"Are you okay?"nag-aalalang tanong ni Beatrice sa kaniyang kaibigan..
Sinundan na lamang niya ang kaibigan sa kotse nito ng tumakbo ito papalayo kanina sa lalakeng nabunggo nito.
"Yeah!"pilit ang ngiting ibinigay ni Margaux..
Hindi naman siya gaanong apektado sa nangyari medyo napahiya lang siya sa ibang tao na nakarinig ng pagsabihan siya ng lalakeng iyun na tatanga-tanga..
For the first time kasi ay may taong nagsabi sa kaniya ng salitang iyun ng harap-harapan at aaminin niyang hindi talaga siya nakapiyok o naipagtanggol man lang ang kaniyang sarili..Nabigla din naman kasi talaga siya at saka hindi niya inaasahan na makakarinig ng ganuong salita sa isang lalake..napaka-ungentleman naman nito..hindi ito ang klaseng lalake na inaakala niya sa unang pagkakakita niya rito..
Pero bakit ganun?bakit kahit napagsalitaan siya nito ng hindi maganda ay imbes na mainis o magalit siya sa lalake ay hindi siya nakaramdam,basta ang alam niya nasaktan siya sa sinabi nito pero hindi niya magawang magalit.
Hindi katulad sa palakang saleslady kanina na grabe ang inis na kaniyang naramdaman pero bakit dun sa lalakeng iyun..hindi niya maramdaman ang inis na kung tutuusin ay mas higit pa ang ginawa nito kaysa kay saleslady...pero bakit?
Pangalawang beses pa lamang niya nakita ang lalakeng iyun pero pakiramdam niya ay nagbigay na talaga iyun sa kaniya ng kaunting espasyo sa kaniyang puso..sa unang kita pa lamang talaga niya ay iba na ang kaniyang naramdaman...at mas higit na nakumpirma niya ito ngayon sa pangalawang pagkakataon ng muli niya itong makita .Sa unang pagkakita pa lamang talaga niya sa lalakeng iyun ay sa kaniyang palagay ay na love at sight na talaga siya..kaya siguro hindi niya magawang mainis rito kahit pa tinanga-tanga na siya nito kanina.
"Sobra naman ang lalakeng iyun!akala mo naman gwapo.."may pangigigil na wika ni Beatrice...
Natawa siya..nakuha nito ang linyahan ni saleslady.
"Para kang si Palakang Saleslady..gwapo naman talaga yung guy."
"Huh?"
Nagulat ito sa kaniyang reaksyon..akala siguro nito ay sasabayan niya sa inis na naramdaman nito sa lalake..
"A .anong sinabi mo?gwapo yung guy?after kang pagsabihan ng tatanga-tanga,gwapo pa rin sayo ."
Nandidilat ang mga mata nito..hindi makapaniwalang kalmado lang ang kaibigan gayung kani-,kanina lang ay halos pumutok ang butse nito habang kinukuwento sa kaniya ang nangyari kanina sa pagitan nito at ang saleslady pero ngayon ang nangyari kanina sa pagitan nito at ng lalake wala man lang itong ginawa na pagtatanggol sa sarili..hindi man lang nito binusalsalan ang bibig gayung ipinahiya na nito ang kaibigan..dahil ba gwapo ito?kaya tumiklop na lang ang tuhod ng kaniyang kaibigan at tumakbo na lang palayo..
"Hindi ka naman bulag hindi ba?kahit ikaw makakapagsabi na gwapo siya.."
"Oo!gwapo pero minus 100 points ang kagwapuhan niya sa inasal niya kanina..nagawa niyang magpahiya ng isang babae...at ikaw yun?ikaw ang babaeng iyun."nanggigigil na wika ni Beatrice.
"Hayaan muna.."
"Hayaan"bulalas nito na halos mapasukan na ng buong holen ang panlalaki ng butas ng ilong nito."nilalagnat ka ba?"anito na hinipo pa ang noo ng kaibigan.
"Hindi..anu ka ba?"
"Wow huh!yung tinanga-tanga ka na,ganyan ka pa rin kakalmado?"
"Sige..ulit-ulitin mo pa ang salitang iyan.."
"Paano ikaw lang yung pinagsabihan ng hindi maganda ng...ng lalakeng iyun..tapos hayaan lang saiyo,bakit?po..porke gwapo..pinalampas muna."
Marahas na napabuntong-hininga si Margaux.
"Na-love at first sight ata ako.."pag-aamin niya sa kaibigan..
"A..ano?"gulilat na tanong nito hindi lang ilong ang nanlaki kundi pati mata nito.."a-anong sinabi mo?pakiulit nga?"anito na inilapit pa ng bahagya ang tenga sa kaibigan.
"I said,na love at first sight ako..bingi ka ba?"
"Hindi ako bingi,gusto ko lang masiguro na tama ang pagkakarinig ko,Na love at first sight ka?"
Tumango si Margaux..
"Kanino?..Oh!oh!.. huwag mong sabihin sa akin na yung guy ang tinutukoy mo?"
"Siya nga.."
"Whaat?"
Halos mapasa ang eardrum ni Margaux sa lakas ng "whaat" nito...yung hitsura nito na akala mo ay nalugi sa itinayong negosyo.
"Ano ba naman?"reklamo niya.."kung makasigaw ka akala mo ang layo-layo ko.."
"Sino ang hindi mapapasigaw,Na-love at first sight ka sa lalakeng iyun na saglit na saglit mo lang nakita..hindi pa nga ata umabot ng kinse minutos mo siyang nakita,.na-love at first sight ka pa talaga huh!after niyang harap-harapan kang tangahin..Wow!"bulalas ni Beatrice na hindi makapaniwala.
Iba din naman ma-love at first sight itong kaibigan niya eh!dun pa sa lalakeng napaka-ungentleman.
"Hi..hindi ko lang siya ngayon unang nakita...Nakita ko siya nung una sa bahay..."
"Teka!"itinaas ni Beatrice ang dalawang kamay.."what do you mean?"
" Siya yung guy na ipinakilala sa akin ni Papa noong isang araw.".
"A..at doon pa lang na-love at first sight ka na?ganun ba?"
"Ye..yes!".
"Ayun! kaya naman pala..tanggap mo kahit pagsalitaan ka ng hindi maganda..Ang galeeeng mo din ano."anitong napangiwi."Okay lang sayo na tanga-tangahin dahil lang na-love at first sight ka..dun pa sa lalakeng walang respeto sa babae."
"Hindi ko alam,nasaktan ako na pinagsabihan niya akong tatanga-tanga pero hindi ko magawang magalit sa kaniya eh!"
"Ay"Umiikot ang eyeball ni Beatrice na pumalakpak pa..at tila nang-aasar."love at first sight nga..Gumising ka nga..."
"I'm not joking..ngayon ko lang...ngayon ko lang naconfirm akala ko wala lang...pe.pero ngayon..iba yung kabog ng dibdib ko ng muli ko siyang makita.."
"Ewan ko sayo huh!hindi ako agree sa sinasabi mo..Look!hindi naman masama kung na love at first sight ka,pero dun sa lalakeng iyun...Naku!huwag na..ngayon pa lang pigilin muna yang sarili mo."
"Why?"
"Anong why?"ani Beatrice na nakakaramdaman na ng tuluyan pagkainis sa kaniyang kaibigan."Saka di mo naman yun kilala di mo nga alam kung magkikita pa ba kayo."
"Kilala sya ni Papa.."giit nito.
"Ah ganun?"nandidilat na talaga ang mga mata ni beatrice.."So,what do you mean by that, searching for that man?"
"Pwede naman.."aniyang napangiti."madali lang naman kung gugustuhin kong malaman about him."
"Ay tanga ka talaga.."napakagat labi si Beatrice.
Ang sarap batukan nitong kaibigan niya..bulag ba ito?o manhid?after ng nangyari nagawa pa rin nitong kiligin sa lalakeng iyun..naku!tanga talaga!Umikot ang eyeball nito.
"Tanga talaga?".
"Bakit ano gusto mo itawag sayo?after na ipahiya ka ng lalakeng iyun,aber?"
"Hindi ba pwedeng na-love at first sight ako sa kaniya,kasi bakit ganito imbes na magalit ako sa kaniya pakiramdam ko mas gusto ko nalang ulit siyang makita."
"Oh my!"natampal ni Maribel ang kaniyang noo..
Bahala nga ito.