"Oh come on, I told you. You're all I have." rinig ni Gior na sabi ng isang lalaki sa hindi kalayuan sa kinatatayuan niya. Bigla siyang na-curious sa boses nito. Napansin niya na may nagtatalo sa resort niya. Kasalukuyan niyang hinihintay si Maximo---ang best friend niya sa usapan nila. Ngayon ang araw na sinabi niya sa kaibigan ngunit tila busy nga ito kaya nagdahilan ito na hindi makapupunta ngayon. Naroon pa naman ang buong barkada nila na sina Pariston, Jason, Zach, Roch, at Octavo. Sa kanilang pitong magba-barkada ay mukhang siya lang ang nang-indiyan sa kanila. "I know. That's why I'm here. Please naman. I'm sorry. Hindi ko kilala ang babaeng iyon." rinig ni Gior na sabi ng kausap nitong lalaki. Sa tantiya niya ay magkasintahan ang dalawang ito. At isa sa kanila ay bakla. At dahil

