Kabanata Isa

1000 Words
"Manang..."dumadagundong sa loob ng kabahayan ang malakas na sigaw ni Margaux ng hapon iyun,..nakatapis lamang ng tuwalya habang paikot-ikot ito sa loob ng kwarto,naligo lamang siya paglabas niya ng banyo ay nawala na kaagad ang damit na kaniyang inihanda na susuutin..mas inuuna kasi niya ang pumili na muna ng damit na susuutin bago siya maligo sapagkat ayaw niyang pagkatapos maligo saka pa lamang maghahalungkat ng damit na maisusuot dahil nauubos ang kaniyang oras sa pagpili ng damit na maisusuot.. "Margaux.."natatarantanang wika ni Manang Lydia..mainit na naman ang ulo ng kaniyang alaga. Tanging si manang Lydia lamang ang nakakatawag sa dalaga sa pangalan nito. Sa araw-araw ay bihira lamang na hindi ito nakasigaw,lalo na kapag mainit ang ulo nito ay damay silang lahat ng nasa bahay..kaya naman halos hindi magpakita sa dalaga ang mga kasambahay tanging si Manang Lydia lamang ang medyo may lakas ng loob na harapin ito lalo na kapag galit ang dalaga..walang nangangahas na lumapit dito. "Nasaan yung damit na nakalapag dito sa aking kama?"halata ang pagkairitang tanong ni Margaux..sino ba naman ang hindi maiirita na ipinatong lamang niya sa kama ang kaniyang damit paglabas niya ay wala na.. "eh..kinuha ko na kanina inilagay ko na sa laundry basket at maglalaba si Lila ngayon." "Ano?"bulalas ni Margaux na lalong nadagdagan ang naramdaman pagkairita..kahit talaga ito si manang wala ng ginawang tama para sa kaniya kundi puro kapalpakan nalang..kung pupuwede nga lang nga na sisantehin niya ito ay kaniya ng ginawa..subalit hindi naman ganuon kaitim ang kaniyang budhi para ang isang katulad ni Manang ay kaniyang patulan lalo at iba ang trato dito ng kaaiyang Papa at Ate hindi na nito itinuturing na iba si manang Lydia,kahit naman siya ay ganuon din ngunit minsan ay nakakaubos rin ng pasensya..Katulad ngayon,sino ba ang matutuwa na ilagay sa labahin ang kaniyang damit na susuutin. "Bakit ho?"tanong pa nito kay Margaux. "Naku naman,Manang,hindi mo man lang ako tinanong,gagamitin ko yun ngayon,yun ang susuutin ko."singhal ni Margaux.. Napayuko naman si Manang Lydia,galit na ang kaniyang amo..malay ba naman niya na hindi iyun madumi.,ay kalat-kalat naman ang mga damit nito..pinupulot pa niya isa-isa..kahit lumaki ito sa kaniya ay nahirapan pa rin siya na kunin ang loob ni Margaux dahil mailap ito,madalas ay nakakulong lamang sa kuwarto..kaya naman hindi rin niya masyadong napagtuunan ng pansen ito habang lumalaki,pero mabuti na lamang kahit ganuon ito kasungit at minsan ay masakit magsalita ganun pa man ay hindi pa rin ito kasing sama katulad ng iba at naiintindihan naman niya si Margaux.lumaki itong hindi nakagisnan ang ina,hindi man lamang nito naranasan ang tunnan na pagkalinga ng isang ina,isa pa si Don Facundo ay masyadong abala noon sa negosyo kahit pa sabihing mahal nito si Margaux at hindi naman pinapabayaan ay iba pa rin Yung may pag-aaruga..kaya siguro lumaking mainitin ang ulo nito kaya naman lahit masigawan siya nito ay pilit na inuunawa na lamang niya ito. "Pasensya na,a-akala ko ho kasi madumi,nasanay na ho kasi ako na pagkukuha ako ng mga labahın nyo kung..kung saan -saan ko pinupulot."ani Manang Lydia na hindi nangiming sabihin iyun kay Margaux "What?"napatampal ng kaniyang noo si Margaux,mauubusan talaga siya ng dugo dito kay Manang.At talagang pinagsabihan pa siya nito..So,para bang pinapalabas nito na kasalanan pa niya dahil kalat-kalat ang kaniyang damit..hindi ba ito marunong tumingin kung labahin o hindi..Hays!"Sige na,you can go.."pigil na pigil ang galit na pagtataboy niya sa kasambahay. Si Margaux kasi ay may pagkamasungit hindi katulad ng kapatid nito na si Rebecca na ubod naman ng bait ,magkasalungat ang ugali ng magkapatid,maraming pagkakaiba ang mga ito..ngunit mas kapuri-puri ng mga kasambahay si Rebecca kumpara kay Margaux .. Lumaki kasi na nasusunod ang lahat ng gusto ni Margaux ika nga ấy what she want,is what she get..Palibhasang bunting anak at malayo pa ang agnat nita at ni Rebecca siguro ay nasa sampling taon ang layo ng edad ng mga ito sa isa,t-isa kaya naman kung mapapansin din ng karamihan ay hindi masyadong close ang dalawa..bibihira lamang makita na magkasama o nag-uusap ang mga ito..Si Rebecca kasi ay abala palagi sa trabaho minsan halos gabi na ito kung umuwi,wala ng panahon pa para makipag-usap dahil dumidiretso na ito kaagad sa kuwarto nito upang mamahinga,ganun din naman ang ama ng mga ito na si Don Facundo,bukod tanging si Margaux lamang ang kadalasan na naiiwan sa bahay kasama ang mga kasambahay,kaya naman minsan ay nililibang na lamang nito ang sarili sa pagliliwaliw kasama ang mga kaibigan.Nasanay na rin naman si Margaux sa ganuon sitwasyon,hindi naman siya naghahanap ng atensyon sa kapatid at sa kaniyang ama dahil nauunawaan naman niya ang mga ito...Sino ba siya para magtampo gayung lahat naman ng gustuhin niya ay nasusunod,kaya okay na rin siya sa ganitong sitwasyon nila.. Walang nagawa na pumili na lamang siya ng ibang masusuot,anu pa nga ba ang kaniyang magagawa..naku talaga!saan ba napulot ng kaaiyang Papa si Manang Lydia,dahil pagmulat pa lamang ata niya ng mga mata noong bata pa siya ay nasa kanila na si Manang Lydia..kaya naman matagal na talaga itong naninilbihan sa kanila,higit pa ata sa kaniyang edad.. Simula ng ipanganak siya ay isa na ito sa humalele sa canina hanggang sa kaniyang pahlavi kaya naman hindi rin naman niya ito matiis kahit gusto na niyang magalit rito dahil malaki rin ang utana na loob niya rito..Namatay kasi ang kaniyang ina dahil sa panganganak sa kaniya at sabi ng kaniyang Papa ay isa si Manang Lydia sa mga nag-alaga sa kaniya maliban sa kaniyang yaya noon,maybe when she was in grade six ng magpaalam ang kaniyang yaya na aalis na ito at uuwi na sa province nito..kaya si Manang Lydia na ang palaging nag-aasikaso sa kaniya at naapreciate naman niya ang mga ginagawa nito kahit na minsan ay puro kapalpakan ang nagagawa nito..pero dati ay hindi naman ganuon si Manang Lydia,ngayon ay napakamatarantahin na ito at yun nga may mga araw na nakakagawa ito ng kapalpakan or siguro hindi naman palpak baka mali-mali lang ito dahil baka nakakalimutan minsan,kaya dapat pagdating kay Manang Lydia ay mahabang pasensya talaga dapat ang kaniyang gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD