"As much as I want to believe your story, unfortunately I won't buy it." saad ni Bruce. Hindi na niya napigilan na huwan na lamang kausapin ito. Tila wala ito sa matinong pag-iisip kapag kausap. Marahil ay inabot na ng init at pagod ang utak nito sa isip ni Bruce. Matapos itong kausapin ni Bruce ay iniwan na niya ito sa clinic. Hindi rin naman pumayag si Gianne na magtagal doon. Kaya lang naman siya hinimatay kanina ayon sa kuwento niya sa nurse dahil akala niya ay multo nag nakita niya. Ngunit nang bisitahin siya nito sa clinic ay napatunayan niyang buhay nga ito. Buo na sa isip niya na tulungan si Maximo na magbalik ang alaala nito. Kahit pa ilang beses siya nitong layuan, iwasan o ipagtabuyan. Hindi pa man nangyayari ay naiisip na na niya ito. Advance kasi siya mag-isip. Hindi niya a

