Para kay Luissa ay nasa langit na s'ya sa tuwing mapagmasdan niya ng lihim ang kaguwapohan ng lalaking lihim niyang crush. Ngayong dalaga na talaga s'ya sa edad niyang eighteen ay pwede na s'yang magboy friend. Ngunit napaka imposibleng mapansin s'ya ng lalaking lihim niyang nagustohan. Sa tuwing makikita niya ito ay nagpipigil lang talaga s'ya sa kanyang sarili dahil hindi pweding malaman ng lahat na nagka crush s'ya at nagkagusto sa taong hindi karapat-dapat. Kaya sinarili na lang niya ang feelings niyang iyon at di ipinaalam ni kahit kanino dahil nahihiya s'yang sabihin iyon kahit sa kanyang mga kaibigan at kaklase.
Mahilig s'yang mamasyal sa labas ng Villa ng mga Saavedra dahil bukod sa may magandang tanawin sa paligid ay gustong-gusto niya ang fresh na hangin na nalalanghap at dumadampi sa kanyang balat.
"Luissa!" Tawag ng tinig ni Lola Vicenta na isa sa mga katulong ng Villa dito sa Hacienda Saavedra.
Nilingon niya agad ito, nakita niyang nasa malapad na terrace ito ng Villa at nakatanaw sa kanya.
"Baka saan ka na naman pupunta!?" Wikang tawag nito sa kanya.
" Dito lang po ako, Lola!" Tugon naman niya rito.
Hindi na ito sumagot at pagkuwa'y tumalikod na ito. Ang kanyang Lola Vicenta ay s'yang pumalit sa dating katulong na kusinera ng mga Saavedra. At siya'y wala nang ina dahil namatay ito nang sya'y isinilang nito at tanging ama na lang ang meron sa kanya.
Ang kanyang Papa Terio ay nagtatrabaho din sa hacienda ng mga Saavedra. Matagal na rin ang kanyang Lola at Papa na nanilbihan at naging tauhan ng mga ito. Sa Hacienda ding ito nagkakilala ang kanyang mga magulang na noon ay nasa batang edad pa naglive-in na. Nineteen pa noon ang kanyang papa Terio nang mabuntis ang kanyang inang si Amelita sa edad din nitong Eighteen. Kaya lang nang ipinanganak s'ya ng kanyang Ina noon ay hindi nito nakayanan ang lahat at ito'y namatay.
Kahit malaking kawalan sa kanyang ama ang pagkawala noon ng kanyang ina ay tuloy lang naman ang buhay at pagtatrabaho ng kanyang ama sa Hacienda Saavedra. At tumigil muna saglit ang kanyang Lola noon bilang kusinera sa Villa ng mga Saavedra upang aalagaan siya nito.
Magkasama naman lagi ang kanyang papa Terio noon at ang binatang panganay na anak nina Senior Ricardo at Seniora Elaiza na si Seniorito Fabiano. Ang papa niya ang laging kasama dati nito kapag gusto ng Seniorito noon na papasyal ito sa buong Hacienda. Halos magkaedad lang ito ng kanyang papa, matanda lang ang papa niya rito ng dalawang taon kaya sa panahong iyon ay nasa seventeen na ang Seniorito nang siya'y bagong isinilang. Naging malapit at close sa isa't isa ang papa niyang si Terio at ang Seniorito ng Hacienda. Kaya lagi din s'yang binigyan ng cash noon pa man at ng kahit anong gusto niya ni Seniorito Fabiano lalo na kapag December kaya para na rin niya itong Ninong. Kahit hindi naman talaga niya ito Ninong ay naging Ninong na lang ang tawag niya rito dahil sa galante nitong magbigay sa kanya ng kanyang mga kakailanganin. Okay lang naman ito na nakasanayan na niyang tawagin itong Ninong kahit di naman talaga s'ya inaanak nito.
Paglipas ng apat na taon, nang makakalakad na sya'y bumalik na rin sa pagiging kusinera ang kanyang Lola Vicenta sa Villa ng mga Saavedra dahil pwedi na s'yang madala nito sa loob ng Villa habang ito'y nagtatrabaho.
Kaya sa loob ng Villa Saavedra siya lumaki. At hanggang ngayon ay patuloy na nagtatrabaho parin ang kanyang papa sa Hacienda at ginawa na nga itong kanang kamay ni Senior Ricardo na s'yang ama ni Seniorito Fabiano. Siya'y ganap na dalaga na talaga sa edad niyang eighteen at kadedebut pa lang niya kaya laking tuwa at kilig niya nang niregaluhan s'ya ng kanyang Ninong Fabiano ng mamahaling bracelet at mga imported na pabango na may malaking presyo. At may lihim s'yang crush sa kanyang Ninong Fabiano at iyon ang lihim niya na di niya pweding ipagsasabi sa kahit kanino dahil nahihiya s'ya.
Hindi pa muling nag-asawa ang kanyang ama at pati na si Ninong Fabiano niya'y wala parin itong asawa ngunit marami naman itong chicks pero walang pormal na relasyon. Thirty six na ang kanyang amang si Terio ngayon at nasa thirty-four na rin ang kanyang Ninong Fabiano. Nanatili paring close ang kanyang amang si Terio at ang kanyang Ninong hanggang ngayon. At hindi na rin ibang tao ang tingin sa kanya ng mag-asawang Seniora Elaiza at Senior Ricardo Saavedra. Parang pamilya na rin ang turing ng mga ito sa kanila dahil sa tagal nang nanilbihan ng kanyang Lola Vicenta at ng kanyang amang si Terio sa Hacienda.
Habang nasa labas ng Villa si Luissa ng umagang iyon at napapatingala sa malaking puno ng lansones na hitik sa bunga ay lumapit naman sa kanya ang isa sa mga anak ng tauhan ng Hacienda na si Pia.
"Luissa, manguha tayo ng lansones, ang daming hinog oh!" Sabi pa ni Pia sa kanya na kaedad lang niya.
"Kaya nga eh, kanina pa ako gustong umakyat." Sagot naman niya rito.
"Aakyatin natin! tulad ng ginagawa natin kapag may mga hinog na ang mga prutas dito sa paligid ng Villa." Sabi nito sa kanya.
" Naku, ang pangit nang tingnan na aakyat ako, alam mo na dalaga na ako noh at may crush na nga
ako." Sabi pa niya rito.
Natawa naman ito sa kanyang sinabi.
"Sino yung crush mo? Sabihin mo nga. Hmmm." Anito sa kanya.
"Hoy, secret ko lang yun." Sabi naman niya rito.
"Dalaga ka diyan at may crush pa. Sandali, magtsismis nga muna tayo saglit, si papa Terio mo nga pala at ang Ninong mo, nakita naming magkasamang nag akyat ligaw kahapon sa isang dalagang kararating lang mula sa maynila. Anak ito ng dating tauhan nila sa hacienda. Ang ganda ng girl kaya nagustohan agad ito ng Ninong mo at ayun, sinamahan at naging alalay na naman ang papa Terio mo. Kinilig tuloy ako na nagkagusto si Seniorito Fabiano sa nagngangalang Perlita na dati daw pinintasan noon ni Seniorito. Ayy!! ang kilig." Sabi pa nito.
Bigla siyang natigilan at napaisip, narinig na niya kagabi na may kasama ang kanyang Ninong na babae pag-uwi nito na dati daw'ng anak ng tauhan ng mga ito sa Hacienda. Nagtaka nga ang mga katulong kung bakit nagkagusto daw ang Ninong sa nagngangalang Perlita na dating pinintasan nito. Mga mayayaman at magagandang babae kasi ang naging girl friend ng ninong niya, merong anak ng mayor, anak ng mga business man at mga galing din ang iba sa mayayamang angkan. Sumimangot ang kanyang mukha dahil sa narinig, ang swerte naman talaga ng nagngangalang Perlita dahil isa sa mga nagustohan ng kanyang Ninong. Hindi maintindihan ni Luissa ang sarili. Bigla na lang s'yang nainis sa kanyang sarili sa naramdamang iyon. Sobrang nakakahiya sa lahat kapag malalaman na ito ang kanyang lihim na crush at may tinatago s'yang damdamin sa kanyang Ninong!
" Oh bakit di ka masaya?" Pansin pa nito sa kanya.
" Narinig ko na yan kagabi pa, tungkol sa nagngangalang Perlita. Uuwi na nga muna ako, bigla akong nagutom. Sandali ha." Paalam na agad niya rito at nagmamdali na niyang iniwan si Pia. Ang totoo'y bigla na lang s'yang nawalan muli ng gana sa umagang iyon na muling marinig ang narinig na niyang isyu kagabi. Nasa Maynila ang mag-asawang Seniora Elaiza at Senior Ricardo Saavedra kaya ni hindi nahiya ang nagngangalang Perlita na dadalhin ito kagabi ng Ninong niya sa Villa at nakitulog sa mismong kuwarto ng Seniorito niyang Ninong.
Pumasok s'ya sa Villa at agad namang nasalubong ng kanyang mga mata ang kanyang Ninong na nasa Living room ng Villang iyon habang may magazine na binabasa, narinig pa niya kanina na maagang umalis ang nagngangalang Perlita na katabi nito kagabi.
Sa tuwing makikita niya ang Ninong niyang Seniorito ay nahihiya din s'ya rito lalo na't sobrang tahimik nito at napaka pormal kung magsalita.
Nag angat ito ng tingin sa kanya nang sya'y mapadaan. Sobrang guwapo ng kanyang Ninong at kahit sa simpleng ngiti lang nito sa kanya ay para nang nabitay ang kanyang kaluluwa sa ere. Kung close lang niya ito ay tinanong na agad niya sana ito tungkol sa nagngangalang Perlita kung seryoso ba talaga ito sa babae. Kaya lang ay di naman niya ito close at may pagka strict pa nga ang dating nito sa kanya minsan.
Ang pagkakaalam niya kasi ay sa dami na naging girl friend nito ay wala pa itong seneseryoso na pakasalan sa edad nitong thirty four ngayon. At natatakot s'ya na baka si Perlita na ang babaeng iyon dahil nag effort talaga itong mag akyat ligaw.
"G-good morning po, N-ninong." Pagbibigay galang niya rito.
"Good morning Luissa, dapat sa ganitong oras ay tumutulong ka sa Lola mo sa pagluluto. Your Lola is old, so you should learn what she does so you can be the one cooking here in the villa when you don't have classes." Anang pormal na tinig nito sa kanya.
Napaurong naman s'ya.
"O-opo, N-ninong. Pasensya na po kayo." Nahihiyang sagot niya at napayuko.
At tuloyan na s'yang lumampas sa kinauupuan nito. At nang lumampas na sana s'ya rito ay muli itong nagsalita sa kanya.
"Wait, Luissa." Biglang wika nitong muli kaya natigil ang paghakbang niya at nilingon ito.
"Bakit po, Ninong?" Tanong niya rito.
"Umuwi si Adelyn at may mga ginagawa naman sina Aling Luz at Aling Belinda kaya ikaw na muna ang maglinis sa kuwarto ko. Wala ka namang pasok." Utos nito sa kanya.
"Ahh, o-opo Ninong." Aniya rito.
"Sige na, bilisan mo, dahil mamaya gusto kong magpahinga. Palitan mo ang bedsheet at mga punda pati na rin ang kumot." Anito sa kanya.
" Ahh, opo!" Aniyang sinunod agad ang utos nito.
Kung anong iutos nito sa kanya ay alert naman agad siya dahil galante ang kanyang Ninong at lagi s'ya nitong binibigyan ng cash o kahit anong bagay na makapagpasaya sa kanya.
Bukas ang pinto ng kuwarto nito kaya dumeretso na s'yang pumasok sa loob na dala ang isang Laundry basket na lagyan ng mga punda at kumot na labahin. Pagpasok niya'y tumambad agad sa kanyang paningin ang nagkalat na kama nito na wala sa ayos. Malawak ang kuwarto nito at maraming mga mamahaling gamit at kumpleto ito.
Una niyang winalis ang sahig na marble ng kuwartong iyon. Hindi naman iyon makalat at tanging kama lang talaga ng kanyang Ninong ang dapat niyang ayusin. Pagkatapos niyang magwalis ay hinuklas agad niya ang mga punda sa mga unan nito at pati na ang kumot ng kanyang Ninong. Mabango pa naman
ang kumot pati na ang mga punda nito ngunit pinapapalitan na nito iyon. Nang hilahin niya ang kumot nito para ilagay sa dala niyang Laundry basket ay napansin niyang may kunting basa sa kumot.
" Ano to?" Nagtatakang tanong niya.
Inamoy pa niya iyon at para siyang masusuka sa tindi ng baho mula sa basa ng kumot na iyon!
" Ewww!! ano ba 'to?" Salubong ang mga kilay na tanong niya.
Nagmamadali naman niyang itinapon sa laundry basket ang kumot na iyon dahil di niya maintindihan kung anong baho meron iyon!
Nang matapos niyang kunin ang mga punda at kumot ay saka naman niya napagtuonan ng pansin ang basa sa bedsheet. Nilapitan at tinitigan naman niya iyon.
"Ano na naman to? may basa na naman sa bedsheet?" Aniyang na kuryos na namang amoyin iyon.
"Yuccckkk!!! 'Lang ya, ang baho nito! ano bang nangyari sa kama ni Ninong? eww!" Aniyang nagtatakbo sa banyo ng kanyang Ninong dahil sukang-suka na s'ya.
Hindi niya maintindihan ang dulot ng amoy na iyon, para s'yang nahihilo.