Hindi ba siya namamalikmata lang,if she's not mistaken, he's that guy, who his Papa was talking to just the other day.
And he has a companion na sa hinuha niya ay hindi nalalayo ang edad sa kaniya, and the girl is beautiful huh!at kung makapulupot naman ito sa braso ng lalake,akala mo ay makakawala ito.
Napaismid pa siya ng marinig itong tinawag ng lalake na 'babe'..hmmmp..sa katitingin niya sa dalawa ay hindi tuloy niya nakita ang mga damit na nakahanger na hindi naman nakaharang kaya lang ay kaniyang nabanggaan..sa kaniyang dinaraanan,tuloy ay nahulog ang ilang pirasong damit na mga nakahanger na nagsanhi ng ingay at nagbigay atensyon sa iilang tao na nanduon sa botique...kasama na ang lalake na kanina pa niya sinusundan ng tingin kaya nabunggo niye ang mga damit.
"Sa susunod naman,Miss..titingnan mo ang dinadaanan mo."
"Na .nakaharang kasi ."aniya na nagtaray na lamang upang mapagtakpan ang pagkapahiya lalo na at lumingon ang lalake.
"Hindi ho iyan nakaharang,sadyang hindi lamang kayo tumitingin sa dinadaanan nyo..mababali na kasi ang leeg nyo sa kalilingon."patutsada ng saleslady kay Margaux.
"Aba't"pinandilatan ng mga mata ni Margaux ang matabil na saleslady..Ang sarap hilahin ng dila nito saka tadtarin ng pinong-pino para hindi na makapagsalita.."Hoy!..hindi ko lang talaga nakita yan huh!"
"Paano nga panay ang lingon ninyo,paano nyo makikita.."
Aba't halos manlaki ang butas ng ilong ni Margaux.. talagang tinitira siya ng saleslady na ito ah!nakakapika na.. gustong-gusto na niyang sabunutan ang matabil na babaeng kaharap niya..kung hindi nga lamang talaga maglilikha ng eksena sa loob ng botique ay kanina pa niya binusalan ang bibig ng babaeng ito...hindi niya alam kung sadyang matabil lang talaga ito or sinasadya lang talaga nito upang mapahiya siya makaagaw sila ng pansin sa mga taong naroroon.. may napapalingon na rin nga dahil sa katabilan nito..na talaga naman nilalakasan pa ang boses para makaabot sa pandinig ng ibang tao..
Itinaas ni Margaux ang isang kamay...ayaw niya ng gulo at mas lalong ayaw niya gumawa ng eksena dahil baka makarating na naman ito sa kaniyang Papa..lalo na at nakatingin pa rin ang guy sa kanila...mukhang nag-uusyoso rin..huh!may pagkatsismoso rin pala ang lalakeng ito.
"Okay!Fine..".
"So,ganun nalang yun,Miss..nakikita mo ba yang mga damit na nagkalat sa sahig..ako ang pupulot nyan at ibabalik sa tamang ayos na pagkakasabit..".
Napaangat ng kilay si Margaux..Ay naku!sarap pisain ng babaeng ito at lamukusin ang bibig,hindi talaga niya kinakaya ang power ng saleslady,nagpapansin ba talaga ito?Kasi talagang kinukuha nito na maagaw ang atensyon ng iba eh!
Aba!gawain naman talaga nito ang ayusin ang pwesto nito...hindi naman niya sinasadya na mabangga ang mga damit at mahulog..
"So,anong gusto mo..ako ang gumawa niyan?"
"Hindi ba ikaw ang may kagagawan niyan kung bakit nahulog ang mga damit na iyan.."
"Oh!eh!anong ginagawa mo ay di pulutin muna ,tutal trabaho mo naman yan di ba?tsaka kaya ka nga nakatayo diyan para kapag may nakita ka na dapat ayusin...ayusin mo..yan ang trabaho mo hindi ba?"napipika ng turan ni Margaux..
Natigilan naman ito ng bahagya saka patalikod na umismid kay Margaux."hindi naman maganda."
Napakagat labi si Margaux..matindi ang pagpipigil na huwag mapatulan ang saleslady..Bakit sinabi ba niyang maganda siya?kung hilahin kaya niya00 ang buhok nito at pagtabihin ang kanilang mukha...Kung makapagsalita ito na hindi siya maganda,akala mo naman maganda ito ..baka limang ligo ang kulang nito para mapantayan ang ganda niya..Yes!She has strong confidence in herself that she is beautiful..The mirror does not lie, she faces the mirror every day and can say that she is beautiful just like others who admire her beauty..Ito lang naman saleslady ang nagsabing hindi siya maganda..siguro insecure sa beauty nya kaya ganun na lang ito kung makapagsalita sa kaniya..
Kung hindi nga lamang niya iniisip na baka makarating na naman ito sa kaniyang ama ay kanina pa niya pinatahimik ang bibig ng saleslady na ito.Naku naman !nakakapanggigil talaga..magpasalamat itong saleslady na ito dahil nagawa pa rin niyang magtimpi..dahil kung hindi talaga baka kinabukasan wala na itong trabaho,gagawin talaga niya ang lahat upang matanggal lamang ito..pero mabuti na lang at hindi siya ganuon kasama para idamay ang trabaho nito...pero paano na lang kung palagi nalang nitong gagawin sa mga customer ang pagiging matabil nito..di ba sabi nga customer is always right!pero hindi uso sa saleslady nito ang ganuon motto.Well,sa kabilang banda nakakabilib din naman ang tapang nito at ipaglaban ang side nito but sa maganda at mahinahon sana,hindi yung gusto lang nitong agawin ang pansin ng iba para magpapansin o ipahiya siya...
Humingi na nga siya ng tawad eh!pero hindi pa rin nito pinansin at pinaggiitan pa rin ang kaniyang nagawa..Mabuti na lang kung sinadya niya,eh!hindi naman..kaya lang nakakapika ang sarap patulan.
Magkasalubong ang mga kilay na kinuha ang phone sa kaniyang bag.
Isa pa ang kaibigan niyang ito kung kanina pa siya nito sinipot ay di sana hindi siguro mangyayari na magkakasagutan sila ng saleslady na yun..
"Where are you na ba?"may pagkayamot na tanong niya sa kaibigan ng tawagan niya ito."bilisan mo."sabay end call.
Kanina pa kasi niya hinihintay ang kaibigan ngunit magdadalawang oras na siyang paikot-ikot sa loob ng mall ngunit kahit tuktok man lang ng bumbunan nito ay hindi pa niya nakikita..pero kanina pa ang text nito na "on the way"but until now naman ay wala pa..
"Beshie.."
Tili ni Beatrice na may pakaway-kaway pa ng kamay habang tumatakbo papalapit sa kaniya.
"Mabuti naman dumating ka na?"
"Sorry na.."hagikhik nito.."ayusin muna iyang kilay mo nagmumukha kang si Miss Menchin.."pagbibiro nito.
"Ang tagal mo.,,balak mo pa atan mamuti ang mga mata ko sa paghihintay sayo."
"Matraffic kasi.."
"Eh!di sana sinabi mo hindi yang puro ka on the way.."
Panay ang tawa nito ng ikuwento niya ang pangyayari kanina habang hinihintay ito..halos hindi na nito makain ang pagkain nasa harapan sa katatawa..
"Tawang-tawa ka pa talaga!"
"Eh!kasi naman natatawa talaga ako dun sa linyahan ng saleslady na "hindi ka naman maganda."
"Ang lakas ng loob na pagsabihan ako ng ganun,siya nga mukhang palaka.."
"Palaka talaga.."
At magkapanabay na napabunghalit ng tawa ang magkaibigan...
Dahil sa pagkainis sa saleslady ay nawala na ang isip ni Margaux kay Hunter..