"You don't have to send us to Manila. We planned to stay here a bit. It's a nice place." sabi ng investor. Nangiti si Maximo. Proud siya sa kaibigan niyang si Gior. Dahil doon ay nakatulong ito sigurado sa decision making ng mga ito sa business deal nila. "I'm glad you like the place. This is my best friend's resort. Feel free to roam around." sabi niya at nagpaalam na siya sa mga ito. Hahanapin na nila si Maximilian---ang nawawala niyang kapatid. Nang makalabas sila ng resort ay walang umiimik sa kanila. Wala kahit na isang gustong maunang magsalita. Naaalala pa rin ni Gianne ang pag-iwan nito kagabi at ganoon din naman si Maximo. Ngunit paano sila maghahanap kung hindi sila magkasundo? "Gianne... Max..." halos magkasabay nilang sabi. Ngunit nanahimik na lamang si Gianne upang paunahin

