"Mahal..." bati agad ng nasa kabilang linya. "Nasaan ka na?" Malambing na tanong ni Enzo sa akin.
Napangiti ako sa kanya. Hindi ko alam kong ilang beses niya akong tinanong ng ganoon.
Alam kong dapat mainis ako pero hindi eh. Natutuwa ako.
"Nandito na ako sa may entrance ng hospital niyo..." sagot ko.
"Talaga!" Excited na sabi niya na nagpatawa sa akin. Feeling ko kung nakaupo si Enzo sa isang upuan, napatayo ito sa sobrang excitement niya. Hay naku, Enzo. "Sige! Sige! Mahihintay na ako rito!" At pinatayan ako ng telepono.
Tumingin lang ako sa screen ng telepono ko. Para namang hindi niya alam na pupunta ako dito. Eh siya nga ang nagpapunta sa akin. May naiwan kasi siyang files sa bahay at gusto niyang ipahatid sa akin sa hospital niya...
Napanguso ako. Feeling ko sinadya niya ang pag iwan ng gamit niya para pumunta ako rito. Lagi niya kasi akong kinukumbinsi na sumama ako sa kanya pero tumatanggi ako. Baka kasi wala siyang magawang trabaho kapag nandoon ako sa opisina niya.
Huminga na ako ng malalim at pumasok sa hospital. Nang makita ako ng guard, tumitig siya sa akin. Akala ko tatanungin niya ako na kung ano pero nginitian lang niya ako. "Good morning ma'am!" Masayang bati niya at lumapit sa akin. Hindi niya ba ako tatanungin kung anong sadya ko sa hospital? Kilala niya ba ako? Hindi kasi ito yung guard na nag duty noong lumabas ako rito sa hospital at noong naadmit ako. Kung ganoon... Nakagat ang labi ko. Syempre kilala niya ako! Hindi ko maitago ang saya ko. Kasi ibig sabihin lang noon, alam nila kung sino ako! Asawa nga ako ni Enzo diba?! Kaya siguro maraming beses na akong nakabisita rito at nakilala niya ako! Napangiti ako. "Ako na po ang bibitbit ng dala niyo..." wika niya.
Umiling lang ako.
"Huwag na." Magalang na sagot ko. Giniya niya ako papasok sa hospital. Nagpasalamat ako. Feeling ko VIP na VIP ako rito. Syempre, asawa ko may ari nito!
Nang makapasok ako sa hospital tumingin sa akin ang mga staff at employees ng hospital. May iba ring mga patiente at mga taong nasa lobby ang napatingin sa akin.
Naasiwa tuloy ako.
Bakit sila nakatingin sa akin?
May dumi ba sa mukha ko?
Oh baka naman dahil sa kolerete sa mukha ko o sa suot ko. Nag ayos kasi ako. Inilugay ko lang ang mahabang buhok ko.
Napalunok na lang ako at naglakad ng normal papunta sa elevator. Narinig ko ang pag singhap ng mga lalaking nurse sa emergency nang makita ako.
Kinabahan tuloy ako.
Feeling ko talaga may kung ano sa mukha ko. Kasi tinitigan nila ang mukha ko tapos yung suot ko.
Hindi ba bagay sa akin ang suot ko? Suot ko ay isang pulang halter top na dress na hindi lalagpas sa tuhod ko. Naka flat sandals lang ako kasi noong itrinay ko yung heels, muntik na akong madapa.
O baka naman makapal lang ang inilagay ko na make up pero sinunod ko naman yung 'natural look' na video tutorial eh...
Pumasok na lang ako sa elevator at nakita ko pa rin ang mga tao ay nakatitig sa akin. Mabilis na sinirado ko yun at pinindot ang floor ng opisina ni Enzo.
"Bakit ganoon sila?" Napatingin ako sa repleksyon ko sa harapan.
Hindi naman masama ang itsura ko ah.... Baka hindi bagay? O di kaya naman feeling ko lang na hindi masama ang itsura ko.. Gusto ko tuloy burahin ang make-up ko. Pero kasi naman naalala ko yung Sheryl na yun. Fashionista siya. Baka nandito siya at magkita kami. Gusto kong ipakita sa kanya na may ibubuga rin ako. Though ewan ko kong akin ang nga ginamit ko. Nasa closet kasi. Atsaka gusto ko rin naman na magpaganda para kay Enzo. Gusto kong makita siyang mamangha sa akin. Iniisip ko pa lang ang reaksyon niya na e-excite na ako!
Tumunog at bumukas ang pinto ng elevator na nasa floor na ako nila Enzo. 'Yung pang emergency kasi ang sinakyan ko. Ininstratkan na kasi ako ni Enzo eh papunta dito. Lumabas na ako sa elevator.
Huminga ako ng malalim. Okay! Kinabahan tuloy ako.
Kinuha ko ang telepono ko at napangiti ng makita ko ang wallpaper ko. Mukha naming dalawa yun ni Enzo. Magkayakap kami at magkadikit ang labi namin sa isa't isa. Binili namin ang teleponong 'to ng nag date kami noon at kinuha namin ang larawan to sa kwarto namin. Namula ang pisngi ko ng maalala ko ang tungkol sa larawan. Actually katatapos lamang namin na magtalik nito. Nakahubad kaming pareho pero nasa loob ng kumot ang katawan namin na hanggang leeg ko...
Bumuga na lang ako ng hangin.
Gusto ko sanang tawagin si Enzo para sabihin sa kaniya na nandito na ako sa floor niya. Pero gusto ko siyang supresahin. Napangiti na lang ako at binalik yung telepono ko doon sa bag na pinaglagyan ko ng files niya. Tumingin ulit ako sa pinto ng elevator para i check ulit ang itsura ko. Nakita kong parang hindi maayos ang sleeve ng suot kong dress.
Inayos ko iyon nang may bigla na lang lumabas na imahe ko na nakahiga sa kama at may nagbaba ng suot kong damit. Hindi si Enzo ang gumagawa noon. Nakita ko abg itsura ko. Parang naghihingi ng tulong...
Napakurap ako nang makita ko ulit ang mukha ko doon.
Ano 'yun?
Napahawak ako sa dibdib ko.
Matagal na rin ng may nangyari sa aking ganito at yun pa talaga ang naalala ko. Umiling na lang ako.
"Wala lang yun, Rosario." Kumbinsi ko sa sarili ko. Inayos ko ulit ang damit ko at ngumiti sa sarili ko sa repleksyon ko.
Naglakad na lang ako papunta sa opisina ni Enzo. Napangiti ako ng maisip akong isang ideya. Kumatok ako.
"Sino yan?" Rinig kong tanong ni Enzo.
Tumikhim ako.
"Doc, may papipirmahan ako..." iniba ko ang boses ko. Hindi agad na sumagot si Enzo.
"Tsk. Pasok!" Inis na sagot niya.
Ngumiti lang ako. Akala niya siguro na 'ako' na yung kumakatok. 'Trabahante' niya pala... Humagikhik ako ng mahina.
Dahan-dahan kong pinihit ang door knob para mabuksan ang pinto. Handa na sana akong sumigaw ng 'surprise' pagkapasok ko nang bigla na lang umulan ng petals ng rosas sa harapan ko at tumugtog ang isang kanta.
Nagulat ako sa mga nangyari at namangha sa nakita ko. Dalawang beses na ako nakapunta sa opisina ni Enzo pero ngayon, ibang-iba to noon. May mga balloon at mga bulaklak na nakapalibot doon na para bang may okasyon dito... dahan-dahang humarap ako kay Enzo. Nakasuot siya ng tuxedo hindi lab gown. Napakagwapo niya pero... Bakit may ganito?
Ang lakas ng t***k ng puso ko ng lumapit siya sa akin. Napahawak ako ng mahigpit sa dala kong bag.
Napasinghap ako nang makalapit siya sa akin. Para akong mahihimatay.
"Enzo..." tawag ko sa kanya ng mahanap ko na ang boses ko. Hinawakan niya ang kamay ko gamit ang kanang kamay niya at yung isa naman ay kinuha yung dala ko. Inilagay ni Enzo ang dala ko at inilagay sa gilid pagkatapos ay dinala ako doon sa gitna ng circle na gawa sa petals ng rosas. Para akong nahipnitismo sa ginawa niya. Nakatitig lang ako sa mga mata niya.
Hinawakan niya ang bewang ko at ginaya ang kamay ko sa leeg niya. Bigla niya akong sinayaw saliw sa musikang pinatugtog niya.
Nadadala ako sa mga galaw niya. para siyang isang guro na tinuturuan ako sa dapat gawin. Nakatitig lang ako sa mga mata ni Enzo habang nagsasayaw kami.
Para akong nasa fairytail ngayon. Ako yung prinsesa habang sinasayaw ng prince charming ko.
Gusto kong maiyak dahil sa ginagawa ni Enzo sa akin ngayon. Sobra na to.
Napakaswerte ko. Hindi ko mabilang kung ilang beses ko na nasabi to. Pero ngayon mas lalo kong napatunayan na napakaswerte ko. Napakaswerte ko kay Enzo. Mahal na mahal niya ako. Kahit hindi ko siya maalala.
Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib ni Enzo habang nagsasayaw kami.
Kaya kahit na hindi ko maalala si Enzo, o ang buhay na meron kami noon, hindi ko mapigilan na mahulog ang loob ko sa kanya. Kaya hindi ako nagtataka kong bakit minahal ko si Enzo noon at bakit pinakasalan ko siya ng maaga. Kasi kong sa kaunting panahon nga lang, minahal ko siya noon pa kaya. Mahal ko si Enzo. Mahal na mahal. Hindi ko alam ang gagawin ko kong mawawala siya.
Tumigil na ang musika kaya tumigil na rin siya sa pagsasayaw. Tapos na? Gusto ko pa sana.... pero pang may iba pang gagawin si Enzo.
"So ito pala ang rason mo kaya gusto mo akong papuntahin rito?" tanong ko.
Tumawa siya ng mahina. Bakit ganoon, napakalalaki ng tawa niya? Mas lalo siyang gumagwapo sa paningin at pandinig ko.
"That..." sabi niya. Yumuko siya at naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Halos mapaiyak ako ng makita ko ang mga mata niyang puno ng pagmamahal sa akin. Ano ba ang ginawa kong mabuti para mahalin ako ng lalaking 'to ng ganito? "And this..." puno ng emosyon ang mga mata ng sabihin niya yun... Marahan niya inalis ang kamay kong nakapulupot sa leeg niya at kumalas sa akin.
May kinuha siya sa bulsa niya. Napasinghap at nanlaki ang mata ko nang makita ko kung ano ang kinuha niya.
"Enzo..." namuo ang mga luha sa mga mata ko. Totoo ba to?
Dahan-dahan niyang iniluhod ang isang tuhod niya. Nag angat siya ng tingin sa akin habang nakalahad ang kanang kamay niyang may hawak na maliit na kahon.
"Maraming nangyari sa ating dalawa, mahal. At ang gusto magsimula ulit tayo... at ito lang ang naisip ko..." binuksan ni Enzo ang kahon at nakita ko ang isang simple ngunit eleganteng singsing na nandoon. "Will you marry me, again?" Tanong niya. Halata sa itsura niya ang pagkakaba. "This time, naalala mo ako..."
"Enzo..." nakagat ko ang labi ko. Parang hinahalukay ang loob ko dahil sa halo-halong emosyon. Hindi ko napigilang tumulo ang luha ko.
"Enzo, hindi ko maalala ang nakaraan natin pero ngayon." Biglang bumara ang lalamunan ko pero kahit na ganoon pinagpatuloy ko pa rin ang gusto kong sabihin. Sasabog yata ako kapag hindi ko kapag inilabas to. "Kahit wala 'yun, gusto kong sabihin sa 'yo na mahal kita at oo..." hinawakan ko ang pisngi niya gamit ang dalawa kong kamay. "Pakakasalan ulit kita..." nakangiting sagot ko.
Tumulo ang mga luha sa mga mata ni Enzo at sumigaw ng yes! Mabilis na tumayo siya at sinuot sa akin ang singsing na hawak niya.
"Mahal na mahal kita, Rosario." Puno ng pagmamahal na sabi niya at hinalikan ako sa labi. "Hinding-hindi ko alam ang mangayayri sa akin kapag nawala ka sa buhay ko..." bulong niya at yinakap ako ng mahigpit. Yinakap ko rin siya...
Ganoon din ako Enzo.