Di naman alam ni Luissa kung ano ang isasagot. Dahil sa totoo lang ay di naman talaga s'ya masaya. Ang gusto niya'y aalis na lang sa Villang ito. Tinitigan naman siya ni Ninong Fabiano. At tila na phsyco siya nitong hindi nagustohan ang sinabi nito. "Hindi ka masaya na papaaralin kita?" Muling wikang tanong nito sa kanya. Napilitan naman s'yang mag-angat ng tingin rito. Hindi pa naman niya kayang salubungin ang mga tingin nito sa kanya. "Ahh, ehh, m-masaya naman po. Masaya ako dahil naisipan niyo pong tulongan ako kahit galit kayo sa akin. K-kaya lang naisip ko po na h'wag na lang sigurong mag-aral." Sabi niya rito. Biglang naningkit ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. "So, ayaw mo sa offer ko? bakit ? dahil galit ka sa akin? binaliktad mo yata, Luissa. Ikaw itong galit sa

