" Okay lang naman, Luissa. Ikaw, kumusta na rin? mukhang okay na ang takbo ng buhay mo ngayon ah." Sagot nito sa kanya pagkatapos s'yang tinitigan nito habang nakayapos si baby Bryan rito. Nakadama na naman tuloy s'ya ng inggit nang makitang close na close ito sa anak niya kahit hindi ang alam ng dalawa na totoong mag-ama ang mga ito. Walang pinagbago si Ninong Fabiano. Gano'n parin ang tono nitong magsalita, gano'n parin kung makatingin at gano'n parin ang dating nito. Hindi nagbabago ang awra nito kundi mas nadagdagan pa tuloy ang pagiging attractive nitong lalaki dahil medyo nag matured na ito dahil din sa bigote nito. Hindi naman magpapadala si Luissa sa mga kakaibang tingin nito sa kanya. Tapos na s'ya sa mga kamay ni Fabiano. At ayaw na niyang makaramdam s'ya ng kakaiba rito.

