka sa spain" tanong ko
"Hindi ako umalis" wika nya
"The what are you doing here ?" I asked again
"Hmm paano ko ba to sasabihin let say na i have a mission here" ani nya at tumingin sakin at nagkatitigan kami ni alchier
Dug tug dug tug
What happen to me ?
What happen to my heart
"The mission is me?"
"Yes my mission is the stubborn long lost heiress of the lawrence" wika nya na para bang natatawa.
"Di ko alam kung bakit ka pa nilabas ni Mr. Galvante panget panget mo pala" wika ulit sabay tawa.
Excuse me ?
Panget ?
Ako ?
"Alam mo kung di ka lang prinsipe nayakap nakita sa leeg ng mahigpit" i say sabay crossed arms.
"Hindi ako prinsipe sa pilipinas , walang nakakaalam na prinsipe ako maliban sayo at kay Mr. Lawrence" saad nya
Hindi ako kumbinsido na may mission sya dito.
Hindi kaya nagtatago sya ?
"Nagtatago ka ba ?" Tanong ko sabay pinaningkitan ng tingin.
"What ? HAHA bakit naman ako mag tatago?" Natatawa pa din nyang wika
"Like diba prinsipe ka so baka may gustong magtangka sa buhay mo" wika ko .
Isang malakas na tawa ang ang namutawi sa loob ng kotse .
Parang isang musika sa tenga ko ang mga tawa nya. Parang may kung ano sa tyan ko ang kumikiliti dito at -- puso ko parang may kung anong nag uunahan.
Ilang oras ang biniyahe namin bago namin na tungo ulit ang bahay ng lawrence nag aalangan akong sumama kay alchier papasok sa mansion kaya lang mapilit ang aking bodyguard. Sumalubong ulit samin ang mga maids na nakahanay sa may pintuan at nakayukod habang binabati kami.
Sinalubong naman kami ng mayordoma ng mansion.
"Magandang umaga Mr. Alchier at Ms-- "
"Galvante po" saad ko
"Sumunod po kayo sakin kanina pa po kayo inaantay ni tristan" saad ng mayordoma.
Naglakad kami sa mahabang pasilyo ng mansion mas nakakalito ito kaysa sa mansion namin sa spain.
Binuksan ng mayordoma ang isang pinto at pinapasok kami. Nakita ko doon ang dalawang babaeng kumaladkad sakin at ang ina nito nandito din si tito tristan.
"Have a sit" malamig na tono ni tito tristan
Umupo kami ni alchier sa tapat ni tito tristan.
"Buenas dias Mr. Lawrence" wika ni alchier napatingin ako ang sexy nya mag spanish accent.
"Buenas dias Mr. BΓ³rbon" wika ni tito
"Buenas dias Mireille" bati din sakin at ngumiti.
"Buenas dias tito tristan" wika ko habang pilit ang ngiti.
Umayos ako ng upo hindi ako komportable sa sitwasyon namin ngayon nanlilisik ang mata ng anak ni tito tristan.
"Papa na ang itawag mo sakin mireille" wika ni tito tristan
Padabog naman lumabas ng silid ang panganay na anak nya talagang hindi ako tanggap at welcome sa pamilyang to.
"Hindi naman ho kayo ang tatay ko tito tristan nasa spain po ang tatay ko" mariing wika ko.
"Ako ang totoong tatay mo" wika nya na medyo pasigaw.
"Kayo nga ho ang tatay ko pero hindi ho kayo ang nagpalaki sakin" wika ko
"Mire" bulong ni alchier
"At hindi ko po kailangan ang proteksyon mo" wika ko ulit.
Tumayo si tito tristan at nag salita.
"AYOKONG MAWALAN NG ANAK KAYA SA AYAW AT SA GUSTO MO POPROTEKTAHAN KITA HINDI MO KILALA ANG PAMILYA NG NANAY MO, HINDI MO KILALA KUNG SINO ANG MABAIT AT NAG BABAIT BAITAN SA KANILA KAYA WAG KA MAGTITIWALA SA KANILA AGAD"
Napatahimik ako wala ako masabi na lahat sila concern sakin pero bakit ?
"Bakit napakaconcern nyong lahat sakin" walang emosyon kong wika
"Dahil isa kang taga pagmana ng mga zaldivar , mireille pinatay ang nanay mo dahil sya ang lehitimong anak ng lolo hermano mo malaki ang mana ng nanay mo pinatay nila ito sa pag aakalang makukuha nila ang pinamana ng nanay nya sa kanya" wika ni alchier.
"Pero nabigo sila dahil pagkasilang mo pa lang ay nilipat na ng nanay mo ang pamana sayo kaya ikaw na ang hinahabol ni don hermano at ng mga zaldivar" wika ulit alchier.
Napatingin ko sa mga taong nasa silid napatingin ako sa asawa ni tito tristan gayun din sa bunso nitong anak .