Chapter 4:

1528 Words
Matamis ang ngiti kong pumasok sa opisina kinabukasan, masaya ako dahil ramdam kong lumalalim na ang relasyon namin ni Blake, sa tuwing makakasalubong ko ang papa niya ay parang gusto kong sabihin dito ang namumuo naming relasyon ng anak nito pero ayaw kong pangunahan desisyon ni Blake. "Miss Dela Cruz, kanina ka pa nakatulala diyan, ano na, nasaan na 'yong pinapakuha ko sa 'yo?" malakas na tinig ni Miss Linda. "Ha? Naku, oo nga pala," anang ko sabay tapik sa noo na kinataas ng kilay ni Miss Linda sa 'kin. "Aba, kung lagi kang lutang ay maghanap ka na lang ng ibang trabaho," saad pa nito. "Ay, grabe ka naman, Miss Linda, alam mo namang mahirap maghanap ng trabaho ngayon tapos paghahanapin mo ako ng ibang trabaho," angil ko sabay bigay nang matamis na ngiti rito. "Kaya ayos-ayusin mo ang trabaho mo, heto, dalhin mo ito sa opisina ni Gov. Salazar, saka mo daanan ang pinapakuha ko, huwag mong kakalimutan," palatak nitong utos. Agad na akong tumalima dahil mahirap mawalan ng trabaho sa ngayon dahil nag-aaral pa ang dalawa kong nakakabatang kapatid. Mabilis akong nagtungo sa opisina ni gob at agad naman akong inasikaso ng sekretary nito papasok sa opisina nito. Habang nakatunghay sa abalang gobernador ay tila gusto kong sabihing nanliligaw sa 'kin ang anak nito. Nangangati na ang dila ko na magsalita nang bigla ay pumasok si Blake. "Gob," paunang wika ko pa habang bumuwelo pero nawala ang lahat nang balak kong sabihin nang pumasok roon ang anak nito. "Ano 'yon, Lily, may sasabihin ka ba?" untag nito sabay tingin sa 'kin. Mas lalong naumid ang dila ko sa antisipasyong nararamdaman sa sandaling 'yon. "Lily," untag nito. "Ha, a, pinapabigay po pala ni Miss Linda," mabilis kong wika sabay abot sa folder na hawak ko. "Okay, salamat," tipid na tugon nito sabay balik ng tingin sa ginagawa sa desk nito na tila hindi napansin ang pagdating ng anak nito dahil hindi man lang nagawang tapunan ng tingin. Ngumiti ako kay Blake saka lumabas ngunit sumunod ito. Seryoso at pormal ang mukha kaya hindi na ako kumibo at tumango na lamang sa sinabi nito. "Magkita tayo, sa dati, mamaya," anito saka bumalik sa opisina ng ama. Gusto kong mainis pero kanino? Naiinis ako sa sitwasyon namin ni Blake pero hindi ko naman masabi sa kanya kaya isang desisyon na rin ang naisip kong gawin. *** "Babe, nakakapagod na ito. Why not tell to your parents about us?" malambing na saad ko kay Blake pagkapasok nito sa motel room na nagsisilbing tagpuan namin. Niyakap niya lang ako at muling kinintalan ng halik sa labi. "Babe naman, eh," inis kong iwas sa mga halik nito dahil tila nililigaw nito ang usapan namin. Hindi ko pa rin kasi ma-gets kung bakit itinatago pa namin sa magulang niya ang tungkol sa amin. Nakaramdam tuloy ako ng insecurities, dahil ba sa mahirap lang ako kaya ayaw niyang ipaalam sa mga ito ang relasyon namin o dahil may iba pang dahilan. "Nagtatampo ka ba, babe?" tanong nito. Bumusangot at nag-inis-inisan ako, lumayo ako sa kanya upang iparamdam dito na seryoso na ako. Napansin kong napabuntong-hininga si Blake saka tumitig sa 'kin, tila tinatantiya ang damdamin nito sa 'kin. Nakaramdam muli ako ng takot na baka ginagamit lang niya ako o masyado lang akong nabulag sa kanya at ako lang ang umasa na mayroon kami ngunit wala pala. Kiniliti niya ako saka hinalik-halikan sa aking batok, gaya ng mga naunang pagtatagpo namin ay muli akong nadarang sa init ng kanyang ginagawang paghalik at haplos. Ang pagtatampo ko tuloy ay nauwi sa aming paglalaro sa apoy. Maiinit ang labing tumitikim sa bawat sulok ng aking katawan, ang haplos nitong nagliliyab ang mas lalong nagpapasabik sa akin sa kanya, nawala tuloy sa isipan ko ang inuungot ko sa kanya. "Uhmmm!" ungol nito nang gumanti ako ng haplos, hinuli ang natigas nitong armas at pinisil-pisil sabay taas-baba ng aking palad. "Oh, babe," 'di mapigilang usal nito. "Na-miss kita," saad pa nito. "Ikaw rin, babe, miss na miss ko ang mga halik at haplos mo, kahit galing lang tayo kahapon," hibang na usal ko habang patuloy ito sa ginagawang pagpapaligaya sa 'kin kahit nilalaro rin nito ang naglalawa ko na namang hiyas. "Oh my God, babe," ani ko nang paramdaman ko ang paghipo nito sa aking hiwa. Nakakakiliti at nagpapainit lalo sa aking kaibuturan, para akong nagliliyab sa apoy sa init ng sensasyong nabubuhay sa aking kailaliman. "Babe," singhap ko pa nang makuha nito ang kiliti ko sa aking hiyas. "Basang-basa na, babe," usal pa nito sa aking punong-tainga na mas lalong nagpakiliti sa 'kin. "Babe, nakikiliti ako," angil ko dahil hindi mapaglabanan ang sarap ng paglalaro ng daliri ni Blake sa aking hiwa. Tumawa tuloy si Blake. "Babe, may kiliti ka pa rin ba dito kahit ilang ulit ko nang nahawakan at nadila—" putol na wika sabay tapat sa mukha nito sa aking hiyas. "Babe!" gulat na sambit ko nang biglang dinilaan nito ang namamasa kong hiwa. Napakapit ako sa head rest ng kamang kinahihigahan namin. "Uhmmm!" ungol ko nang maging mas malikot pa ang dila ni Blake. Hindi ko alam kung bakit sarap na sarap ako sa ginagawa nito sa aking katawan, puro ungol ang tangi kong nagawa sa bawat sipsip nito sa aking kaselanan. "Blake," tawag ko sa kanya. Unti-unti kong inilagay ang mga kamay kong nakahawak sa head rest ng kama sa ulo nito na tila tinidiin pa ang pagkain nito sa aking hiyas. Hindi umimik ito at patuloy sa ginagawang pagpapaligaya sa 'kin, halos manginig ang katawan ko sa tuwing makukuha nito ang kiliti ng aking p********e. "Ohhh!" mahaba at malakas kong ungol. Sinipsip at hinigop nito ang katas na lumabas sa 'kin, tila wala itong kapaguran sa ginagawa nito. Habang ako ay halinghing nang halinghing sa sarap at hindi malaman kung saan ibabaling ang aking ulo. Matapos ang pagpapaligaya sa 'kin ay tumapat ito sa 'king mukha ang mukha nito at ngumiti sa 'kin. Alam ko na ang nais nito, siya naman ang paligayahin ko. Agad ko namang pinadausdos ang aking halik sa katawan nito gaya ng ginawa nito sa 'kin ay walang kapaguran kong isinubo ang mahaba nitong armas. Rinig ko rin ang ungol nito at hawak niya ang aking ulo na tila ba iginigiya kung ano ang gagawin ko. Taas-baba ang aking labi at halos umabot ang armas nito sa aking lalamunan, mas lalo kong pinagbuti ang pagkain sa hotdog nito upang mas lalo siyang mabaliw sa 'kin. "Ohhh!" panay-panay nitong ungol sa kawalan. Mabilis niya akong sinenyasang tumayo na ginawa ko naman. "You're so hot, babe," anito saka nito pinagsawaang panuurin ang aking katawan. Ang namimintog kong dibdib at ang magandang hubog ng aking katawan na kinababaliwan nito. Punong-puno ng paghanga sa mukha nito bagay na kinakatuwa ko naman. Matapos noon ay muli ko siyang hinalikan sa dibdib nito pababa sa pusod nito saka hinuli ang nakatayo nitong cobra. Mainit iyon, kasing alab ng aking labi, muling isinubo ang dulo saka dinilaan pababa ang katawan nito. Hindi tuloy nito napigilang mapaungol nang sakupin ng labi ko ang namimintog nitong p*********i. Paulit-ulit, taas-baba ang aking ginawa, nandiyan ang napapahawak pa sa aking ulo dahil sa sobrang sarap na dulot noon. Muli itong nagpakawala ng mahabang ungol na hudyat na naabot na naman nito ang rurok ng kaligayahan. Naging mas maalab pa ang mga sumunod na nangyari sa amin ng gabing iyon. Pinaramdaman namin sa isa't isa ang pagmamahalan at pananabik namin na hindi magawa kapag may taong nakapalibot sa amin, muli tuloy nanumbalik sa aking isipan ang tungkol sa iniuungot ko kay Blake. Agad akong nawalan ng gana at lumayo sa kanya, bagay na nahalata nito. "Hey, babe, is there something wrong?" anito na tila nabitin sa ere. "Tapatin mo nga ako, kaya ba ayaw mo akong ipakilala sa magulang mo ay dahil mahirap lang ako?" bulalas kong tanong dito. "What?" bulalas nitong wika. "Bakit mo naman naisip 'yan, you knew dad, hindi matapobre," dagdag nitong wika sa 'kin. "So, then what's the problem?" bulalas ko ring tanong kahit medyo nag-buckle pa ako sa aking pag-english. "The timing!" inis na turan nito. Awtomatikong napakunot ng noo ko sa aking narinig na sagot ni Blake. "Timing?" maang kong ulit saka napangisi sa kanya. "Paano naging timing? Explain it to me," aburido kong tanong dahil hindi ko talaga makuha ang ibig nitong sabihin na timing ang problema sa relasyon nila. Kasiraan ba ako sa ama o sa pamilya niya kaya hindi pa pwedeng aminin ang relasyon amin ngayon o may tinatago lang ito. Maya-maya ay tumayo si Blake at pinulot ang nagkalat nitong saplot na hinubad namin kanina. "Bahala ka na kung ano ang gusto mong isipin pero ito ang tandaan mo, Lily, mahal kita," anito habang isinusuot ang mga saplot nito. Imbes na magsaya sa sinabi niyang mahal niya ako pero mas lalo akong nainis dahil iniwan niya ako ng wala man lang paliwanag. Natampal ko ang aking mukha. "Ano ba, Lily, mag-isip kang mabuti, hindi ka tanga o bobo para hindi malamang may itinatago sa 'yo si Blake," ang sermon ko sa aking sarili saka nanlulumong inayos ang aking sarili para makaalis na rin sa motel na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD