Kung kinakailangan ni Blake na i-blackmail ang ama upang tulungan siya sa kanyang balakin ay gagawin niya, wala na siyang ibang naiisip upang pigilan ang pa ang napipintong pagpapakasal ni Lily kay Clint. "Hello, Blake, anak, mabuti namaj at naisipan mong—" putol na wika ng ama sa kabilang linya. "Papa, tumawag ako kasi gusto kong makipag-deal sa 'yo," deretsahang wika ni Blake sa ama. "Deal? What deal is that, ayaw mo ngang umuwi rito at ako na—" putol namang wika ng ama nang sumabad siya. "Papa, kailangan ko ng mga tauhan mo, kapag nagtagumpay ako sa gagawin namin, sige, papayag akong tatakbo bilang gobernador ng bayan," bulalas ni Blake sa ama. Bahagyang natigilan ang kanyang ama sa kanyang sinabi. "Bakit, ano bang balak mong gawin?" usisa nito. Nalito ang isipan kung sasabihin ba

