Nabigla ako nang biglang may tumunog sa kung saan, napatingin ako sa aking cell phone at nakita kong wala namang natawag kaya ginala ko ang aking tingin. Nadapo ang aking tingin sa upuan kung saan nakaupo si Clint kanina at doon ay nakita ako ang cell phone na umiilaw. Nang tumigil 'yon ay naibsan ang aking kaba, wala akong balak sagutin para sa privacy ni Clint pero nang muling tumunog 'yon ay naisip kong baka natawag ito upang malaman kung nasaan ang cell phone niya. Dali-dali ko 'yong sinagot sa isiping si Clint ang natawag, ngunit laking gulat ko nang ibang boses ang nagsalita at hinahanap mismo si Clint. "H-Hello?" nag-aalangang sagot sagot ko. "Hello, hi, sorry, mind if I asked Mr. Ramirez, cell phone niya kasi ito," anang ng nasa kabilang linya kaya alam kong hindi si Clint nito

