Kinahapunan nang mauwi si Luissa sa Villa ay akala niya'y nando'n na rin ang anak niya sa Villa mula sa school nito. Ngunit nagtaka s'ya kung bakit nasa alas singko na ng hapon iyon ay wala pa si baby Bryan at ang yaya nito. " Luissa, iha." Anang tinig ni Seniora Elaiza sa kanyang likuran. " Tita." Sambit niya nang malingunan ito. "Hindi ko alam kung bakit biglaan nalang ang desisyon ni Fabiano na hindi muna iuwi si Baby Bryan dito. Hindi ko alam kung saan ngayon dinala ng anak ko ang bata. Tumawag kasi sa akin si Fabian na hindi na muna sila makakauwi." Ang sabi ni Seniora Elaiza. Natigilan naman siya at kinabahan. " Ahhm, baka papasyal sila, tita. Pero pagod na ang anak ko mula sa school, dapat pahinga na ang bata." Aniya sa Seniora. " Kaya nga iha. Hindi ko alam kung baki

