" Thank you." Tanging sagot naman niya kay Ninong Fabiano bilang respect niya nalang. " Ano ka ba naman, Fabian! matagal nang maganda ang inaanak mo." Singit naman ni Miss Britney na nagpalit-lipat ng tingin sa kanila ni Ninong Fabiano. Natigil Naman agad ang pagngiti nito sa kanya nang magsalita si Miss Britney. Kinabahan naman s'ya baka makahalata si Miss Britney sa mga kilos at pananalita ni Ninong Fabiano sa kanya. Kung makahalata man ay problema na iyon ni Fabiano. "Let's go! baka mahuli pa tayo sa pagsisimula ng party ng Daddy mo, Sweetheart." Sabi pa ni Fabiano sa girl friend at di na rin tiningnan si Luissa. Binuksan nito ang back seat upang makapasok s'ya. Dahan-dahan naman s'yang pumanhik sa loob. At pagkatapos ay binuksan na rin nito ang front seat upang makapasok na rin

