Simula ng malaman ni Margaux ang tungkol sa relasyon nina Hunter at ng kaniyang Ate Rebecca ay hindi na siya naglalagi ng bahay dahil mas madalas na nagkikita ang mga ito sa bahay nila.Hindi niya alam kung nanadya ba si Hunter dahil maaari naman nitong e-date ang kaniyang Ate sa labas. Para hindi siya masaktan ay siya na lamang ang umaalis ng bahay huwag lang makitang magkasama ang dalawa na makitang naghaharutan at naglalambingan. Nakita niya mula sa kaniyang kwarto ang nakaparadang kotse ni Hunter ng umagang iyun pagmulat pa lamang ng kaniyang mga mata kaya awtomatikong naligo siya kaagad at hindi na nag-abala pang bumaba ng kusina para magbreakfast. "Aalis na naman kayo,Senyorita?"tanong ni Pacita. Nagtataka na talaga siya dito sa kaniyang amo dahil dati-rati naman ay bihira lamang

